S01EP01
Sheena
Limang minuto na 'yata akong nakasimangot sa loob ng CR, tulalang nakatitig sa pader sa harap ko habang pinakikinggan ang malumanay na ugong ng aircon sa kisame. Hindi pa rin ako maka-get over sa kahihiyang inabot ko kanina sa hallway. Shemay talaga 'yong lalaking 'yon. Humanda talaga siya sa 'kin kapag nagkita ulit kami.
Pinuno ko ng hangin ang baga ko bago lakas loob na tumayo.
"Okay lang 'yan, Sheena," usap ko sa sarili ko.
I'm sure, last na beses ko nang makikita ang antipatikong lalaking 'yon.
Hinila ko ang shorts ko pataas, dinampot ang maleta ko at taas-noong naglakad palabas ng cubicle. Sinundan pa ako ng tingin ng matandang lalaki paglabas ko. Hindi na ako lumingon. CR pala ng lalaki 'yong napasok ko. Leche.
***
10 miniutes Earlier...
Halos magkandakuba-kuba na ako kahihila ng malaking maletang dala ko.
Nandito ako ngayon sa airport sa Malaysia. Pauwi na ako ng Manila after ng pagkapanalo namin sa Asian Volleyball Competetion.
Kung hindi lang talaga ako nangako kay Megan, baka kasama ko pa ngayon ang mga ka-teammate ko na nagse-celabrate ng pagkapanalo namin.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa isang mahabang upuan sa hallway bago nagbuntunghininga. Grabe, pagod na talaga ako. Sumabay pa ang biglang pagkalam ng tiyan ko.
Ini-ikot ko ang tingin ko sa paligid. I saw a hotdog stand, wala ng iba.
Tumayo ako, hila ang malaki kong maleta at lumapit kay kuyang vendor.
Agad niya akong nginitian. Pinoy siya. "Hi, Ma'am, hotdog po?"
Hindi, turon.
Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Yes, isa ngang—" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Dinukot ko iyon mula sa kaliwang bulsa ng jacket ko bago ngumiti kay kuyang vendor. "Wait lang, kuya, a?" Tumalikod muna ako sa kaniya at agad na sinagot ang tawag. "Hello?"
"Hi, She!" excited na bungad ni Megan mula sa kabilang linya.
"Hey, Meg."
"Nasaan ka?"
"Pauwi palang. Nandito ako ngayon sa airport, malapit na ang flight ko pa-Manila."
"I see. Nga pala, I saw your game. Ang galing mo! Crowd favorite ka."
Napangiti ako. "N-nako, hindi naman, Meg."
"Nako, you know it naman. No need to be humble. Oh, basta, 'wag mong kalimutan 'yong promise mo, ah?"
Napangiwi ako. "Ha? Anong promise?"
"She naman, e!"
"Just kidding! Don't worry, sasamahan kita d'yan sa concert ng favorite rockstar mo."
Narinig ko ang buntunghininga niya mula sa kabilang linya. "Akala ko nakalimutan mo na talaga, e."
"Of course not. Teka—ano nga ulit 'yong name n'ya?"
"I'll tell you kapag nagkita na tayo—don't be late, okay? See you soon, she. Bye-bye."
Last week pa inuulit-ulit sakin ni Megan na samahan ko s'ya sa concert ng favorite rockstar n'ya, kaya paano ko naman iyon makakalimutan? Ginawa ko na ngang alarm ng cellphone ko 'yong sumisigaw n'yang boses.
She, Samahan moko, She, Samahan moko, She, She She!
Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko bago ako ulit humarap kay kuyang vendor. Gutom na talaga ako.
Nagulat ako nang makita kong may nakasingit na sa akin sa pila. Isang matangkad na binata na halos kaedaran ko lang---Pula ang buhok, naka-shades, leather jacket, fitted jeans at boots. Wow.
Gutom na talaga ako kaya kinausap ko s'ya.
"Excuse me?" Ni hindi man lang s'ya lumingon kaya kinalabit ko siya sa balikat. "Uhm, excuse me, kuya?"
Nilingon niya ako bago nagpamulsa. "Bakit, dude?"
Napangiwi ako. "Anong dude? Babae ako, kuya!" pagtatama ko.
Binaba niya ng kaunti 'yong suot niyang shades. Infairness, guwapo.
Si sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. "What do you want?" masungit niyang tanong.
"Ahh, kasi nauna ako sa 'yo sa pila," I politely said.
"I saw no one when I got here."
Napanganga ako. Okay, wala na akong nasabi. Ang suplado niya. Sayang, guwapo sana.
