Pagkagising ni Travis ng umagang iyon ay kaagad niyang sinilip ang kaniyang kapitbahay. Sakto naman na nakita niya iyong may kausap na resort staff sa pintuan. Nang maisara na nito ang pinto ay kaagad siyang lumabas at tinawag ang resort staff. "Miss, saglit lang," tawag niya rito. Lumingon naman iyon saka tumigil sa paglalakad nang makita siya. Binati siya nito at gano'n din ang kaniyang ginawa. "Anong nangyari sa kaniya?" tanong niya saka itinuro ang villa ng kapitbahay. "Wala naman po, Sir. May pinabili lang po," sagot nito sa kaniya. Pagkatapos magpasalamat dito ay muli siyang bumalik sa kaniyang villa. Buong maghapon lang siyang nakatingin sa villa ng kapitbahay. Nagtataka siya kung bakit hindi ito lumalabas. Gustuhin man niyang puntahan iyon ngunit wala siyang maisip na idahilan

