Naging masarap ang tulog ni Mariz ng gabing iyon. Naisip niya na baka nakatulong ang ginawa niya sa swimming pool para mawala ang init ng kaniyang katawan. "Makabangon na nga, baka kung saan pa mapunta itong iniisip ko," sabi niya saka uminat-inat muna bago bumangon. Tiningnan niya ang orasan at nakita niyang pasado alas syete na. "Masyado ng mainit para maligo sa dagat," naisip niya habang patungo sa kusina para magtimpla ng kape. Bitbit ang isang mug ng mainit na kape at dalawang slice ng toasted bread ay nagtungo siya sa roof deck. Magpapaaraw siya saglit dahil malamig ang kaniyang pakiramdam na dulot ng aircon sa kaniyang kuwarto. Habang umiinom ng kape ay nakatanaw siya sa dalampasigan. Maraming magkakapareha ang naliligo at naiisip niya na baka kanina pa ang mga iyon bago pa sum

