KABANATA LABIN' TATLO

1152 Words
"Okay ka na ba ngayon?" Tanong ko. "Y-Yeah," nauutal kong sabi habang nakatingin sa kinaroroonan ko. "Nasaan ako?" tiningnin ko ang buong silid, malawak at amoy lalaki. Hindi na pala ako dapat na magtanong. Pero, mas maganda na yung sigurado. Tumingin siya ng diretso sa mata ko. "Kung saan ako nakatira." sagot niya sa aking tanong. Laking gulat ko nang tumingin ako sa kanya at hindi niya ako pinansin basta kinuha niya ang tray na may lamang pagkain at gatas. Mas masarap ang kape kaysa sa gatas. "Alam ko kung ano ang iniisip mo." Tiningnan ko siya ng diretso. "Alam kong mas gusto mo ang kape kaysa sa gatas, ngunit wala akong kape dito mas mabuti nang gatas sayo para naman lumusog ka." "Aba, sino ba kaseng nag sabi sayo na pakialaman pati–" "No more questions just eat your meal. Iuuwi na kita mamaya." Hindi man lang niya ako pinatapos sa aking sasabihin. Pumasok siya sa banyo. Tiningnan ko ang mga putahi sa isang tray. Mukhang masarap. Kakainin ko lang itong Omelette na inihanda niya para sa akin. Hmmm, hindi masama. Napakasarap nitong Omelette na ginagawa niya. Isang lalaking katulad niya? Pwede na... Tango-tango akong kumakain sa pagkain na inihanda niya. "Is it good?" he asked. Sucks, I forgot that he's still here in front of me. Tumango ako bilang tugon. "Okay na ako, salamat." Sabi ko nalang. Inayos ko nalang sarili ko upang mahiga at makatulog na. Inalayan naman niya akong makahiga. Tinalikuran ko siya. Pero, hindi parin siya lumabas sa kwarto. Hinahayaan ko nalang siya. Ang daming nangyari sa araw na ito, ayukong mag-isip ng kung ano-ano, baka maulit na naman yung nangyari kanina. Kakatapos ko lang kumain ng bigla siyang nagsalita. "Kumusta ka?" tanong niya. "Anong ibig mong sabihin?" Sagot ko sa kanya. "Nasasaktan ka pa ba?" Alam ko ang ibig niyang sabihin. Dinamdam ko ang sarili ko. Ang sakit parin. Hindi pa rin ako okay. Napayuko ako at hindi sumagot sa tanong niya. "I guess hindi ka pa rin okay." Aniya. "So what if hindi pa rin ako okay? May magagawa ka ba?" iritadong sagot ko. "Oo, kung interesado ka," confident niyang sabi. Curious ako at gusto kong magfocus sa ibang bagay at hindi sa Ex-boyfriend ko. "Ano naman yun?" "Be my girlfriend," seryoso niyang sabi. Natigilan ako at hindi makapagsalita dahil sa gulat. Seryoso? Isang Cedric Monte Alto? Gusto maging boyfriend ko? Kumakain pa ba siya ng tama? Ano ba ang nakain niya? "Hey, are you okay? Kailangan mo ng inhaler?" tanong niya. "Siguro? Ano sa tingin mo?" "A-Are you mad at me?" he said stuttering while looking straight into my eyes. "What do you think?" "Hey, listen I want to help you here—" hindi niya matapos ang kanyang sasabihin dahil nagsalita ako kaagad. "And that's your way to help me?!" I cut him off. Napayuko siya sa hiya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang iniisip ng isang ito. "Alam mo? Mas gugustuhin kong mag-away tayo araw-araw kaysa-ganito? Hell no." Umupo ako at lumabas ng kwarto niya. Paglabas ko may babaeng parang dyosa sa paningin ko. Oh! nanonood lang siya ng anime. Aalis na sana ako nang biglang hinawakan ni Cedric ang wrist ko. "Let's talk," mahinahon niyang sabi. "Pag-usapan ang ano?!" Sinaway ko siya dahil hindi siya titigil sa pagmamakaawa kung hindi. Napatingin sa amin ang babae na nakakunot ang noo. Parang pamilyar siya sa akin. "Hoy, kalmahin mo muna sarili mo. Please?" pagmamakaawa niya. Teka, bakit siya ganito? mukha siyang tuta. "Kung may problema kayo, pumasok kayo doon sa loob ng kwarto then lock the door have a baby to ease the pain and calm your veins," she said. Pero, hindi ko maintindihan. Ano ang ibig niyang sinabihin? "Shut up, Cass. We're talking-" pinutol niya ito. "And you both disturb what I watch my dear brother," sabi nito na ikinalaki ng mga mata ng kapatid. Kamukha niya si Cedric. Ang ilong, mata, mukha—hay naku. