S01EP05

1644 Words
Pinapunta ni Jona Sikat si Sheena sa condo ni Zack upang resolbahin ang problemang kanilang kinasasangkutan. At ngayon, isang hindi inaasahang suhestyon ang narinig nina Sheena at Zack sa Manager.         "Teka lang po, Mr. Jona, paki-ulit nga po 'yong sinabi 'nyo?" sabay na tanong ng dalawa.         "Hindi 'nyo ba narinig ang sinabi ko?"         "Parang hindi nag-register sa utak ko 'yong sinabi 'nyo eh." Paulit-ulit na linis ni Sheena sa tainga.         "Simula ngayon, opisyal na kayong mag-boyfriend, girlfriend."         Napasapo si Sheena ng mukha. "Anak ng bangong ngatngat na tsupon! Tama nga ang dinig ko."         "Teka lang, Manager, seryoso ka ba sa sinasabi mo? Amazona ang babaeng 'to! Sinapak n'ya ako oh!" protesta ni Zack habang pinapakita ang mukha.         "Anong amazona!? Gusto mong sampelongen kita!?"         "Kita mo na, Manager! Ayoko sa planong 'to!" duro pa ni Zack sa mukha ni Sheena.         "Mas lalo na ako! Hmmp!" Hinampas niya palayo ang kamay ni Zack, sabay dampot sa kaniyang shoulder bag at ambang aalis.         "Sandali!" Dabog ni Jona sa mesa. "Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa!" Sabunot niya sa sarili. "Ang mga finelines ko, nag-eevolve into wrinkles! Maupo nga kayong dalawa!" Sa takot ng dalawa ay agad na napaupo ang mga ito. Sandaling natahimik ang buong senryo.         "Ikaw Zack, two years mo na akong Manager. Sabi nila, walang Manager na tatagal sa 'yo, at totoo 'yon! Kung hindi lang ako nangako sa Papa mo, matagal na akong nagsuicide! I'm doing this for your career!" Agad napapunas si Zack ng mukha sa dami ng laway na pinakawalan ni Jona. Natawa si Sheena.         "At ikaw naman!" biglang paling ni Jona ng tingin kay Sheena. "Do you even care kung ano ang iisipin ng mga tao sa video 'nyo kung malaman ng lahat na wala kayong relasyon? Do you even care about your sport's career?!" Napatameme ang dalawa sa sermon ni Jona.         "Urrghh! Sumasakit ang brain cells ko sa inyong dalawa!" Hawak nito sa kaniyang ulo.         "Volleyball player pala ang babaeng ito?" gulat na tanong ni Zack.         "Bakit!? May problema ka!?" irap ni Sheena kay Zack.         "Kaya pala ang lakas mong sumuntok."         "Listen, people saw spark on you both! Your kissing video spreads like a wildfire! Nare-realize nyo ba ang ibig sabihin noon? Habang positive pa ang feedback ng public sa inyong dalawa, magagamit natin 'yon bilang advantage sa career mo," usap ni Jona kay Zack.         "Wait, wait?! Advantage para sa career ng unggoy na 'to?" Duro ni Sheena sa mukha ni Zack.         "Maka-unggoy ka ha!" kagat labing reklamo ni Zack.         "Pa'no naman po ako?" pag-aalala ni Sheena.         "Don't worry, kung iisipin ng mga tao na boyfriend mo si Zack, makakalimutan nila ang tungkol sa video. Iisipin ng lahat na normal lang ang mga balita tungkol sa inyo." Sandaling natahimik si Sheena.         "Ibig sabihin, ipapaalam natin sa press na girlfriend ko ang warfreak na ito?"         "Bakit? Maganda naman si Sheena ha?" mabilis na tugon ni Jona.         "Hah? Ito maganda?"         "Will you quit complaining, Zack!" inis na saway ng Manager. "It's final! Sasabihin natin sa press na naging kayo sa Malaysia. Tapos, sabay kayong bumalik dito sa Pinas at inihatid mo si Sheena. Tamang-tama, magkatabi pa kayo sa eroplano, wala tayong masyadong problema sa pagpapaliwanag sa press." Biglang tumayo si Sheena. Napatingin sa kaniya sina Jona at Zack.         "Anong disisyon mo?" tanong ni Jona sa dalaga.         "Hindi ko po yata kayang gawin. Sorry," iling ni Sheena.         "Babayaran kita," ani ni Jona.         "Hindi ko po kailangan ng per—"         "One hundred thousand, para sa isang buwan na pagpapanggap." Napanganga si Zack at Sheena sa alok ni Manager Jona.         "S-sandali, Manager—Bakit mo babayaran ang babaeng ito? Sinapak n'ya ako kaya dapat tayo ang bayaran n'ya!"         Inilabas ni Jona ang mga ngipin niya sa inis. "Tumahimik ka, Zack."         "One hundred thousand pesos..." bulong ni Sheena.         "Oo, one hundred thousand pesos, cash," ngisi ng Manager. Napa-iling na lang si Zack. Napa-isip naman ng malalim si Sheena. *** Nang gabing iyon, pinag-isipang mabuti ni Sheena ang tungkol sa alok ng kampo ni Zack. Mahalaga kay Sheena ang makukuhang pera upang makatulong sa kaniyang pamilya, ngunit nagdadalawang isip pa rin siya. Naabutan ni Sheena ang Mama't papa niya na nag-uusap sa kusina. Nanatiling tago ang dalaga habang nakikinig sa mga magulang.         "Dad, mukhang kakapusin tayo sa panggastos sa bahay ngayong buwan," sambit ng Mama ni Sheena.         Ngumiti ang ama, "H'wag kang mag-alala, may naitatabi pa naman tayo."         "Pero pang matrikula 'yon ni Arjhay."         "Mapakiuusapan naman siguro natin ang ekswelahan, tutal kilala naman nila tayo." Napansin ng ina si Sheena na nakatayo sa may pinto.         "She? Oh, kanina ka pa ba d'yan? Kumain ka na ba?"         "Busog pa po ako, Ma. Salamat." Mas nangibabaw kay Sheena ang pagnanais na makatulong sa pamilya kaysa sa kaniyang nararamdamang inis kay Zack Ross. Dimiretso ang dalaga sa kaniyang kwarto at nahiga sa kama.         Niyakap niya ang kaniyang paboritong unan. "One hundred thousand, kapalit ng kontrata? Magiging boyfriend ko ang mokong na 'yon? Bahala na..." Biglang pumasok si Arjay sa kwarto ni Sheena.         "Ate, may dala akong pagkain. Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Mama."         Bumangon si Sheena mula sa pagkakahiga at ngumiti. "Salamat."         "Anong nangyayari sa 'yo, 'teh? May problema ba?"         "Ha? W-wala."         Napakunot ng noo ang kapatid. "Sigurado ka ba? Parang napapadalas na wala kang gana sa pagkain nitong mga nakaraan."         "Wala nga. Ayos lang ako. Teka, ano ba 'tong dala mo? 'Wag mong sabihing hotdog, masasakal kita."         "Hindi ah."         "Mabuti naman. Ano ba 'to?"         "Cheesedog 'yan, 'teh." Huminga ng malalim si Sheena at tila nagpigil ng inis. "Arjay, lumabas ka na habang may chance pa."         "B-bakit, 'teh? Cheesedog talaga 'yan! Tignan mo, may cheese sa loob."         "Wala akong pake! Leche!" Bumuga ng apoy si Sheena. *** Maagang nagising si Sheena upang makipagkita kay Jona Sikat sa isang restaurant upang pagusapan ang tungkol sa alok nitong kontrata. Pumasok si Sheena sa restaurant. Presko at tahimik ang atmospera ng paligid. Makikita ang ilang mayayamang kumakain sa loob.         Sa 'di kalayuan, natanaw ni Sheena si Zack. "Tsk. S'ya na naman," inis na bulong ng dalaga sa sarili. Naglakad si Sheena at lumapit kay Zack na kasalukuyang abala sa pagkain ng chocolate.         Hinawi ni Zack ang buhok niya. "Goodmorning, baby," nakangiting bungad ng binata na tila nanunukso.         Bahagyang natigilan si Sheena sa mapang-akit na ngiti ni Zack, pero huminga ng malalim ang dalaga at nagpatuloy. "Anong ginagawa mo rito?"         "Adik ka ba? S'yempre kasama ako. This is about out relationship, right?" nanunuksong tugon ni Zack.         "Relationship mo mukha mo. Nasan si Mr. Jona?"         "Nasa restroom lang. Upo ka muna."         "'Wag na. Hindi rin naman ako magtatagal dito."         "Sige, ikaw rin. Mangangawit ka d'yan." Napa-kagat ng labi si Sheena sa inis. Halatang irita pa rin ito kay Zack. Umupo si Sheena sa upuan sa harap ni Zack. Hindi nito matignan ng diretso si Zack dahil sa inis. Lalong napangiti si Zack.         "Nang-aasar yata talaga ang mokong nato ah? Bakit ba s'ya nakangiti?" bulong ni Sheena sa sarili.         "Ahh?! Sheena, Hija, Darling! My Salvation!" nakangiting bungad ni Jona habang papalapit sa dalawa.         "Mr. Jona—" Tatayo sana si Sheena.         "Nako, Hija, 'wag ka nang tumayo. Please, feel comfty. Teka—kumaen ka na ba? Sandali... nasaan na ba 'yong cake ko rito? Waiter—!"         "N-nako, 'wag na po—busog pa naman po ako. Naparito lang ako para sabihing pumapayag na ako sa alok 'nyo."         "Perfect! That's great, Sheena!"         "If I know, gusto mo lang talaga akong makasama," pang-aasar ni Zack.         "Ano sabi mo?"         "Sabi ko, you take the contract because you like me."         "Aba't talagang—!" biglang tumayo si Sheena at ambang susugurin si Zack.         "Hep! Hep! Ano ba!? Tumigil nga kayo! Nakakahiya." Agad na naupo ang dalawa at tumahimik.         Inilabas ni Jona Sikat ang isang pahina ng kontrata at iniabot iyon kay Sheena. "Iyan ang kasunduan. Walang ibang dapat makaalam o makabasa ng kontratang 'yan, malinaw?" paalala ni Jona. "Isang kopya sa 'yo, Sheena, at isa naman sa amin ni Zack." Sandaling natigilan si Sheena habang hawak ang papel sa kaniyang harapan--ang papel na nagsasaad ng kanilang kasunduan ni Zack Ross.         "May problema ba, Hija?" Patuloy lamang na nakatingin si Sheena sa kaniyang kaliwang kamay kung saan hawak niya ang kontrata. Nanginginig naman ang kaniyang kanang kamay kung saan niya hawak ang panulat na gagamitin niyang pangpirma. Secret Agreement         Pumikit si Sheena at huminga ng malalim. Naisip niya ang pamilya. "Isang buwan lang naman," bulong ni Sheena sa sarili. Kasunod ng pagmulat ng kaniyang mga mata, ang bigla niyang pagpirma sa hawak na kontrata.         Tila nakahinga naman ng maluwang si Jona matapos makita ang pagpirma ni Sheena. "Thank you, Sheena," maaliwalas na abot ni Jona sa isang pink envelope kay Sheena kung saan nakapaloob ang kaniyang kopya ng kontrata. "Heto, girl."         Kinuha ni Sheena ang pink envelope at tumayo. "Sige po, mauuna na po ako." Natawa si Zack ng bahagya pagtayo ni Sheena.         "Okay, tatawagan ka na lang namin." Tumayo si Jona at kinamayan si Sheena. Napatingin sina Jona at Sheena sa natatawang si Zack.         "Zack, anong nakakatawa?" pagtataka ng Manager.         "Ah? Wala, wala—ingat sa pag-uwi girlfriend."         "Sira-ulo," bulong ni Sheena sa sarili na sinundan pa niya ng irap. Lumabas agad si Sheena ng restaurant. Inis na inis pa rin ito kay Zack.         "Antipatikong 'yon," pagpipigil ni Sheena ng inis. "Akala ba n'ya, may gusto ako sa kan'ya? Tch. Assuming."         "Sheena?" biglang bati ng isa nitong nakasalubong na lalaki.         Natigilan si Sheena na tila kinikilala ang guwapong binata sa kaniyang harapan.         Ngumiti ang bianta. "Sheena! It's me, Chris, remember? Chris Rowan."         "Chris!" pagkabigla ni Sheena dahil hindi naman sila nag-uusap noon ni Chris. "Teka anong ginagawa mo rito?"         "May dinaanan lang," nakangiting tugon ni Sheena. Matagal nang may gusto si Chris kay Sheena, pero hindi niya magawang kausapin ang dalaga, until recently. Habang kasalukuyang nag-uusap sina Chris at Sheena, isang batang lalaki ang biglang sumigaw sa likuran ni Sheena.         "Tignan 'nyo! Natae s'ya!" turo ng bata kay Sheena.         Nagulat si Sheena at napalingon-lingon. "A-ako??" Hindi makapaniwala sa sinabi ng bata.         "Natae siya sa shorts!" muling sigaw ng bata na umani ng atensyon ng iba pang mga dumaraan. Hinawakan ni Sheena ang likuran ng kaniyang shorts at nahawakan ang malagkit at kulay brown na bagay. Nagtinginan kay Sheena ang mga tao sa paligid--pati na si Chris.         "Waahhh! Ano 'to!?" gulat na reaksyon ni Sheena. Mabilis na inilapit ni Sheena ang kamay niyang puno ng malagkit na dumi sa kaniyang ilong upang amuyin.         "Yuckk!!" sigawan ng mga tao.         "S-Sheena, n-natae ka?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Chris.         "Teka? Cho-chocolate cake to ah!?" Napalingon si Sheena sa mga tao at nahiya sa dami ng nakatingin sa kanya.         "Teka! Chocolate po ito, tignan 'nyo!" Dinilaan ni Sheena ang dumi sa kamay.         "YUCK!! Kumakaen siya ng tae!" sigawan ng mga tao sa paligid.         "Urrghh!! Putangina ka talaga, Zaaack!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD