asan na ba kasi ang biik na yon? ano bang sinama niya dito? ang lumandi? humanda talaga sa kanya ang biik na yon kung kailan kailangan na kailangan niya ito saka naman ito nawawala..
wala siyang masabi sa mga sinasabi sa kanya ng ex niya. tila napako na siya sa kinatatayuan niya, gusto niya itong iwan pero nanghihina ang tuhod niya.
"say something Ruby, did you miss me too?" malungkot na sabi ng lalaki, lumapit ito sa kanya at hinila siya kung saan.. nagulat nalang siya ng nakayakap na ito sa kanya ngayon.
"mahal na mahal pa din kita Ruby. " malambing ang boses ni Reynan isa ito sa nagustohan ng dalaga sa kanya.
wala parin siyang imik tila pino proseso pa ng utak niya ang mga nangyayari.. nang maka bawi siya ay tinulak niya ito.
hinawakan ng lalaki ang panga niya at nanlaki nalang ang mata niya ng dumikit ang labi ni Reynan sa labi niya.
tinulak niya ito at sinampal.
"how dare you Reynan. " galit na sabi ng dalaga.. pinakita niya sa lalaki kung gaano niya kadigusto ang ginawa nito, pinunasan niya ang labi niya gamit ang palad niya.
gumuhit naman ang galit sa gwapong mukha ng lalaki..
napangisi ito sa kanya. "I know mahal mo pa din ako Ruby, just tell me that you love me, handa akong iwan ang pinsan mo. "
tumaas ang palad niya para sampalin sana ulit ito pero napigilan ito ng lalaki, isinandal niya sa pader si Ruby Rose sabay halik na naman dito, this time ginalaw na ng lalaki ang labi nito.. pilit niyang tinutulak ang lalaki pero sadyang mas malakas ito sa kanya, ano nga ba ang laban niya sa malaking mama na to? walang wala siya sa lakas nito, hindi siya tumugon sa halik nito, kaya kinagat nito ang labi niya, nalasahan pa nga niya ang sariling dugo, pero imbis na tumigil ang lalaki ay lalo itong naging agresibo, nag lalakbay na ang mga kamay nito sa kabuoan ng dalaga, sa mga oras na to ay tila naubosan na ng lakas ang dalaga..
nagulat nalang siya ng may sumabunot sa buhok niya.
ang sakit ng pagkaka sabunot ni Ravenna sa buhok niya, halos matanggal ang anit niya sa pagkaka sabunot nito.
inawat naman ito ni Reynan pero nakatikim lang ito ng sampal sa asawa nito.
"walang hiya kang babae ka, napaka landi mo, pumunta ka lang ba dito para landiin ang asawa ko? " galit na galit na sabi ng babae, pinag sasampal pa siya nito. ramdam niya ang pananakit ng pisngi niya sa mga sampal na ginawa sa kanya ng pinsan niya, mahaba ang Koko nito kaya alam niyang may mga sugat na ngayon ang mukha niya, nawalan na siya ng lakas kanina ng manlaban siya kay Reynan kaya wala na siyang lakas para lumaban sa pinsan nito.
wala man lang pumigil sa pinsan niya, alam niyang maraming tao sa palogod, baka nga pinag tatawanan pa siya ng iba sa mga kamag anak nila.
"napaka landi mo, naubosan ka na ba ng lalaki kaya asawa ko ngayon ang inaakit mo huh Ruby Rose? " galit na galit na sabi ng babae na walang tigil sa pag sampal at pag sabunot sa kanya.
maya maya ay naramdaman niyang wala ng sumasabunot sa kanya. napataas ang tingin niya at nakita niya si Calix na hawak ang dalawang kamay ng pinsan niya,
"how dare you lay your hands on my girlfriend. " galit na sabi ni Calix.. nakita niya ang pagka bigla ng pinsan niya sa sinabi ni Calix.
nagulat nalang ang dalaga ng makaramdam ng ginaw, dahil may bumuhos sa kanya ng kung ano.
nabitawan naman ni Calix ang pinsan niya at pumunta sa kanya..
hindi nila nakita ang isang babae na agad lumapit kay Ruby Rose at ginunting ang suot niyang blouse sa may bandang dibdib niya kaya lumantad sa maraming tao ang expose niyang dibdib.
mabilis namang nahubad ni Calix ang suot na suit at agad itinakip sa expose na dibdib ng dalaga.
walang nagawa ang dalaga kundi umiyak ng umiyak habang tawa naman ng tawa ng mga taong nasa paligid.
agad namang dumating ang lolo niya at si Randy.
