Pagkatapos ng fireworks ay nagpasya ng pumasok sa loob ng villa sa Mariz. "I'm sorry, Nikko pero gusto ko ng magpahinga," wika niya rito saka nagkunwaring inaantok na. "It's okay, Mariz. Aalis din naman na talaga ako. Masyado rin naman ng gabi," tugon nito sa kaniya ngunit alanganin ang ngiti na binigay nito. Narinig niya kanina na may sinasabi ito bago pa magkaroon ng fireworks ngunit hindi na niya iyon tinanong pang muli. Nauna na siyang bumaba sa hagdan at nakasunod sa kaniya ang binata. Pagdating niya sa pintuan ng kaniyang villa ay humarap siya rito. "Paano, kailangan ko ng pumasok," aniya rito na bahagya niyang nginitian ang binata. Tumango at ngumiti lang si Nikko at bahagya pa itong kumaway sa kaniya. Tumalikod na siya at pinindot na ang passcode ng pintuan. Akmang papasok n

