Chapter 7 (Part 2)

1247 Words
"We get married after two years. Saktong malaki-laki na ang maiipon natin para sa kasal at sa panimula natin," sabi niya sa fiancé habang nakahiga sila sa kama ng inupahan nilang villa. "Sure, my love!" maiksing tugon sa kaniya ni Chloe. Tahimik na babae si Chloe. Hindi ito madalas na nagsasalita at kung nag-uusap man sila ay maiksi lang palagi ang sagot nito. Ngunit hindi iyon naging hadlang sa kanilang relasyon kaya nga umabot pa sila ng limang taon. Hanggang sa mahuli niya sa loob ng kuwarto nito na may kasamang ibang lalaki at parehong nakahubad. Para siyang pinagsakluban ng langit sa sakit na kaniyang nararamdaman at kaibigan pa nila ang lalake. "How did you do this to me, ha?" tanong niya sa dalawa. Napahagulgol siya ng iyak at parang bata na napasalampak sa sahig. Nabitawan na niya ang bitbit niyang isang bouquet ng red roses na ibibigay sana sa kasintahan. "I'm sorry, Travis but I love Aaron more than I love you," nakayukong sabi sa kaniya ni Chloe habang nakatapis ito ng kumot. "What?" tanong niya na 'di makapaniwala sa sinabi nito. "Mula kelan niyo pa ako niloloko, ha?" galit niyang tanong sa dalawa. "Bago pa ang engagement natin," sagot sa kaniya ni Chloe. "Ano? Matagal niyo na pala akong niloloko? Tapos tinanggap mo pa ang proposal ko?" pasigaw niyang tanong kay Chloe. Naniningkit na ang kaniyang mga mata sa matinding galit. "Dahil ayaw kitang saktan noon. Iniisip ko kasi na sasabihin ko rin sa'yo but I can't find any courage to tell you," sabi sa kaniya ni Chloe na tumutulo na rin ang luha. "Pare---," sabi sa kaniya ni Aaron ngunit pinigilan niya itong magsalita . "Don't call me that dahil wala akong kumpare na ahas," mariin niyang sabi sa lalake. "I'm sorry, Travis pero sana tanggapin mo ang katotohanan na hindi kita mahal," wika ni Chloe sa kaniya. Tumawa siya ng mapakla. Kung siya lang ang masusunod ay nais niyang saktan ang mga ito para mailabas ang galit na kaniyang nararamdaman ngunit napag-isip-isip niya na baka mawalan pa siya ng trabaho kapag ginawa niya iyon. Hindi sila mayaman at tanging sa pagmomodelo lang niya kinukuha ang binubuhay niya sa kaniyang ina. "Sana magiging masaya kayo sa pinili niyong dalawa," aniya saka mabigat ang mga paa na lumabas siya sa apartment ni Chloe. Pagdating niya sa hagdanan ay muli siyang napaupo at doon inilabas ang lahat ng luha na naiwan. Pakiramdam niya ay sasabog ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman. Halos isang oras din siya na nasa hagdanan. Pinagtitinginan na nga siya ng mga tenants na napapadaan. Nang mahimasmasan ay nagpasya na siyang umalis. Ngunit sa halip na umuwi sa kanila ay dumiretso siya ng bar at uminom. Nais niyang magpakalunod sa alak at baka sakaling mabawasan ang sakit na kaniyang nararamdaman. "Sir, magsasara na po kami. Kaya niyo pa po bang umuwi?" tanong ng bartender na si Joey. Suki na siya sa bar na iyon at kilala na siya ng lahat. "A-ang s-sakit-s-sakit ng g-ginawa n-niya sa a-akin," tugon niya sabay turo sa kaniyang dibdib. Kaagad namang nauwaan siya nito. "Sige po, antayin niyo na po ako at ihahatid ko na kayo sa inyo," wika nito sa kaniya sa nagmamadaling umalis para magpalit ng damit. Magkalapit lang ang bahay nila ni Joey kaya alam nito ang kanilang tinitirhan. Matagal din itong kumatok bago binuksan ng kaniyang inay ang pintuan ng bahay nila na kaniyang naipundar. Maliit lang iyon ngunit masaya na sila dahil sarili na nila. Matagal na panahon ding kasi silang palipat-lipat ng inuupahang bahay. "Anong nangyari sa batang ito at bakit lasing na lasing?" nag-aalalang tanong ng kaniyang inay kay Joey. "Mukhang may problema po sa pag-ibig. Panay po ang iyak kanina sa bar," tugon nito sa ina