"what's happening here?" maawtoridad na sabi ng don.
"ang magaling mong apo lolo, nahuli ko siyang hinahalikan ang asawa ko, napaka landi niya. pumunta ba siya dito para gulohin ang anniversary naming mag asawa? " umiiyak na sabi ni Ravenna.
napatingin naman ang don kay Ruby Rose na nakayuko lang, para itong basang sisiw sa hitsura nito ngayon, napailing nalang siya at gumuhit ang galit sa mukha nito, hindi dahil sa sinabi ni Ravenna kundi dahil nagpa api ito, kilala niya ang apo niya na palaban ito, wala itong kinakatakotan pero bakit ngayon mukha na itong kaawa awa sa harap niya.
"you dissapoint me, Ruby. " naiiling na wika ng don.
natawa naman ng lihim si Ravenna.
nag angat ng tingin ang dalaga sa lolo niya, alam na alam niya ang tinginan na yon ng lolo niya, alam nitong hindi dahil sa mga sinabi ni Ravenna kaya nagagalit ang lolo niya kundi dahil nagpa api siya.. kundi dahil pinahiya nito ang sarili.
sinuot niya ang suit ni Calix at itinaboy ang kamay nitong naka alalay sa kanya.. inayos niya ang sarili saka parang baliw na tumawa ng tumawa.
nag taka naman ang mga tao sa inasal ni Ruby Rose, para itong nababaliw na tumatawa mag isa, para itong witch.
tumingin siya kay Ravenna na nakangisi. "anong pakiramdam mo ngayon na inaagaw ko ang asawa mo? masakit hindi ba? " ani nito na hinaplos pa ang pisngi ng pinsan.. tila napako naman sa kinatatayuan si Ravenna, kilala niya ang pinsan niya.. napaka sama nitong magalit, nanginig siya sa takot pero hindi nito pinapahalata.
itinaboy niya ang kamay ng dalaga.
"sa tingin mo ba maagaw mo ang asawa ko? pinag taksilan ka nga niya hindi ba? " nakangising sabi ni Ravenna na pilit pinatatag ang boses.
napatawa naman ng sobrang lakas ang dalaga, napahawak pa nga ito sa tiyan niya sa kakatawa.
"alamo ba kung bakit niya ginawa yon my dear cousin? dahil ang dali mong bumigay.. in short agad kang bumakaka sa kanya. " aakmang sasampalin siya ni Ravenna pero napigil niya ang kamay nito at siya ang sumampal dito, not just once but twice.
aakmang hahawakan naman siya ni Reynan kaya pati ito ay sinampal niya. "don't you ever touch me crazy bastard.. anong sinabi mo kanina? mahal na mahal mo pa ako? na handa mong iwan ang asawa mo sabihin ko lang na mahal din kita?" sa galit ng dalaga ay sinipa niya ang eggball ni Reynan. "gago ka pala eh, akala mo ba mahal parin kita?" dinuro duro niya ang lalaki. napahiga naman ito sa sahig habang namimilipit sa sakit.. agad naman itong nilapitan ng asawa nito.
"yong bumuhos ng wine sakin lumapit kayo sakin ngayon din. " maawtoridad na sabi niya.
napapatawa naman si Calix sa tabi, akala talaga niya magpapa api si Ruby Rose.
"wag niyong hintayin na mapanuod ko ang CCTV bago kayo lumapit? " sigaw niya.. wala na siyang paki alam kung ano man ang isipin ng ibang tao sa kanya, she's so pissed off right now..
dahan dahan namang lumapit sa kanya ang dalawang babae, si Emma at isang babaeng pamilyar sa kanya, baka kabarakda din ito ni Reynan na inggit na inggit din sa kanya. na ngayon ay kaibigan na ng pinsan niya.
"Emma? why did you do that? " pinalungkot niya ang boses niya.
hindi makapa salita ang babae, tila takot na takot ito sa kanya.
"you.. get me two bottles of wine. " utos niya sa isang babae, agad naman itong sumunod.
agad niyang binuhos ang isang bote ng mamahaling wine kay Emma.
aakmang tatayo naman ang pinsan niya para pigilan siya.
"oppss stay put my dear cousin kung ayaw mong maligo ng wine. " pigil niya kay Ravenna.
"ikaw.. ibuhos mo kay Emma ang dala mong wine. " utos niya ulit sa babae.. nanlaki ang mata niya at napatingin kay Emma.
"hindi mo gagawin? " mahinahon niyang tanong.
