Chapter Thirteen Surprise, Surprise!
“EIRA, PAKIABOT NAMAN NG KETCHUP.” saad ng tiyahin ni Eira na busy sa ginagawang spaghetti.
It’s December twenty-four today at busy sila sa paggawa ng mga pagkain para sa handa nila sa Noche buena. Dalawa lang naman silang magce-celebrate ng tiyahin doon sa bahay pero medyo marami lang talaga ang niluluto nila sa pasko tuwing taon. Namimigay kasi sila sa mga kapitbahay at pinapadalhan din nila si Nay Lydia.
She sprinkled the crushed grahams on the last layer of her mango float. Iyon kasi ang isa sa specialty niya sa dessert. Mahilig kasi siya at ang daddy niya doon. Kinuha niya ang Tupperware at inilagay sa freezer. Naghugas siya ng kamay saka nilinis ang mesa. “Tapos na po ako, Tita.” saad niya kay Tita Merdel na katatapos lang din sa ginagawa.
She smiled and gave her a nod. “Okay. Magpahinga ka na muna sa taas. Aayusin ko na muna ito dito. Gigisingin nalang kita kapag pupunta na tayo kina Nay Lydia.”
She nodded at her. “Sige po, Tita.” Pumunta na siya sa taas at pumasok sa kwarto saka nahiga at pumikit.
Inabot niya ang cellphone nang tumunog iyon. Napangiti siya nang makita ang ipinadala ni Chantal na MMS. Nasa Tagaytay pa rin ang mga ito ngayon at doon na magpapasko. Ang pamilya naman ni Vin at Corby ay umuwi na kaya ang naiwan nalang doon ay ang pamilya ni Zeke at Micco. Natawa siya nang mapansin ang mukha ni Arjh, Zeke at Micco sa litratong pinadala nito. May mga flour kasi sila sa mukha tapos ang gulo pa nung kitchen area nila. Binasa niya ang nakasulat kasama sa picture. “The boys tried to bake but ended up with a flour fight. Lagot sila kina Mom. Haha! Advance Merry Christmas, Ate!”
Ibinalik niya ulit ang cellphone sa gilid ng kama at unti-unting pumikit para makapagpahinga.
Mahihinang katok mula sa labas ng kwarto ko ang gumising kay Eira.
“Eira? Eira?”
Umayos siya ng upo. “Yes, Tita?”
“Sasama ka pa ba sakin kina Nay Lydia?” tanong nito mula sa labas.
Tumayo na siya at binuksan ang pinto. “Opo, Tita. Magbibihis lang po ako sandali.”
“Alright. Sa baba lang ako maghihintay.” iyon lang at bumaba na ito.
Mabilis naman siyang pumasok sa banyo para maligo at magbihis.
“Siyanga pala, you can invite your friends tomorrow. Maraming pagkain sa bahay, baka gusto mo silang imbitahan.” pahayag ng tiyahin habang nagmamaneho.
Papunta sila kina Nay Lydia para ihatid ang mga pagkain. Nginitian niya lang si Tita. “Baka po may mga lakad din sila kasama ang families nila.”
“Eh, yung boyfriend mo, inimbitahan mo na ba?”
Namula siya sa sinabi nito, “Tita! H-Hindi ko po boyfriend si Arjh.” Hindi nga ba? You kissed, remember? Anas ng kabilang isipan niya. Mas lalo tuloy siyang namula nang maalala ang halik na iyon. Hindi naman nila napag-usapan ni Arjh ang nangyari sa park. He just held her hand all the way back to the rest house. Mabuti nalang at wala pa sila Tita pag-uwi nila. Dahil kung hindi, maraming paliwanagan pa ang ginawa nila kung bakit sila basang basa.
“Ba’t ka namumula diyan?” natatawang tanong ni Tita.
She pouted and looked on the other side. “Wala po.”
Bigla naman itong napatawa saka lumiko sa kabilang eskinita. “But, just an advice for you, Eira. Don’t give all your love just yet. Masyado pa kasi kayong bata. Marami pa kayong dapat i-explore. Marami pang opportunities na nakalaan sa inyo. Kung hindi man maging kayo sa ngayon, meron pa namang bukas at susunod na mga araw.” nakangiting saad ni Tita.
