Natulog maghapon si Mariz sa kaniyang villa. Dahil sa puyat ay hindi na siya kumain ng tanghalian at mas pinili na ang matulog. Papadilim na nang magising siya.
"Oh , noh! Pasado alas sais na. Hindi dapat ako ma-late sa party," aniya sa sarili nang makita ang orasan.
Kaagad siyang nag-ayos ng sarili. Mabuti na lang at nakapili na siya ng damit na isusuot bago pa man siya natulog. Isang floral na halter maxi dress na may mahabang slit at litaw na litaw ang kaniyang morenang legs. Tinirnuhan niya iyon ng isang kulay puti na flat sandals. Naglagay siya ng manipis na make-up ngunit kulay matingkad na pula ang ginamit niyang lipstick.
Saktong ten minutes bago ang party ay natapos na siyang mag-ayos. Muli siyang humarap sa salamin at kinausap ang sarili.
"This is it, Mariz. Bago ka man lang mag forty ay maranasan mo ang wild parties na walang nakakakilala sa'yo. Always remember na mag-enjoy ka ng todo at 'wag ka ng mag-isip ng kung ano. Goodluck, girl!"
Lumabas siya ng villa at sinulyapan ang katabi niyang villa. Madilim ang loob niyon kaya hindi niya alam kung may tao o wala. Nagmamadali na siyang naglakad at marami siyang nakasabay papuntang venue ng party. Sobrang ganda ng set-up dahil napapalibutan ng maliliit na ilaw ang stage maging ang buhanginan kung saan doon mag-i-enjoy ang lahat ng guest.
"Kakainggit din pala kapag napapalibutan ka ng mga magka-holding hands," aniya sa kaniyang sarili.
"Enjoy yourself, Mariz."
Muntik na siyang mapasigaw nang may mag salita sa kaniyang likuran. Kaagad niyang nilingon iyon at nakita niya si Nikko na todo ang ngiti sa kaniya.
"Ikaw lang pala. Akala ko kung sino na," aniya habang hinahawakan ang kaniyang dibdib.
"Nagulat ba kita?" nakangising tanong nito sa kaniya.
Mabuti na lang talaga guwapo itong si Nikko kaya hindi na siya nagalit dito.
"Don't forget to enjoy tonight. If you need me, andoon lang ako malapit sa stage," sabi ni Nikko at itinuro sa kaniya ang pwesto nito.
"Okay," tanging nasabi niya.
"Bye the way, you're so beautiful tonight," wika nito sa kaniya.
"Really? Oh, thank you!" aniya saka napahampas pa ng mahina sa balikat ni Nikko.
"You're always beautiful but tonight is different. You're stunning!" papuri pang sabi nito saka umalis.
Lalong lumaki ang kaniyang ngiti habang kinakawayan ang binata. Tuwang-tuwa siya sa papuring narinig. Ilang saglit lang ay nagsalita na ang emcee sa itaas ng stage.
"Are you ready?" sigaw nito sa microphone.
"Yeessssss!" malakas niyang sagot. Gayon din naman ang tugon ng ibang guest.
"First, on behalf of Isla Bonita Management, I would like to welcome you all to Isla Bonita. Thank you for spending your important milestones in your life here. Thank you for chosing us. And in return, we would like to inform you, our beloved guests that all the drinks being served tonight are all free," ani ng emcee na siyang lalong nagpa-excite sa mga naroon.
Nagpalakpakan sila at meron ding sumisipol dahil sa sobrang tuwa. Pagkasabi ng emcee ay nagsilabasan ang mga nakaunipormadong staff ng resort na may kaniya-kaniyang dalang tray na may lamang alak. Lalong naghiyawan ang lahat. Maging siya ay hindi mapigilan ang pagsipol.
"So, everyone, let's enjoy this night," sabi pa ng emcee saka nagsimulang tumugtog ang banda.
Sumabay ang lahat sa pag-indak habang kumakanta ang vocalist nito. Dumampot naman siya ng alak nang mapadaan sa kaniya ang isang resort staff. Tinikman niya iyon kahit hindi niya alam kung anong klaseng alak iyon.
"This taste good," aniya at kaagad inubos ang laman ng baso saka kumuha pa ng isa at nilagok niya uling lahat.
Hindi na niya pinansin ang mapait na lasa dahil mas nanaig ang adrenaline hormones niya. Maliban sa kaniyang birthday party ay ang Sunday night party ang isa sa inaabangan niya.
