Extra Chapter #4 MAINGAT NA UMUPO SI EIRA SA STEEL BENCH SA GARDEN AREA NG BAHAY. She is almost on her seventh month of pregnancy kaya medyo may kalakihan na din ang tiyan niya at kailangang mag-ingat. Arjh has been very attentive to her needs. Mas naging extra maalaga ito sakanya kaya kumuha ng dagdag na katulong at personal assistant niya who will attend to her every needs while he is away for work. Ang totoo minsan nalang umaalis ng bahay si Arjh. He is always in the house and only making calls and emails for his work. Aalis lang ito kapag kailangan na talaga, like meeting a potential investor and closing deals. Ayaw daw nitong mawala siya sa paningin nito. Napangiti siya habang inaalala ang mga pinaggagawa nito for her cravings, her crazy mood swings and for pampering her all

