Nagpasya siya na magdala ng maliit na shoulder bag para paglagyan niya ng kaniyang cellphone. Nais niya kasi magpakuha ng larawan pagkatapos niyang kumain.
"Kahit picture na lang ang remembrance ko sa Isla na ito," sabi niya sa kaniyang sarili.
Doon uli siya nagtungo sa restaurant na una niyang pinuntahan. Kaagad naman siyang binati ng waiter na siyang humabol sa kaniya nang makalimutan niya ang bayad.
"Dito ka na umupo, Ma'am," sabi nito sa kaniya at iginiya siya sa isang sulok na mesa.
"Saan ako uupo eh, may tao naman?" tanong niya rito na medyo tumaas ang kaniyang boses.
Nakita niya kasi na may nakaupong lalaki na nakatalikod sa mesa na itinuturo ng waiter.
"Pasensiya na po, Ma'am. Solo rin po kasi ni Sir at okay lang naman daw sa kaniya na may makasama," paliwag ng waiter sa kaniya na tila nahihiya pa.
"Hayaan mo siya kung ayaw niya, Miss," narinig niyang sabi ng lalaki.
Biglang naningkit ang kaniyang mga mata sa inis. Lumapit siya rito at pumunta sa harapan ng lalaki. Ayaw niya kasi na sinasabihan siya ng patalikod.
"Anong sa---," aniya na hindi na tinapos ang sasabihin nang mapagsino ang nasa kaniyang harapan.
"Will you join me or you find for another restaurant?" sarkastikong tanong nito sa kaniya. "But let me remind you na kapag ganitong oras ay nasa labas lahat ng guest so don't expect na may mauupuan ka lalo na at mag-isa ka lang," dagdag pa nito saka tumingin sa menu na hawak.
Napalunok na lang siya ng kaniyang laway sa inis sa lalake. Pakiramdam niya ay masyado itong pabibo. Gusto niya sanang umalis at lumipat sa ibang restaurant ngunit naisip din niya ang sinabi nito saka nagugutom na talaga siya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang umupo sa harapan nito.
"Miss, let me take this," sabi ng lalake sa waiter at itinuro nito ang menu.
Lumapit naman sa kaniya ang waiter pagkatapos nitong isulat ang order ng kaniyang kaharap.
"Can I take your order, Ma'am?" tanong nito sa kaniya.
Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay kinuha niya ang menu at tumingin ng mga nakasulat roon.
"Just give me a pancake with mapple syrup and a black coffee," sabi niya rito saka iniabot dito ang menu.
"Thank you po. Kindly wait for your order," tugon ng waiter at umalis na ito.
Halos hindi siya makatingin sa lalaking kaharap. Hindi rin siya mapakali dahil naiilang siya rito. Hindi pa rin kasi maalis sa kaniyang isipan ang kaniyang naging pantasya kapag nakikita ito. Uminom siya ng tubig. Mabuti na lang at may nakalagay sa kanilang mesa.
"Talaga bang ugali mo na ang nakahubad kapag nasa loob ka ng bahay?" prangkang tanong sa kaniya ng lalaki.
Saktong umiinom siya ng tubig nang magtanong ito kaya napabuga siyang bigla sa narinig. Sapol naman ang mukha ng lalaki.
"I'm sorry," aniya sabay kuha ng tissue at akmang tatayo siya para sana lapitan at punasan iyon ngunit hinawakan nito ang kaniyang kamay para pigilan siya.
"I can handle this," sabi nito sa kaniya at kinuha nito ang tissue na kaniyang hawak. "Bakit, nagulat ka ba sa tanong ko?" sabi pa nito sa kaniya.
"H-ha? Ah, eh," aniya na hindi alam kung ano ang sasabihin.
"No need to answer kung ayaw mo," sabi nito na seryoso pa rin ang mukha. Hindi man lang niya nakitang nakangiti ito.
"N-nakita mo ba ako?" tanong niya rito na kinakabahan sa isasagot nito.
Tumango lamang ang lalaki at napapikit siya nang makita iyon. Pakiramdam niya ay umakyat ang kaniyang dugo sa mukha. Hiyang-hiya siya rito.
"Don't worry, sanay na akong nakakakita ng nakahubad dito sa isla. Ang iba pa nga mas malapitan pa at parang wala lang sa kanila," wika nito sa kaniya na mataman siyang tinititigan.
Parang nais niyang kainin siya ng lupa sa mga sandaling iyon. Nawala tuloy ang nararamdaman niyang gutom kaya balak niya sanang umalis. Akmang tatayo siya ngunit hinawakan nito ang kaniyang kamay. Kaagad naman niya iyong iwinaksi dahil pakiramdam niya ay may ilang boltahe ng kuryente na dumaloy sa mga kamay nito.
"No need to leave. Sayang ang in-order mo lalo na at ang mahal ng pagkain dito. Huwag mo na lang isipin ang sinabi ko," wika nito sa kaniya.
Magsasalita pa sana siya ngunit dumating na ang waiter at dala na nito ang kanilang pagkain. Tahimik lang silang dalawa habang inilalapag nito ang in-order nila. Wala na siyang nagawa kundi ang pilitin ang sarili na kumain sa harap ng lalaking laman ng kaniyang pantasya at nakakita sa kaniyang kahubdan.