Nakatatlong baso siya ng maramdaman ang sipa ng alak sa kaniya.
"L-lasing na ba ako?" tanong niya sa kaniyang katabi na lalake.
"Let's go, Babe," sabi naman ng kasama niyon at umalis ito sa kaniyang tabi.
"S-selos kaagad? Nagtatanong lang naman ako eh," aniya sabay irap sa babae.
Ilang saglit pa ay muling umakyat ang emcee sa stage.
"Are you still enjoying?" tanong nito sa mikropono.
"Yeeesss!" malakas niyang sigaw.
Halos lumabas na ang litid sa sigaw niyang iyon. Napapalingon naman ang ibang guest na nakarinig sa kaniya.
"That's good to hear. And for that, we will have a very exciting game. It's open to all with a partner. The game is called, longest kissing contest," sabi pa nito.
Kaagad namang naghiyawan ang lahat maliban sa kaniya.
"So hindi ako kasali dahil mag-isa lang ako? Ang unfair naman ng palaro niyo," sigaw niya sabay simangot.
Muli na naman siyang tiningnan ng ibang mga guest at natatawa ang mga ito sa kaniya.
"Kapag ako talaga nagka-jowa, who you kayong lahat sa akin," wika pa niya saka pinagtuturo ang mga taong nasa kaniyang paligid.
Hindi naman siya pinatulan ng mga ito bagkus ay nagtawanan pa. Alam naman kasi nila na lasing na siya.
"As a prize, whichever couple wins will have a five days VIP package vacation again here on Isla Bonita," muling sabi ng emcee na siyang lalong nagpa-excite sa mga naroon. "Sounds exciteng right? So everybody is ready?" tanong ng emcee.
"Not yet!" sigaw niya na nakataas ang dalawang kamay.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhanginan at naglakad palapit sa stage. Kaagad naman siyang narinig ng emcee kaya nilapitan siya nito bitbit ang microphone.
"What's your problem, Ma'am?" mahinahong tanong sa kaniya ng baklang emcee na nakapatay ang microphone.
"Ang unfair naman ng laro niyo. Bakit para lang sa couple? Paano naman akong single?" maktol niya rito.
Kahit nakainom na siya ay diretso pa rin ang kaniyang salita. Ang hindi niya lang ma-control ay ang kaniyang kakulitan.
"Pero gusto niyo pong sumali?" tanong sa kaniya ng emcee.
"Of course!" kaagad niyang sagot.
"Okay, ganito po ang gagawin natin, Ma'am. Ipapanawagan ko po kung meron ditong solo guest na gusto kayong makapareha," sabi nito sa kaniya.
Natuwa naman siya sa sinabi nito ngunit nagulat siya nang may humawak sa kaniyang pulsuhan.
"Let me be her partner," sabi nito sa emcee.
"Ayan naman pala, Ma'am. May nahanap na tayong ka-partner mo. Goodluck!" tila kinikilig pang sabi ng emcee saka umalis na ito at bumalik na sa stage.
Tiningnan niya ang lalaking nakahawak sa kaniyang kamay. Gayon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang makilala ito.
"Ikaw?" kunot ang noong tanong niya rito.
"Ayaw mo? Akala ko ba gusto mong sumali? Tayo lang ang solo guest dito," sarkastikong sabi nito sa kaniya.
Sasagot pa sana siya ngunit muling nagsalita ang emcee sa stage.
"Since everything has been set, we will start our game. Couples, there is a timer here on stage and everyone who stops will sit down to make it easy for us to know who won. Is it clear?" sigaw pa ng emcee.
Sumagot ang lahat ng naroon maliban sa kanilang dalawa. Nagtitigan pa rin sila at hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang pulsuhan.
"Okay, face your partner and let's begin the longest kissing contest," ani ng emcee saka tumunog at nagsimula na ang timer.
Hinila siya ng lalaki palapit dito at yumukod ito ng bahagya. Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi.
"It's my first kiss!" sabi niya sa kaniyang sarili.
Sa pagkagulat ay parang nawala ang epekto ng alak sa kaniyang isipan. Para siyang tuod at nakadilat ang kaniyang mga mata. Muli siyang nagulat nang maramdaman ang paggalaw ng labi ng kapareha.
Mainit ang labi at mabango ang hininga nito. Kabaliktaran ata ng sa kaniya. Akmang itutulak niya sana ito ngunit niyakap siya nito ng mahigpit. Sa galing nitong humalik ay napapikit siya. Dahil sa walang karanasan ay hindi niya alam kung paano makipaghalikan. Ngunit tila may sariling pag-iisip ang kaniyang mga labi. Ilang saglit lang ay kusa na rin iyong gumalaw at nakikipagsayaw na sa labi ng estrangherong kapareha.
Nagpalunod na siya sa sensasyong hatid ng kanilang halikan. Bahagya pa siyang tumingkayad at pinulupot ang kaniyang dalawang kamay sa batok ng lalake.
Naging maalab na ang halik nito sa kaniya. Nakaramdam na siya ng kakaibang init sa kaniyang katawan. Pinasok na ng lalake ang dila nito sa kaniyang bibig. At maging ang kaniyang dila ay kusang nakipaglaro rito.
Bigla siyang napadilat nang may maramdamang matigas na bagay na nakatutok sa kaniyang tiyan sa may bandang pusod. Tumigil sa paggalaw ang kaniyang labi at nanatiling nakadikit na lamang iyon sa labi ng lalake. Dumilat din ito at para siyang maduduling habang nakikipagtitigan dito.
"We have a winner!" narinig niyang sigaw ng emcee saka niya tinanggal ang kaniyang kamay sa batok ng lalake at inilayo na niya ang kaniyang mga labi.
"Congratulations to our winner couple for the longest kissing contest," wika pa nito nang tuluyan ng makalapit sa kanila.
Panay naman ang palakpakan at hiyawan ng lahat.
"What strategy did you used to win this game?" tanong ng emcee sa kanila.
Wala siyang maisip na sagot. Nakompirma niya na nawala na ang epekto ng alak dahil nakakaramdam na siya ng pagkahiya. Hinihiling nga niya na sana bumuka ang lupa at kainin na siya.
"We don't have a strategy. We just decided to do it. It's a good thing na kami ang nanalo," sagot ng kaniyang kapareha.
Muli siyang napatingin sa lalake at biglang sinulyapan siya nito habang sinasagot ang iba pang tanong ng emcee.
"Ang guwapo nga niya lalo na siguro kapag nagpagupit at nag-ahit siya," sabi niya sa kaniyang sarili.
"Kailan niyo po balak na bumalik dito sa Isla as part of your prize?" tanong sa kaniya ng emcee.
"Maybe in six months," sagot niya na nawawala pa sa sariling katinuan.
Hindi niya akalain na masasabi niya iyon. Iniisip niya kung bakit ngunit muling nagblangko ang kaniyang isipan.
"Yes, in six months," sang-ayong sagot ng kaniyang kapareha at kinuha nito ang kaniyang kamay at mahigpit iyong hinawakan.
"See you then after six months," nakangiting sabi ng emcee. Panay naman ang kislapan ng mga kamera sa kanilang dalawa.
Pagkabalik ng emcee sa stage ay sinabi nitong magpapatuloy lang ang Sunday night party hanggang alas dose ng hatinggabi. Marami sa magkapareha ang nanatiling nakaupo sa buhanginan habang pinapanood ang banda na muling kumanta sa stage. Silang dalawa naman ay nakatayo pa rin at tila nagpapakiramdaman sa isa't isa.
"Parang hindi ka masaya na nanalo tayo?" tanong sa kaniya ng lalake. Tuluyan na itong pumihit paharap sa kaniya.
Iniyuko niya ang kaniyang ulo dahil hindi niya alam ang sasahin dito.
"Talaga bang babalik tayo rito after six months?" muling tanong nito sa kaniya.
Hindi siya sumagot at sa halip ay hinila niya ang kaniyang kamay at patakbong umalis sa tabing dagat. Balak na niyang bumalik sa kaniyang villa. Naramdaman naman niyang may sumusunod sa kaniya kaya lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo.
Pagdating niya sa may mga punongkahoy ay hinablot nito ang kaniyang braso. Napatigil siya dahil mahigit ang pagkakahawak nito sa kaniya.
"Im sorry," sabi nito sa kaniya. Humarap siya rito at kitang-kita niya ang kalungkutan nito sa mga mata.
"Sorry for what?" mataray niyang tanong. Ayaw niya kasing magpahalata na apektado siya sa ginawa nito sa kaniya.
"For what happened. Nakita lang kasi kita kanina na parang desperada na sumali. Eh tayong dalawa lang naman ang solo guests dito kaya nilapitan na kita," tila maangas na sabi nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng pagka-inis sa sinabi nitong desperada kaya hinila niya ang kaniyang braso at muling tumakbo hanggang sa makarating siya sa kaniyang villa.