Chapter Twelve
Nagmamadali akong lumabas ng canteen at pinunasan ang mga luhang nag paumunang tumulo. Paulit-ulit akong tinatawag ni Janice pero hindi ko siya pinansin. Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Natagpuan ko ang sarili ko sa likod ng paaralan na may malaking puno at doon ko binuhos lahat ng sakit na aking nararamdaman na kanina ko pa pinigilan. Ang hapdi niyon. Umiyak ako na walang tunog habang hinaplos o di kayay pinapalo ko ang aking dibdib sa hapdi niyon.
Naalala ko pa yung araw na nagkita tayo, ayokong magpakilala sayo pero inaasar mo ako. Nagustuhan kita hindi dahil sa pagka gentleman mo kundi dahil sa nagustuhan na kita at mas lumala pa iyon dahil sa mga ipinapakita mo na ako lang ang iyong nakikita at nagtititwala ako dahil palagi mong pinapakita sakin ang nararamdaman mo. I felt that Im so special. Pero, niloko mo ako. Ako lang ba yung assuming? Paano naman ako naging assuming eh, yung kinikilos mo ay may double meaning tapos ang iniisip ko ay nakakakilig? T*ngina naman ito oh. Walang kwentang pag-ibig... Nasabi ko nalang sa aking sarili...
"Ilabas mo na lang lahat, mawawala din yan," biglang sabi sa aking katabi.
"Wala kang alam," sarkastikong kong sagot.
"Then don't.!" He yelled in my face.
"What the-what's wrong with you?! What are you doing here by the way? You are here to insult me are you?" I yelled in his face too.
"What?! Excuse me?!" Cedric brought his face closer to my face.
"Not too close," I pushed Cedric lightly to get away. Nararamdaman ko na ang hininga ng gunggong na ito at baka mararamdaman nito na sa paglapit ng kanyang sa mukha ko ay biglang huminto ang puso ko at hindi na naman ako makahinga. Kinapa ko ang laman ng bag ko upang kunin ang inhaler. Nang matagpuan ko ang hinahanap, napagtanto kong nasa tabi ko pa rin si Cedric at nakatitig sa akin. He give me a question look.
"Pwede ka nang umalis, ayos lang ako dito," kahit nahihirapan ay pinilit ko pa rin maging maayos sa harap niya baka pagtatawanan niya ako dahil sa sitwasyon ko ngayon. Wala pa naman ako sa mood na makikipag bangayan sa kanya.
"Excuse me? Ako ang nauna dito at dapat ikaw na ang umalis," aniya saka humiga sa damuhan na nakapikit ang dalawang mata na ani mo'y matutulog na at ginawang unan ang dalawang kamay.
Hindi nalang ako pumalag, inayos ko nalang ang mga gamit ko kahit na naninikip na ang dibdib ko. Kailangan ko na itake yung inhaler... Nasabi ko nalang sa aking isip. Alam kong hinayaan lamang niya ako at hindi pinansin ni Cedric. Nang maayos na ang lahat, bigla akong tumayo at biglang umikot ang paningin ko. Napakapit ako sa ulo ko at ginawang sandigan yung puno para hindi mawala yung balanse ko.
"Hey, okay ka lang?" he asked worriedly.
Hindi ko siya pinansin. I closed my eyes firmly. Hindi ko na makayan lahat, dumilim na ang aking paligid. Hindi ko naramdaman na natumba ako, ang nakita ko nalang ay ang mukha ni Cedric na parang iiyak na dahil sa pag-alala sa akin.
Bakit ka ba ganyan ka sa akin? Nakakalito ka alam mo ba iyon?
....................
Parang ako yung taong walang kwenta sa mundo. Ang hina ko hindi ko na alam kung paano ako babangon ulit. Araw-araw nakikita ko yung taong nagpasaya sakin noon at nasaktan ako ngayon. Ganito pala ako magmahal? Halos wala na akong maitira sa aking sarili? He was my first, and last na sana. Kaso...
"Kailan siya magigising?" Tanong ng isang lalaki na pamilyar sa akin ang boses. Nawala ako sa isipin ko nang marinig ko ang boses na iyon.