Tahimik lang na kumain ang dalawa na tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Napapangiti ng bahagya si Travis dahil nakikita niyang balisa ang kaharap at mukhang naiilang sa kaniya. Naalala niya tuloy ang unang beses na nakita niya ito. Gusto niya lang naman na kumain noon dahil sa matinding gutom na kaniyang nararamdaman. Isang linggo na kasi siya sa Isla ngunit panay inom ang kaniyang inaatupag. Nais niya kasing makalimot sa nakaraan na malaki ang bahagi ng Isla Bonita kaya siya naririto.
Ngunit nagulat siya sa kaniyang nakatabi sa restaurant. Dahil nga sa halos lahat ng guest ay magkapareha hindi niya akalain na meron pang katulad niya na nag-iisa. At mukhang masama pa ang iniisip nito tungkol sa kaniya. Kunsabagay, hindi niya ito masisisi dahil sa mahaba niyang buhok at balbas.
Hanggang sa malaman niya na magkatabi lang pala ang inuupahan nilang Villa. Nagulat pa siya nang makita itong nakahubad. Nasa labas kasi siya noon ng villa at nakaupo habang nagpapahangin nang mapansin na bukas ang ilaw sa kabilang villa.
"Marahil hindi nito alam na salamin ang dingding at nakikita siya sa labas," aniya sa sarili habang tinitingnan ang kaniyang kapitbahay.
Nakompirma nga niya na nag-iisa ito nang wala siyang makita na kasama ito sa loob maliban sa nakita niya na kasama ito ng may-ari ng resort.
"Baka type niya. Kunsabagay maganda at seksi siya. Kahit sino makakapansin sa angkin niyang itsura," sabi niya sa kaniyang isipan.
Kinabukasan ay nagpasya siyang mag-jogging. Isang linggo na rin niyang pinabayaan ang sarili at kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan na ipinagpalit na siya ni Chloe.
Habang tumatakbo ay napansin niya ang kaniyang kapitbahay. Nakasuot din ito ng damit pang ehersisyo. Pasimple niya itong sinundan at nakita niya na tuluy-tuloy lang ito sa pagtakbo. Sinundan niya iyon hanggang sa nakita niyang natipalok ito. Kaya kaagad niya itong sinakluluhan.
Nakaramdam siya ng ginhawa nang hindi na ito natakot sa kaniya. Marahil ay natauhan ito na hindi siya masamang tao.
"I'm done. I have to go," biglang narinig niyang sabi nito.
Tumayo na ito at lumabas sa restaurant pagkatapos mag-iwan ng perang pambayad sa kinain. Natigil naman ang kaniyang pag-aalala dahil sa ginawa ng babae.
"Miss," tawag niya sa waiter.
Lumapit naman kaagad ito sa kaniya.
"Heto ang bayad namin. Just keep the change," aniya saka iniabot dito ang iniwan na pera ng babae at dinagdagan na lang niya.
"Salamat po, Sir!" masayang tugon ng waiter.
Nginitian niya na lang ito at nagpasya na ring lumabas ng restaurant. Pagkalabas niya ay hindi na niya nakita ang babaeng kapitbahay.
"Ang bilis naman niyang maglakad. Akala ko pa naman nawala na ang takot niya sa akin. Pambihira!" aniya saka naglakad-lakad siya sa buhanginan.
Umupo siya sa isang bench na nasa Iilalim ng puno habang pinapanood ang mga tao na masayang naliligo sa dagat. Napapabuntong-hininga na lamang siya. Nakikita niya rin ang ilang staff ng resort na abala na sa pagsasaayos dahil sa gagawing Sunday night party sa gilid ng dagat. Masaya ang araw na iyon dahil sa puno ng kantahan at sayawan. Libre rin na pinapamigay ang mga alak. Iyon din ang nakita niyang chance para mag-propose siya sa kaniyang kasintahan ng limang taon na si Chloe Smith, na kapwa niya rin modelo isang taon ang nakakaraan. At muling nanariwa sa kaniyang alaala ang nakaraang iyon.
"Chloe Smith, willl you marry me?" madamdamin niyang pahayag habang nanonood sila ng fireworks.
Katatapos lang kasi noon ng Sunday night party sa Isla Bonita. Roon nila pinili na mag-celebrate ng kanilang fifth anniversary bilang magkasintahan. Saka niya naisip na maganda rin iyong pagkakataon para mag-propose rito.
"Yes," maluha-luhang tugon sa kaniya ng kasintahan.
Masaya siyang tumayo at isinuot dito ang isang diamond engagement ring na isang taon niya ring pinag-ipunan.
"Thank you and I love you!" sabi niya rito pagkatapos maisuot ang singsing saka hinalikan ito ng matagal sa labi.
"I love you, too!" sabi rin sa kaniya ni Chloe at muli niya itong hinalikan.
Nagpalakpakan naman ang ibang guests na nakakita sa kaniyang ginawang proposal. Tuwang-tuwa naman silang dalawa. Walang pagsidlan siya noon ng kaligayahan. Mahal na mahal niya kasi si Chloe at ito talaga ang pinapangarap niya na makasama sa habambuhay.