She smiled at her. “May pinaghuhugutan ah, Tita?” biro niya na ikinatawa nito.
“Dumaan din kaya ako sa edad niyong iyan.”
Natawa nalang silang dalawa saka nagpatuloy sa kwentuhan. Narating din naman nila ang bahay ni Nay Lydia. Kaagad siyang bumaba nang makita ito sa labas ng bahay at inaabangan sila. “Nanay!” sigaw niya at kumaway dito.
Nakangiti naman ito nang lumapit sa kanila. Nagmano siya dito at binati ang mga anak nito at apo. “Tulungan na namin kayo.” saad nito. Binuhat nila ang mga tupperware papasok ng bahay nila. “Maraming salamat talaga sa mga pagkain, Merdel.”
“Nay, walang anuman po iyon. Parang pamilya narin naman po namin kayo.” Tita.
“Napakabuti niyo talagang magkapatid. Namimiss ko na tuloy ang Kuya mo, pati na ang nanay nitong alaga ko.” saad ni Nanay na ginulo pa ang buhok niya.
She chuckled, “Si Nanay talaga. Wag na po kayong madrama. Hehe. Siyanga po pala, pwedeng pumunta sa bahay?” tukoy niya sa lumang bahay nila na inaalagaan nito.
“Hija, hindi mo na naman kailangang magpaalam. Bahay niyo iyon.”
Napakamot siya sa ulo. “Sige po, Tita, Nay. Punta lang po ako sa bahay.” Lumabas na siya ng bahay nila nanay at pumasok sa bakuran ng lumang bahay nila. She took out her keys and went in. Napangiti siya nang maalala kung bakit siya pumunta doon noong huli. Parang kailan lang nung nag-away sila ni Arjh. Pero ngayon, iba na yung status namin. She gigled at the thought.
Umakyat siya sa taas. Kukunin niya kasi yung mga album niya na naiwan doon. Gusto niya lang kasing tingnan iyon ulit sa bahay ni tiyahin. Para hindi niya masyadong ma-miss ang mga magulang.
Binuksan niya ang pinto at ganoon nalang ang gulat niya nang tumambad sa kanya ang mga teddy bear na nakalagay sa kama, sa study table at sa upuan niya. All of them were from blue magic. Pero sino naman ang nagbigay nito? Teka, para sa kanya baa ng mga iyon? Baka naman sa anak ni Nanay. Pero bakit nasa kwarto niya?
Lumapit siya sa may pinakamalaking teddy bear na nasa gitna ng kama niya nakalagay. May nakasabit na card sa kamay nito. Kinuha niya iyon at binasa.
“Smile. –AdlR”
Biglang kumabog ang dibdib niya. AdlR? Does that stand for Arjhun delos Reyes? She gulped. Kinuha niya naman ang isa pang card na nakasabit sa kulay blue na bear.
“Take the smallest one. --AdlR”
Kinuha niya ang may pinakamaliit na stuff toy.
“Merry Christmas, Eira. Take the necklace. It’s my present. -Arjhun”
Naman eh! Isang Arjhun lang naman ang kilala niya na kayang gawin iyon. Isang lalaki lang ang kilala niyang kaya siyang pakiligin ng ganoon. Hinawakan niya ang kwintas na may pendant na ’Æ’. Hindi niya tuloy mapigilan na ngumiti ng malaki. Ang galing talagang magpakilig ng lalaking iyon. Effective! Niyakap niya ang mga stuff toy. Ang saya niya!
Nagulat pa ang tiyahin niya nang makita ang mga stuff toy sa sala nang sumunod ito sa kanya doon sa bahay. “Oh, sa iyo iyan? Kanino galing?”
Niyakap niya si Nanay Lydia. “Thank you, po.”
Napahinga naman ito ng maluwag. “Akala ko magagalit ka kasi may pinapasok ako sa kwarto mo.” nag-aalalang turan ni Nay Lydia.
Nag-angat siya ng tingin. “Siya po ang nagdala lahat sa taas?”
Tumango ito. “Tinutulungan namin pero nagpumilit eh.”
She smiled. “Salamat talaga, Nay.”
“Teka, hindi ko magets eh. Sinong pinag-uusapan niyo?” naguguluhang tanong ni Tita at naupo sa bakanteng sofa.
“Ahy, naku, may manliligaw na pala itong alaga ko eh. Bigay niya iyan lahat.” pambubuking ni Nanay.
Lumaki ang mata ni Tita, “You mean galing ito kay Arjhun?” napangiti ito, “That boy has his ways.” pahayag ni Tita and she is sure that act pleased her.
May mga tanong pa siya kay Arjh, kung paano nalaman ni Arjh ang bahay na iyon? Pinasundan ba siya nito? Did he know na pupunta siya doon sa bahay ngayong pasko? Kelan niya inilagay ang mga iyon? Napailing nalang siya. For now, what matters the most is she’s happy.
Gabi na at nasa maliit na garden sila ng tiyahin sa bahay. Doon nila inihanda ang mesa at mga pagkain para sa noche buena. Inayos niya ang video cam at ngumiti. “Oh, ayan. Maganda diba Dad?” naka-skype kasi sila ngayon ng ama para kahit nasa malayo sila, parang buo parin ang pamilya niya sa araw ng pasko.
“Andami niyo namang handa.” pahayag ni Dad. ”Penge naman ako niyan.”
Natawa naman siya sa sinabi nito. Kinuha niya ang paborito nito at itinapat iyon sa camera. “Look, Dad, yung paborito mo oh?”
Nagpout naman ito. “Princess, sige pa, mang-inggit ka pa diyan.”
“Hahaha.” tawa niya at kumuha ng kutsara. “Hmm. Sarap talaga, Dad!” pang-iinis niya pa dito after taking a piece of mango float.
Mas lalong lumukot ang mukha nito. Tinabihan naman ito ni Mom na may dala ding mango float. “Sweetie, heto oh. Paborito mo kaya wag ka ng mainggit.” saad ni Mom.
He pouted and crossed his arms like a baby. “Ayoko. Mas gusto ko yung gawa ng prinsesa ko.”
Kumunot naman ang noo ni mom at sinamaan ng tingin si Dad. “Ahh, ganon? Pwes hindi ka kakain ng mango float. Para lang ito samin ni Giu. Hmph!”
Mukhang saka lang narealize ng ama ang sinabi kanina kaya nilambing kaagad nito si Mom, “Sweetheart, joke lang iyon. Alam mo namang the best ang gawa mo kaya nga paborito ko eh. Sige na.”
“Hmmmph!” pagsusungit ni Mom.
Natawa nalang siya sa dalawang naglalambingan habang busy naman sa pagkain ang kapatid niya.
Lumapit si Tita sa kanya na may dalang lusis. “Hello Kuya, Ate and Giu baby!” bati nito. “Isang minuto nalang at pasko na. Wohooh!”
Napatingin siya sa relo at ilang segundo na nga lang. Nginitian niya ang pamilya sa screen. “I love you po.”
Her parents smiled and mom was teary-eyed. “We love you, too, anak.” saad nila pabalik.
Naiiyak tuloy siya. Sa mga ganitong okasyon kasi sobra niyang mamiss ang pamilya niya.
“Merry Christmas! Wohooh!!!” sigaw ni Tita Merdel at nagsindi ng lusis. “Mery Christmas Kuya and fam! Hahaha!” bati nito.
Ngumiti siya, “Merry christmas!” saka niya sinidhihan ang lusis na hawak.
Nagsimula din ang fireworks na gawa ng subdivision nila. Nakangiti naman niyang pinanuod ang fireworks display. Bumaling siya sa tiyahin. “Merry christmas, Tita!” She took her gift hidden under the table at iniabot iyon dito.
Niyakap naman siya nito ng mahigpit, “Merry Christmas, Eira!”
She smiled. Kahit na wala ang magulang niya doon, may isang tao naman sa tabi niya na tumatayong ina at ama sa kanya. She’s her aunt, and she’s one of the best.
Eira rubbed her eyes and yawned. Humalik siya sa pisngi ng tiyahin. “Matutulog na po ako, Tita. Thank you po ulit sa regalo.” paalam niya dito. It was already an hour and a half past twelve midnight kaya ramdam niya na ang antok at pagod sa mga paghahandang ginawa kanina.
She patted her head. “Okay. Mamaya na siguro ako aakyat. Sleep well, okay?”
“Yes, Tita. Good mornight!” Tumango siya dito at dala ang isang baso ng tubig ay umakyat na siya ng hagdan papunta sa kwarto para matulog. She took out her phone. Wala pa ring text mula kay Arjh. Napasimangot siya saka iyon ibinalik sa bulsa. Nabati na siya ng lahat maliban kay Arjh. Kainis talaga iyon! Ayaw niya namang i-text si Chantal para magtanong. Bahala na. Baka mamayang umaga ay mayroon na siyang matanggap.
She opened the door without even bothering to turn on the lights. Inilagay niya lang sa ibabaw ng bedside table ang cellphone, regalo, at baso ng tubig saka maingat na nag-stretch.
“Merry Christmas.”
Napatalon at napasigaw siya sa sobrang gulat nang marinig ang boses na ‘yon at maramdaman ang mainit na yakap nito mula sa likuran niya. She can feel his breath on her neck as he held her still. “A-Arjh? Can you please stop doing that?” aniyang sapo ang dibdib dahil hindi pa siya kumakalma sa pang-gugulat nito.
“Hmmm?”
Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili, “Bakit ka nandito? At paano ka nakapasok sa kwarto ko?” Kinuntsaba ba nito ang tiyahin niya? Surely he wouldn’t get in without getting her aunt’s permission first.
She felt him stiffened. Alam niya din na nakatingin ito sa kanya because she can feel his breath on the side of her face. Unti-unti itong bumitaw sakanya kaya hinarap niya ito agad at pilit inaaninag ang mukha nito mula sa liwanag ng buwan sa nakabukas niyang bintana.
“I-I’ll go home, now. Take a rest.” malamig na saad nito.
She bit her lip. What did she do now? Mabilis na pinigilan niya ito. “W—Wala naman akong sinabi na umalis ka, eh.”
“I’m not welcomed either.”
Siya na ang kusang yumakap dito. “Sorry na. Nagulat lang ako. Hindi ka kasi nagtext sa akin kanina kaya nainis ako. Tapos nandito ka. Masaya ako pero baka kung anong sabihin ng pamilya mo. Dapat kasi family mo ang kasama mo sa Pasko.” Tuloy-tuloy na paliwanag niya dito.
He sighed as he hugged her back. “I was with them. And I wasn’t able to greet you because I was travelling on air. Besides I was planning on telling it in front of you so there was no need to text it. And you don’t have to worry about my family. I asked their permission as well as your aunt’s.”
Na-touched naman siya sa sinabi nito. Him, asking her Tita Merdel’s permission was more than enough. “Thank you.” She looked up on him, “And Merry Christmas!” nakangiting bati niya dito.
He smiled back at hinila siya papunta sa may terrace ng kwarto niya. Saka niya napansin ang comforter na nakalatag doon, unan, kumot, ilang pagkain, chips, at maliliit na lamp na nagsisilbing ilaw nila.
“Y—You…” hindi niya alam kung ano ang sasabihin. She is definitely overwhelmed right now. To think that he travelled just to greet her personally and even prepared that set-up without her noticing. What he’s doing was enough to make her feel very happy and giddy.
Umupo ito saka siya hinila paupo sa tabi nito. He took the blanket and covered her with it. “How about waiting for the sunrise? Although you can take a nap if you want. You look a bit tired.” May pag-aalala nitong saad habang hinahaplos ang ilalim ng mata niya.
She smiled at him and nodded. “I’m fine. Anyway, we can both take a nap later. You look tired from travelling as well.” Saad niya as she snuggled closer to him. Paniguradong pagod din ito sa ginawang paghahanda ng pamilya nito. Not to mention his surprise. But all in all, this is definitely one of the best Christmas she had. Isinandal niya ang ulo sa balikat ni Arjh as they stayed outside, waiting for the sun to rise.