"Depende lang sa kanya yun, baka pagod lang siya kaya pahingahin mo muna siya," sabi ng boses babae na hindi ko mapamilyaran.
Oh teka, nasaan ako?
"She's fine, 'di ba? Ano sa tingin mo?" Nag-aalalang tanong niya.
Bakit ba ako inaalala ng isang ito? Hindi ako-teka, hindi ba? Nakapikit lang ako at gising yung diwa ko. Na hospital ba ako? Bakit masyadong malambot naman itong hinigaan ko? Hindi ko alam kung nasaan ako pero ramdam ko ang presensya ni Cedric na umupos sa gilid ko. Bigla kong naramdaman na may humahaplos sa buhok ko.
Ehh? Teka, walang ganyanan pa fall ka masyado pre. Wala tayo teleserye. Nasabi ko nalang sa isip.
"I'm sorry, hindi ko alam na may asthma ka, tapos hindi ko alam kung saan kita dadalhin kaya hinatid na lang kita pauwi," pagkasabi niya noon ay biglang gumalaw ang kama at... at... at... napagdesisyunan kong imulat ang aking mga mata at tatanungin ko sana siya kung nasaan ako pero nangyari ang hindi inaasahan...
Hinalikan niya ako sa noo! Sheyms! Si-si Francis lang pwedeng gagawa nun uy! A-Anong nangyari bigla? Bakit? Ano?! Hindi ako makapaniwala. Halos hindi ako makakilos dahil sa pangyayari hindi ko alam kung paano at bakit nangyari ang mga ito. Nararamdan ko ang kanyang pagtayo, at may biglang humawak sa kamay ko. May kung anong kuryente ang idinulot niyon dahil sa haplos na kanyang ginagawa tapos pati ulo ko at inaayos pa pati buhok.
"Gising kana....Magiging okay lang din ang lahat andito lang ako. Pwede mo naman akong tawagin kung kailan mo gusto. Handa akong pumunta at tulungan ka... Para sa'yo..." kumawala siya ng malalim na buntong hininga.
Ilang minuto lang ay narinig ko ang biglang pagsara ng pinto hudyat na lumabas na siya sa kwarto. Bigla kong minulat ang aking mga mata at bumangon.
"A-Ano iyon?!" Napatakip pa ako sa noo at baba ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari at sa narinig ko ngayon lang. Wala akong masabi dahil sa gulat. bigla ay naramdaman kong uminit ang aking pisngi, at bumilis ang t***k niyon na halos hindi ko na makahinga. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil baka may makarinig Teka-hinawakan ko ang dibdib ko. Biglang naging abnormal ang t***k niyon.
"H-hindi na ako makahinga," bulalas ko. Hinanap ko ulit ang inhaler ko pero wala na. Saan 'yon?! Tatayo na sana ako para hanapin ang inhaler ko nang biglang bumukas ang pinto, nakita kong may dalang pagkain si Cedric sa isang tray. Kumunot ang noo niya dahil nakita niyang nakatayo na ako at may hinahanap.
Lumapit naman siya sakin at nilapag ang tray sa bed side table. "Okay ka na ba?" Mahinahon niyang sabi.
Hindi ko na maramdaman na tumibok yung puso ko. Tumango nalang ako bilang tugon. Yung titig niya sakin ay di ko matingnan. Nahihiya ako.
Kinuha naman niya yung pagkain na nasa tray, at sinubuan ako. "Ayos ka lang ba talaga?" Tiningnan ko siya sa mata sa mata.
Tinititigan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya gawa ng sa lahat ng kanyang mga sinasabi kanina lalo na yung mga pinag gagawa niya.
"Okay na ako, salamat." Sabi ko nalang.
Inayos ko nalang sarili ko upang mahiga at makatulog na. Inalayan naman niya akong makahiga. Tinalikuran ko siya. Pero, hindi parin siya lumabas sa kwarto. Hinahayaan ko nalang siya. Ang daming nangyari sa araw na ito, ayukong mag-isip ng kung ano-ano, baka maulit na naman yung nangyari kanina.
"Will you be my girlfriend?" Biglang sambit niya.