niya. "O, siya tulungan mo akong ipasok siya rito sa loob. Sa sofa na lang muna siya hanggang sa magising," ani ng kaniyang inay. Nang maipasok na siya ni Joey ay nagpaalam na ito. "Maraming salamat, Joey. Mabuti naman at sa bar na iyong pinapasukan ito uminom. Pasensiya na rin sa abala ng anak ko," wika ng kaniyang ina. "Okay lang po iyon. Madalas naman po namin itong ginagawa sa mga kilala naming customer. Saka magkalugar lang naman po tayo," ani Joey. Pagkaalis nito ay pinunasan siya ng kaniyang inay pagkatapos nitong tanggalin ang suot niyang sapatos. Pagkatapos siya nitong malinisan ay bumalik na sa pagtulog ang kaniyang inay. Kinabukasan, tanghali na nang siya ay magising. Masakit ang kaniyang ulo. Tiningnan niya ang paligid at nalaman niyang nasa bahay siya. Bumangon siya at nagtungo sa kusina. Kumuha ng tubig sa ref at ininom iyon. Pakiramdam niya kasi ay tuyung-tuyo na ang kaniyang lalamunan. "Mabuti naman at gising ka na. Ano ba kasi ang problema mo, anak at naglasing ka ng sobra?" mahinahong sabi ng kaniyang inay nang makita siya nito sa kusina. "Pasensiya na po kayo, Inay. Hindi ko lang po kasi kinaya ang sakit na naramdaman ko kagabi," aniya saka muling nanariwa ang sakit na dulot ng panloloko ni Chloe. "Anak, kailanman hindi sagot ang alak sa problema. Kailangan mo iyong harapin at tanggapin. Ganiyan talaga, masakit sa una pero pagdating ng panahon matatanggap mo rin ang lahat," payo nito sa kaniya. "Aalis po muna ako, Inay. Magbabakasyon po ako para makalimot," paalam niya rito. Kahit hindi pa niya naiikuwento ang problema niya rito sa tingin niya ay may ideya na ang kaniyang inay. "Sigurado ka ba sa gagawin mo?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya. Habang umiinom sa bar ay naisip na niya ang bumalik sa Isla Bonita. Kaya bago pa siya nalasing ay tinawagan niya ang kaniyang manager para magpaalam. Mabuti na lang at wala siyang schedule na trabaho. Two months pa raw ang susunod niya na booking. Kaya kahit mahal ay kaagad siyang nagpareserve ng isang villa. Malaki-laki na rin naman ang kaniyang naipon at iyon pa naman sana ang gagamitin nila sa kasal nila ni Chloe. "Siguraduhin ko po na pagbalik ko eh, okay na ako, Inay. Kaya 'wag na po kayong mag-alala sa akin" aniya rito. Biglang natigil ang pagbabalik-tanaw ni Travis nang makarinig siya ng putok. Tiningnan niya iyon at nakita niya na isa iyong lobo. Naisip niya na nilipad iyon ng hangin galing sa stage na inaayos ng mga resort staff. Kaagad naman niyang pinahid ang kaniyang mga luha. Hindi niya kasi naiwasan na umiyak habang inaalala ang sakit na kaniyang pinagdaanan kung kaya't nandito siya sa Isla. Pagkatapos ay nagpasya na siyang bumalik sa kaniyang villa. Samantala, nasa 'di kalayuan lang si Mariz at tinatanaw si Travis. Pagkalabas niya kasi sa restaurant ay humalo siya sa maraming tao para hindi siya nito makita. Nang maupo ito sa upuan ay pinagmasdan niya lang ito. Umupo rin kasi siya sa isang upuan na nasa unahan lang nito. Gayon na lang ang pagtataka niya nang makita iyong umiiyak. "Ano kaya ang pinagdadaanan niya?" tanong niya sa kaniyang sarili. Kaagad naman siyang nagtago nang makita niya iyong tumayo. Nang nasa malayo na iyon ay tumayo na rin siya para bumalik sa kaniyang villa. Ngunit nakasalubong niya si Nikko na todo ang ngiti sa kaniya. "Don't forget to come later. It's a Sunday party night. You have to experience it and enjoy," sabi nito sa kaniya. May ideya na siya sa sinasabi nitong party dahil usap-usapan din iyon sa social media. Nakita na niya ang ilang larawan at videos na kuha sa nasabing party na naka-upload sa website ng Isla Bonita. At excited na siya na maranasan iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD