days have passed.. simula nong mag make out ang dalawa halos hindi na sila nag papansinan, tila nag iiwasan pa nga sila, kaya Hindi na sila nag babardagulang dalawa.. nakatulong din yon dahil naka pag focus sila sa kani-kanilang trabaho.
sinusungitan pa din naman ni Ruby Rose si Calix talagang natural lang ata sa dalaga ang pagka masungit nito..
isang araw pumasok ang dalaga na bihis na bihis, nakasuot ito ng palda na lagpas tuhod nito na kulay itim at itim din na blouse na hanggang siko nito, formal attire lang kumbaga pero first time itong makita ng binata dahil palagi namang naka slacks ang dalaga minsanan lang talaga mag palda ito, naka lipstick pa ito ngayon ng maroon at may light na make up na talaga namang bumagay sa pale skin ng dalaga.
"what? " pag susungit ni Ruby Rose sa binata dahil ang lagkit ng tingin nito sa kanya na naging sanhi ng pamumula niya.
"what's the occasion? bihis na bihis ka ata? " napapalunok nalang ng laway ang binata dahil napaka ganda ngayon ng dalaga, yon nga lang may salamin pa din ito sa mata at naka tali pa din ang mahaba nitong buhok.
"ano bang paki mo?" irap niya dito.. umupo na ito sa swivel chair nito at ginawa na ang trabaho.
"hindi nga? may date ka ba? kaya ka pala na-late dahil nag ayos ka pa! " bitter na sabi ng binata, nanuyo ang lalamunan niya dahil sa sariling tanong, ano bang paki niya kung may date ito?
tinignan siya ng masama ng dalaga. "pwede ba Mr. Ledesma mind your own business.. hindi naman kita pinapaki alaman sa mga babae mong tawag ng tawag sa landline ng office ko, ang mga babae mong pakalat kalat sa cafeteria. " inis na tugon ng dalaga dito.
"hindi naman sa pinapaki alaman kita, I'm just curious dahil ngayon lang kita nakitang nag ayos ng ganito, bagay naman sayo.. para kang witch. " humagalpak ng tawa ang binata.. mukha talaga itong witch dahil full black ang suot tas naka maroon Lipstick pa.
imbes na mainis ang dalaga ay napatitig lang siya sa binata, this is the first time na makita niyang ganito tumawa ang binatang lihim na gumugulo sa sistema niya.. Oo inaamin niya simula ng kainin nito ang kiffy niya nag iba na ang tingin niya dito, hindi mawala sa isip niya ang binata at tuwing makikita niya ito ay parang may kung anong naglalaro sa tiyan niya, para siyang teenager na kinikilig, pinipigilan niya iyon dahil ayaw niyang mapansin ng binata na nagkaka gusto na siya dito.. kahit kailan hindi niya sasabihin sa chickboy na binata na gusto na niya ito, siya lang ang masasaktan sa huli dahil alam niyang chickboy talaga ang binata, papalit palit ito ng babae, ayaw niyang masaktan ulit baka hindi na siya maka ahon, isa pa matanda siya ng limang taon dito, masyadong bata ang binata para sa kanya.
habang pinag mamasdan niya ang tumatawang binata ay parang binabagyo ang tiyan niya, may kung anong nag wawala don, sh*t ginulo na talaga ng binata ang sistema niya..
natahimik naman sa pag tawa ang binata ng mapansing naka tingin lang sa kanya ng seryuso ang dalaga, hindi niya kaya ang ganitong tinginan ng dalaga para siyang inaakit nito.. sh*t ginugulo na naman ng dalaga ang sistema niya, planado niya na lahat eh dapat mapa ibig niya ang dalaga pero tila baliktad ata dahil siya ang napa ibig nito, talo na naman siya sa pustahan nilang magkakaibigan nito.
"don't look at me like that Rose. " tanging nasambit niya at ginulo ang buhok niya.
inirapan lang siya ng dalaga sabay balik na ito sa ginagawa.
"where are you going? " takang tanong ng dalaga ng palabas na siya ng opisina niya, nakasunod sa kanya ang binata.
"sasamahan ka. " simpleng sagot ng binata.
"baka ma-bored kalang don, dito ka lang" seryosong sabi ng dalaga.
"bakit saan ka ba pupunta? don't tell me may date ka nga talaga? " nag tagis ang bagang ng binata.. kung totoong may date ito hindi siya papayag.
"date? I don't have freaking time para sa date date na yan Mr.Ledesma, ngayon ang anniversary ng pinsan ko. " nag simula na itong mag lakad at naguguluhang nakasunod naman sa kanya ang binata.
"what now? " inis na liningon ng dalaga ang binatang nakasunod sa kanya.
"I'm coming with you, baka mamaya niyan mag wala ka don eh, pano kung awayin ka na naman ng pinsan mo? "
"eh ano bang paki mo mr.Ledesma? don't worry wala akong balak gumawa ng gulo don, kaya bumalik ka na don. " irap ng dalaga dito.
"may paki ako Rose, lalo na pagdating sayo. " seryosong sabi ng binata.
"bahala ka na nga. " agad nag lakad ang dalaga dahil for sure pulang pula ang pisngi niya, sh*t lagpas kalendaryo na nga siya pero para siyang teenager na kinikilig sa simpleng salita lang ng chickboy na biik na to.
nasa elevator na sila paakyat sa gaganaping anniversary ng pinsan ng dalaga, napansin niyang hindi mapakali ang dalaga, baka dahil sa ex nito..
nasa likod siya nito kaya pumunta siya sa harapan at pinag masdan ang di mapakaling dalaga.
"what? " irap ng dalaga sa kanya.
"let me clean this for you. " tinanggal ng binata ang makapal na salamin ng dalaga at kunwari ay nililinisan niya ito.
"matagal pa ba yan? akin na nga lang. " pilit inaagaw ng dalaga ang salamin niya pero tinaas lang ng binata ang kamay nito sa ere, sa tangkad ng binata ay kahit anong gawin niya hindi niya maabot yon.
"what are you doing Mr. Ledesma? don't fooling around, I'm not in the mood right now para makipag biruan sayo. " napipikon na sabi ng dalaga na pilit inaabot ang salamin nito.. sa inis niya ay kiniliti niya ang binata kaya nahulog yong salamin niya.
lumaki ang butas ng ilong niya ng makita ang salamin niya, hindi naman iyon nabasag pero bakit nabali ang temples nito.. not just one yong magkabilaan talaga, kaya napanganga nalang siya.. wala pa naman siyang extrang salamin sa mata pero may dala naman siyang contact lens. pero hindi naman masyadong malabo ang mata niya kaya okay lang, pero hindi lang kasi siya sanay na walang salamin sa mata.
napangisi naman ang binata tagumpay ang plano niya, binali talaga niya ang temples ng salamin ni Ruby Rose, sinadya niya iyon, imposibleng mabali ito dahil nahulog lang sa sahig, ni hindi nga nabasag yon eh.
"pano na to? bat mo pa kasi pinaki alaman yon? malinis naman na yon eh. " inis na sabi ng dalaga sa kanya.
"okay lang yon, bili ka nalang mamaya ulit, o baka gusto mong ibili na kita ngayon? " nakangiting tanong ng binata, napaka ganda talaga ng dalaga pag wala itong salamin sa mata.
"wag na. " suplada nitong sabi sabay irap sa kanya.
"paano yan baka hindi mo makilala ang ex mo niyan? " nang aasar na sabi ng binata.
tinignan siya ng masam nito. "sira ka ba? hindi naman masyadong malabo ang mata ko, siguro dahil nasanay na din akong mag salamin kaya hindi ako sanay na wala yon. "
"so parang fashion mo lang pala yon? why? bakit mo tinatakpan ng salamin ang magaganda mong mga mata Rose? " malambing na tanong ng binata na titig na titig sa dalaga.
samantalang halos atakihin na sa puso ang dalaga sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa simpleng papuri lang ng binata sa kanya.. nasisiraan na ata ang puso niya.
pasalamat nalang siya at nag bukas ang elevator, baka kasi marinig ng binata ang lakas ng t***k ng puso niya. hays. she's doomed for sure.
bumuntong hininga na muna ang dalaga bago pumasok sa party.
"let's go. " kinakabahang sabi ng dalaga.
"wait.. may dumi ang buhok mo. " pinigilan ng binata ang dalaga, inayos nito kunwari ang buhok niya pero ang totoo sinira niya ang panali sa buhok ng dalaga. dahil manipis lang yon na parang rubber nag tagumpay naman siyang sirain yon, nagulat nalang siya ng pag lingon sa kanya ni Ruby Rose ay parang hinangin ang mahabang buhok nito, natuod tuloy siya sa kinatatayuan niya ng makita ang hitsura ng dalaga na parang model ng shampoo.. napaka ganda nito na parang anghel.. nag slow motion pa nga sa harap niya ang dalaga.
