Nagising ako ng makaramdam ng pagbaliktad ng aking sikmura. Nagmamadali akong nagtungo sa banyo. Lumuhod ako sa toilet at nag simulang magsuka. Nangangasim ang aking bibig natila may nakain akong maasim na pagkain. Suka ako ng suka ngunit walang lumalabas sa aking bibig kundi puro laway lang. Halos mailabas ko na ang lahat ng laman ng aking tyan dahil sa pagduduwal. Nangilid ang luha sa aking mga mata na kalaunan ay naging hagulgol. Ang pagsusuka ko at pagkirot ng aking ulo ay naghalo-halo na. Napasandal ako sa malamig na dingding ng banyo matapos kong magsuka. Napahawak ako sa aking ulo ng tumindi ang pagkirot nito. Pinilit kong tumayo at maglakad patungo sa kama kahit na nakararamdam ng pagkahilo. Dahan-dahan kong hiniga ang aking katawan sa malambot na kama. Ilang beses akong lumangha

