Extra Chapter #1 NAGISING SI EIRA NANG MAY MARINIG NA KALABOG. Saka niya lang napansin na wala siya sa loob ng kwarto. She looked around and found out na nasa kotse pala siya at wala sa hotel room na tinutuluyan. Dahan-dahan siyang bumangon na ikinalingon ng katabi niyang nagmamaneho. “Sorry, did I wake you up?” concerned na tanong nito. Tumango siya dito. “Ayos lang. Where are we going?” tanong niya. Halos mga puno na kasi ang nakikita niya sa daan. Which she liked. Puro buildings nalang kasi ang nakikita niya the past days. Ngumiti lang ito, “It’s a surprise. Why don’t you go back to sleep? I’ll wake you up when we get there.” Pahayag nito. Umiling siya. Hindi na rin naman kasi siya makakatulog ulit. “Nawala na ata iyong antok ko.” Itinabi muna ni Arjh ang sasakyan para ayusi