"ano ba? anong ginawa mo sa panali ko? inis na sabi ng dalaga.
"wala akong ginawa ah? di ko kasalanan kong sadyang manipis lang ang panali mo. " kibit balikat na sabi ng binata ng makabawi.
"hindi na nga lang ako tutuloy. " magka salubong ang kilay na sabi ng dalaga na balak pa atang mag back out.
"nandito na tayo.. tara na. " hila ng binata sa patalikod na sanang dalaga.
"in this state? ayaw ko. " irap ng dalaga.
"why? napaka ganda mo sa ayos mo ngayon Rose, you drive me crazy alamo ba yon? " mapang akit na sabi ni Calix sa kanya.
ito na naman ang puso niya, takte talaga oh!
"ang dami mo pang sinasabi tara na nga" nag lakad na siya, para siyang tangang naka ngiti ngayon.
"Ruby Rose is that you? " maarteng sabi ng babae na lumapit pa sa kanila.
"yes the one and only. " nakangiting sabi ni Ruby Rose sa dalawang babae.
"oh my gosh, kanina pa kita pinag mamasdan, hindi ka kasi namin nakilala agad. " plastik na sabi ng babae.
"hindi din kita nakilala agad. " simpleng sabi niya.
"oh well, lalo kasi akong gumanda." seryosong sabi ng babae na ikina ubo naman ni Calix.. habang pigil tawa naman si Ruby Rose.
"ikaw din Ruby Rose lalo kang gumanda ah? dahil ba inlove ka na? " tanong naman ng isang babae.
"oh my gosh hanggang ngayon ba wala ka pa ding asawa? hindi ka parin ba nakaka move on kay Reynan? " nakataas na kilay na sabi nong isang babae.
"oh C'mon Emma, matagal na akong naka move on, at mabubuhay ako kahit walang lalaki sa buhay ko. " irap niya kay Emma.
"so hindi mo pala boyfriend tong guwapong kasama mo? pakilala mo naman kami. " malanding sabi nong isang babae.
"hindi pa sa ngayon pero soon or later magiging kami din nitong Rose ko." sabat naman ni Calix.
"oh really? mukhang mas bata ka pa sa kanya ah.. anong nagustuhan mo sa kanya?" mapait na sabi ni Emma na halatang inggit kay Ruby Rose.
"age doesn't matter.. and I like her because she is Ruby Rose. " simpleng sagot ni Calix. "anyway I'm Calix Ledesma. " nilahad ng binata ang kamay niya sa dalawang babae, nag unahan naman ang mga ito sa pakikipag kamay sa kanya.
samantalang natuod lang sa kinatatayuan niya ang dalaga.. totoo bang pinag sasabi ng biik na to?
hindi na niya narinig ang mga pinag uusapan ng mga ito, dahil tila nawala siya sa katinuan.. binagyo na naman ang kaloob-looban niya, bagyong Calix.
"you came Ruby. " bumalik siya sa mundo ng marinig ang pamilyar na boses.
"ofcourse.. parang Family Gatherings na din to Reynan. " nakangiti niyang sabi.. pero sa loob niya ay nanlalambot siya, bakit tila masakit pa din ang puso niya ng makita ang ex niya?
"you look different.. lalo kang gumanda. " titig na titig sa kanya ang lalaki.
natawa nalang siya sa sinabi nito..
"palatawa ka na din pala ngayon, ang unfair lang, you change for the better pero ako ito.. di ka parin makalimutan. " seryusong sabi ng lalaki.. biglang bumilis ang t***k ng puso niya sa sinabing iyon ng lalaki.
"I missed you so damn much Ruby. " tuloy tuloy na sabi ng lalaki.
hindi malaman ng dalaga kung anong sasabihin niya, hinanap ng mga mata niya si Calix.. nakita niya itong may kausap na mga babae, chickboy talaga ang biik na yon.
"all this years pinag sisihan ko lahat, napagtanto kong ikaw lang talaga ang mahal ko Ruby. " malungkot na sabi ni Reynan.
ano bang nangyayari sa kanya? bakit tila mahal pa din niya ang ex niya? pero gusto niya si Calix di ba? she's confused.