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko ngayon. I saw Cedric's female version that's why she looks so familiar to me... Natawa ako sa nasa isip ko. "Anong binubungisngis mo?" "Bawal?" pang aasar ko sa kanya. "Hindi pero–" "He got frozen when he sees your smile," Cass said while eating popcorn. "Ikaw–" hindi niya natapos ang sasabihin. Tiningnan niya lang ako na kalmadong mukha. Tumingin ulit sa kapatid niya. "Pwede ka bang pumunta sa kwarto mo at mag-aral ka dun sa ibang subject na pwede mong pag-aralan cause you're not that intelligent so, that we can talk." Hindi naman nagsalita si Cass, tumayo na lang siya at pumasok sa kwarto niya. Nagpunta naman si Ced sa sofa upang umupo doon. "Pwede bang maupo ka sa tabi ko para makapag-usap tayo?" tinuro niya yung left side niya. I don't have a choice kaya sinundan ko siya at umupo sa harap niya. Don't have a choice o gusto pang makipag usap sa kanya? Ewss.. Umupo ako sa single sofa na nasa harap niya. "Alam kong nagulat ka, pero pakinggan mo naman ako." pagmamakaawa niya. I don't know why, I was wrong this time... Hindi ako humarap sa kanya, I found myself watching Television. ——— "Yun lang," pagtatapos ko sa aking kwento. "Anong? Yun lang?" Gulat kong tanong sa kanya. Hindi naman siya makapaniwala dahil sa naging reaction ko. "Nasa exciting part ang kwento mo Leam! Pero, bakit? Bakit?!" Parang nasa drama series ang bakletang to. Peke naman ang sigaw niya sa harap ko. Nakakatuwa naman ang isang to, parang bata na inagawan ng candy. "You're so damn overreacting about what happen my dear cousin. Please stop it." Tumayo siya. Inayos ang sarili. Hinarap niya ako ng nakapameywang at dinuduro pa sa mukha. "What you were expect? His my enemy remember?" reklamo ko. Sinapo niya ang kanyanh noo, parang sya pa yung na stress sa lovelife ko haha. Tumabi nalang sya sakin. Ngumiti at humagikgik. "You were the one who thought that you're his enemy my dear. If I were you..." putol nito. Lumaki saglit ang mata niya, bago humalakhak sa tuwat kilig. "Ano? Ano naman? Hindi kami bagay dun uyyh." Sumimangot ako. Nagtampo-tampuhan, kala mo rin isang bata ehh. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso sa mata. Pinag-aralan niya ng maigi ang pagkatao ko mula ulo hanggang paa. "Para kang inlove," aniya. Sinampal ko siya sa braso ng mahina lang. Tawa parin siya ng tawa. "Ano yan narinig ko? Sinong inlove?" Tumayo agad ako at nag paumunang lumapit kay tita. "Wala ho yun. Mano po tita, hihi." Sabay abot ko sa pizza na dala niya. "Ayh, akala ko pa naman na nag grocery ikaw kamahalan?" Ani bakla. "Namili ako ah—" hindi niya matapos-tapos ang kanyang sasabihin ng nay biglang pumasok na may dalang isang box. "Tita, saan po ito ilalagay?" Nakalunok ako ng tatlong beses sa aking laway. May isang gwapong nilalang na biglang dumating sa aming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD