S01EP08

2359 Words

Okay, naguguluhan ako sa nangyayari. Nakaupo ako ngayon sa harap ng hapag-kainan namin, kaharap ko ang pamilya ko habang kumakain—kasama si Zack. Anong ginagawa ni Zack dito? Siguradong lagot na talaga ako nito kena Mama't Papa.         "Alam mo Sheena," bungad ni Papa. "Gusto ko itong si Zack." Halos mabitawan ko 'yong hawak kong basong may tubig. Anu raw?         "May gusto kayo kay Zack, Pa?" Kita kong na-badtrip si Papa sa tanong ko.         "Ang ibig kong sabihin, gusto ko siya sa pamilya natin." Oh my God. Pakisampal nga ako nang magising ako sa bangungot na ito.         "May lubid ba tayo, Ma?" Makapag-sked nga ng bigti mamaya.         Napakunot ng noo si Papa "May sinasabi ka, Sheena?" Kita ko pang ngumingisi-ngisi si Zack sa harap ko. Sarap talagang dibdiban sa patilya.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD