Pagkapasok ni Mariz sa kaniyang Villa ay dumiretso siya ng banyo at nag-shower. "Hindi naman siya presko pero parang may iba sa kinikilos niya," sabi niya sa kaniyang sarili na ang tinutukoy ay si Nikko. Dahil sa wala pang karanasan tungkol sa pakikipagrelasyon ay hindi niya masasabi na may gusto ito sa kaniya. Ayaw naman niyang pangunahan ang nararamdaman ng tao. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya at tumambay sa veranda na nakaharap sa swimming pool. Malakas ang ihip ng hangin kaya hindi na siya gumamit ng blower para magpatuyo ng buhok. "Parang ayoko ng lumabas mamayang gabi," muli niyang sabi sa sarili. Ngunit iniisip niya kung papaano sasabihin kay Nikko na hindi na siya tutuloy sa dinner nila. "Napasubo ka na, Mariz. Mahiya ka naman sa kaniya kapag basta ka na lang t

