Ang aking mga mata ay diretsong nakatingin sa kanila. Ang pagpatak ng aking luha ay hindi ko na mapigilan ng makita ko ang pag-alalay ni Jordan kay Rachel. Habang ang babae ay todo kung ngumiti. They look like a happy couple. Kita ko ang hindi mapigilang saya sa mukha ni Jordan habang nakatingin sa tyan ni Rachel. Ang ngiti na mailap kong makita sa kanyang mga labi. Ang kinang sa mga mata na puro galit ang nakikita tuwing ako ang titignan, ngayon ay naglahong lahat. 'Bakit pag ako ang nakikita mo. Purong galit nalang palagi?' I wanted to ask him but I can't. I just can't. Nakasunod lang ang aking tingin sa papalayo nilang bulto. Kusang humakbang ang aking mga paa sa hindi malamang dahilan. I follow them. Mula sa loob hanggang sa makarating sila sa parking area ay nakasunod lang a