"I'm sorry Emma, kasalanan mo din naman, sinabi mong buhusan natin siya ng wine. " natatakot na sabi ng babae at binuhusan na nga ng wine si Emma.
para namang baliw na tawa ng tawa si Ruby Rose. "good job, at dahil dyan hindi na kita bubuhosan ng wine." kinurot pa ni Ruby Rose ang pisngi ng babae.
"tama na Ruby. " pang aawat sa kanya ni Randy.
"wag kang maki alam dito Randy." sigaw niya sa pinsan niya.
"please stop this already, nakaganti ka naman na. " pilit hinihila ni Randy si Ruby Rose.
"bitawan mo siya dude, let her do what she wants, pinahiya siya ng mga yan kaya deserve nilang lahat ang galit ni Rose. " pag pigil ni Calix sa kaibigan niya.
nabitawan naman ni Randy ang pinsan nito.
"sinong sunod? habang alamo na kung sino ka pumunta ka sa harap ko bago pa maubos ang pasensya ko. " nakangising sabi ni Ruby Rose.
agad agad namang lumapit sa kanya ang isa pang babae. nakayuko ito at nanginginig sa takot.
"anong ginawa mo? " mala demonyo niyang tanong.
"sorry po, ayaw ko lang pong nakikitang nasasaktan ang bestfriend ko kaya ko nagawa yon. " nakayuko nitong sabi.
"ano bang ginawa mo hmm darling? " tanong ni Ruby Rose na hinaplos pa ang buhok ng babae.
"sorry po talaga miss Ruby Rose. " halos maiyak na ang babae sa takot.
naka kita ng slitting knife ang dalaga.. pinag laruan pa niya ito sa kanyang daliri.
napa gasp naman lahat ng nakaka kita sa dalaga, para itong nababaliw.
"tama na yan hija. " sabi sa kanya ng tito Roy niya, ama ni Ravenna.
"why tito? naglalaro pa po ako dito. " nakangiting tanong ng dalaga sa tito nito.
"umalis ka na, sinira mo na nga ang anniversary party ng anak ko nag skandalo ka pa dito. " sabi naman ng ina ni Ravenna.
"oh really? baka gusto mong kayo ang paalisin ko sa hotel ko?" nakangising sabi niya, natahimik naman ang babae.
"sige na princess, umalis ka nalang muna. " humawak sa balikat niya ang tito Rudy niya, ang nagpalaki sa kanya.. ito lang ang mabait sa kanya.. ito lang ang kakampi niya sa lahat ng kamag anak niya maliban sa Lolo niya at kay Randy.
yumakap ang don sa kanya at hinaplos ang buhok niya. "pasensya ka na at nahuli ako ng dating, may meeting kasi ako.. ako na ang bahala sa babaeng yan, pag babayaran niya ang ginawa niya sayo princess. " hinagod hagod nito ang likod ng dalaga.
napatango naman ang dalaga.. tumingin ang don kay Calix at sumenyas itong alalayan si Ruby Rose.
"I'll check the cctv, at pag nakita kong walang kasalanan ang princess ko mananagot lahat ng nanakit sa kanya, kahit pamangkin ko man yan o ano.. at ikaw babae---lumapit ang don sa nanginginig na babae at sinampal ito.
"how dare you.. kababae mong tao pero pinahiya mo ang kapwa mo babae, mabulok ka sa kulongan. security..ipakulong niyo ang babaeng yan. " maawtoridad na sabi ng don.
"teka tito Rudy, baka naman po pweding hindi niyo na siya ipakulong, she's my bestfriend tito.. maawa po kayo sa kanya, nagawa niya lang naman yon dahil nakita naming inaakit ng malanding--- hindi na naituloy ni Ravenna ang sasabihin ng sampalin siya ng kanyang Tito Rudy.
"watch your words Ravenna, hindi ganyan ang pagpapa laki ko kay Ruby, hindi niya magagawang gawin yon, tignan lang natin pag nakita na natin ang CCTV kung sinong may mali, pag yang asawa mo ang may kasalanan ng lahat mananagot sakin yan kahit ampon pa yan ni Ronald." galit na sabi ni Rudy.
"sumusobra ka naman ata kuya, bat mo sinampal ang anak namin. " sabi ni Maurice, asawa ni Roy. "Roy tatahimik ka lang ba dyan? " inis na sabi ni Maurice sa asawa.
"hindi lang yan ang aabotin ng anak mo pag nalaman kong walang kasalanan si Ruby Rose." galit na sabi ni Rudy.