"Heto na po ang hotdog nyo, Sir." Nakangiting abot ni kuya sa kan'ya.
Ayan, at last ako na. Gutom na ako. My guaaard. Sa sobrang gutom ko nagmumukha nang hotdog 'yong vendor.
"Ako rin, Kuya, isang hotdog."
"Ay, Ma'am, sorry po, last na po 'yong nabili ni Sir."
Napanganga na lang ako sa harap ng nagtitinda. Parang huminto ang lahat sa paligid ko. Alam nyo 'yong feeling ng hotdog na hotdog ka na, tapos malalaman mong walang hotdog? Paano na lang ang bansang ito kung wala ng hotdog? That's so sad!
Naningkit ang mga mata ko. Hindi ko matanggap ang nangyari. I'm so hungry and angry! Feeling ko nalabag ang karapatan ko, niyurakan at naisahan nong lalaking kulay pambura ng monggol 1 ang buhok.
Napakagat ako ng labi sa inis bago lumingon-lingon sa paligid. Nakita ko ang lalaking 'yon na naglalakad palayo.
"Hey!" turo ko sa kan'ya, pero hindi man lang siya lumingon. Ito 'yong mga tipong pogi pero bingi. Sarap martilyuhin sa nose.
Biglang bumagal ang galaw ng paligid nang makita kong kakagatan na niya 'yong hotdog. Hindi!
Dali-dali akong tumakbo para pigilan s'ya. "Sandali!" kako.
Natalisod ako sa maleta ko, nasubsob ako at hindi sinasadyang napayakap sa hita niya. Nagtinginan ang mga tao sa paligid, habang napatitig naman ako sa bagay na nakaumbok sa pantalon niya.
Napalunok ako. "Hotdog! Este! S-sorry!"
Hindi 'yon 'yung hotdog na inaasahan ko kaya dali-dali akong tumayo at nag-ayos ng buhok.
Ang sama ng tingin n'ya sa 'kin. "Ano na naman ba?" gigil niyang sabi.
Nagbaba ako ng tingin."E, kasi, naubusan na kasi ako ng hotdog," malambing at pilit kong ngiti.
"So?"
"Pwede bang bilhin ko na lang 'yang hotdog mo?"
"Ayoko."
"Kahit half?"
"No."
"What if wamport?"
"I said no! Baliw ka ba?" Inilayo niya ang hotdog sa akin. So sad. "Please, leave me alone," inis niyang sabi bago tumalikod at naglakad palayo.
Ba't ba ang init ng ulo niya?! Inaano ba siya?!
Hindi ko na napigilan ang inis ko kaya't napasigaw ako. "Hoy!! Pakagat ako ng hotdog mo!" umalingawngaw sa tahimik na airport ang napakalakas kong sigaw.
Napahinto at napatingin ang lahat ng tao sa paligid. Napatakip ako ng bibig. Shemay.
Ugh!
Pinuno ko ng hangin ang baga ko bago nagmamadaling lumapit sa kaniya at hinablot ang hawak n'yang hotdog. "Aki'na na 'to!" inis kong sabi.
Napakunot siya ng noo. "Baliw ka ba?!"
Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya bago naglakad palayo.
"Hey, teka---" Bigla n'yang hinatak ang maleta ko. Sumabit ang handle ng maleta ko sa palda ko at nahila. Nahulong ang palda ko sa sahig at tumambad sa buong airport ang bulaklakin kong underwear.
"Hoy!" Dali-dali kong dinampot ang palda ko sa sahig at nagmamadaling isinuot.
Napangisi siya. "O, hindi ko kasalanan 'yan, a."
"Bastos!"
Halos sumabog ako sa inis sa nagyari, pero wala na akong magawa dahil sa dami ng taong nakatingin.
Nagpigil ako ng sarili. "Alam mo, sa 'yo na 'yang hotdog mo!" sabi ko bago ibinalik sa kamay niya ang lintek na hotdog.
I flipped my hair, dinampot ko ang malaki kong maleta at naglakad palayo—with feelings. Sa kaniya na 'yong hotdog! Saksak niya sa pwet niya with feelings din.
Bwisit!
***
After ko magmukmok sa CR, dumiretso na agad ako sa eroplano. Seat number 6 ako. I placed my hand-carry bag sa itaas ng upuan at relaxed na naupo sa malambot na upuan. I'm in seat number six. Hiningahan ko ang mga palad ko at niyakap ko ang mga braso ko sa lamig.
Sumilip ako bintana sa tabi ko.
Bye-bye Malaysia, salamat sa mga magagandang experience.
Speaking of magagandang experience, naalala ko na naman 'yong antipatikong supladong red hair na lalaking 'yon. Nakakainis. Napahiya pa tuloy ako sa harap ng maraming tao. Bad experience. Bad experience.
Huminga na lang ako nang malalim at nagrelax. Hindi bale, tapos na naman 'yon. Move on.
"Sir, this is your seat—seat number 5," biglang salita ng babaeng Flight Attendant sa tabi ko habang ina-accommodate ang isang pasahero.
Nang tignan ko kung sino—no way! 'Yong lalaking 'yon na naman. Shemay. Ang malas ko naman, mukhang siya pa ang magiging katabi ko. Sa taranta ko, bigla kong nadampot 'yong tray ng pagkain sa tabi ko at ipinangharang sa mukha ko.
Umupo s'ya sa tabi ko at prenteng sumandal sa upuan. Suot pa rin niya 'yong epic shades niya. Great.
"Is there anything else I can do for you, sir?" kinikilig na tanong ng flight attendant.
"No, I'm fine," may pagkasuplado niyang sagot. Suplado pala talaga s'ya kahit kanino. Sana mabilaukan siya today.
Nakangiting umalis 'yong flight attendant na parang naihi na yata sa kilig.
Nakatakip pa rin yung tray sa mukha ko. In fairness, medyo malagkit 'tong tray, a. Pero mas okay na 'to, kaysa naman mapansin pa ako ng lalaking ito. At least hindi niya ako mapapansin. Yes! Love it!
Kinalabit niya ako. "Excuse me, can we exchange seats?"
Ay leche.
"Excuse me, Dude? Can you hear me?"
Pakshet talaga. Hahambalusin ko ng tray 'to e! Babae nga ako!
Kinatok niya 'yong tray na nakaharang sa mukha ko. "Hey, dude, can we exchange seats?"
Iniba ko ang boses ko bago ako nagsalita, "No. Nakaturnilyo kasi 'tong upuan. Chineck ko kanina."
"What?" Bigla niyang tinaggal 'yong shades niya sabay agaw sa tray na nakatakip sa mukha ko.
Napakunot ang noo niya. "Ikaw?"
Nagtaas ako ng isang kilay. "Oo, ako. May angal?"
Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Sinusundan mo ba ako?"
"Anong sinusundan? Nauna kaya ako rito. Ikaw ang tumabi sa 'kin. Sipain kita sa brain, e."
Napatingin siya sa legs ko at natawa. "Nagpalit ka pa ng shorts, a? Nice."
Tinakpan ko ng kamay ko ang mga hita ko. "Ewan ko sa 'yo!" Sumandal ako sa upuan ko, nag-cross arm at tumingin sa labas ng bintana.
Binalik niya 'yong epic shades niya at sumandal din sa upuan ng nakangiti.
Sobrang malas ko talaga ngayong araw at nakatabi ko pa ang mokong na 'to. 'Di bale, in few hours nasa Manila na kami.
Matutulog na lang ako.
***
"Ma'am, gising na po." Yugyog sa akin ng babaeng attendant. "Ma'am!"
Napabalikwas ako ng gising.
"Ma'am, nasa Manila na po tayo."
Kinusot ko ang mga mata ko bago iniikot ang paningin ko sa paligid. Wala nang mga tao sa loob ng plane. Ako na lang.
"O-okay, thank you," sabi ko sabay hikab.
Tumayo agad ako para kunin yong hand-carry bag ko sa itaas ng upuan, nang biglang may malaglag na tissue galing sa noo ko.
Dinampot ko 'yon. "Ano ba 'to?" kako.
"Ay. Idinikit po 'yan no'ng gwapong katabi n'yo," sabi ng attendant.
Tinignan ko agad. May nakasulat...
NAKA-NGANGA
KANG MATULOG,
I TOOK A PHOTO.
PS:
Nagkalat 'yong
lipstick mo sa
nguso mo. >:)
Mabilis kong kinuha ang maliit na salamin sa bulsa ng bag ko bago tinignan ang mukha ko.
Napangiwi ako. "f**k!" Naningkit ang mga mata ko bago kinausap ang attendant. "Miss, kanina pa bang nagkalat ang lipstick ko sa peslak ko?" medyo inis kong tanong.
"Yes, ma'am. Pagpasok n'yo pa lang po ng plane."
Inilabas ko na ang ngipin ko sa inis. "E, ba't 'di mo sinabi?"
"Ay. Kala ko po sinadya nyo?"
"Aba't---! Bakit ko naman sasadyaing ikalat 'yong lipstick sa nguso ko?"
"Malay ko po sa inyo."
Dito na ako sumigaw ng malakas.