SIX

2129 Words
VI. Malayo pa lang ay nakikita ko na si Rigo na nakasandal sa railings ng waiting shed ng Business Ad. Building. Nakatingin siya sa kanyang phone at may isang babae na nakatayo sa harap niya na kumakausap sa kanya. Mukhang may kinukwento ito kaya nag-aangat siya ng tingin saglit at sasagot. Tatawa sila tapos papaluin siya ng pabiro nung babae sa balikat, look at him looking at her like that! Ganyan ba talaga siya tumingin sa lahat ng tao? Kahit hindi ipahalata ay kitang-kita ko ang kilig nung babae. Ngumuso ako at inayos ang bangs ko. Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses niyang tinawag ako. Nag-jog siya palapit sa'kin habang nilalagay ang phone sa kanyang bulsa. "Kadarating mo lang?" Hinaplos niya ang likod ko kaya napalingon ako sa babae na kausap niya kanina na iniwan niya. Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa kaya binalik ko ang tingin kay Rigo. "May kausap ka, wag mong iwan!" Sabi ko. Ngumuso siya. "Paano kita malalapitan kung hindi ko siya iiwan?" "Edi wag mo ako lapitan." He snorted. "Hindi ko naman kilala iyon." "Asus! Hindi daw kilala pero tawa ka nga ng tawa sa kwento niya." Nagdiretso ako sa paglalakad kaya sumunod agad siya sa tabi ko. "Hindi nga!" Apila niya habang parang natatawa. "Hindi naman ako interesado sa kwento niya, i was on my phone the whole time. Kinakausap ko lang para hindi naman bastos.." Napalingon ako sa kanya. Ngayon na iniisip ko, hindi ko siya kailanman nakita na gumagamit ng phone niya kapag kami ang magkausap o magkasama. Kinagat ko ang aking labi at binilisan ang paglalakad kaya gano'n din siya. Pagkapasok namin ng room ay sinalubong agad kami ng maraming pares ng mata, halos nandito na ang lahat ng kaklase namin na lahat ay may sari-sariling pinagkakaabalahan. Nahihiyang nginitian ko ng matipid si Kyle na nakaupo sa upuan niya, dinaanan niya lang ako ng tingin kaya umupo na lang ako sa upuan ko. Si Kyle ang isa sa mga barkada nila Rigo, kung cold si Billy ay mas cold naman siya. Literal na wala siyang pinapansin, nung pinakilala ako ni Rigo sa kanya ay tinignan niya lang ako ng parang naboboring. Ang sungit sungit. "Goodmorning, everyone." Nilingon namin ang prof na may hawak na papel at mukhang nagmamadali pa. "May meeting kami ngayon kaya hindi tayo makakapagklase, sasabihin ko lang ang project niyo na ipapasa niyo next week.." "Oh, damn." Reklamo agad ni Rigo na nakapangalumbaba. Nagsulat sa board ang prof kaya kanya kanya ng kopya ang lahat. "Hindi ito individual project kaya maghanap kayo ng partner niyo." Nagkatinginan agad kami ni Rigo kaya humalakhak siya. And now he's interested. "Ayoko ng freeloader!" Sabi ko habang pinapakita sa kanya ang aking index finger. Ngumiwi siya. "I'm not a freeloader." "Let's see.." Sabi ko habang tumatango tango at tinuro sa kanya ang board na may nakasulat. "Kopyahin mo iyon." "Ikaw yata ang freeloader, Moni." Aniya bago iiling-iling na nilabas ang kanyang phone at kinuhanan ng picture ang nakasulat sa board. "Hindi 'no! Mahigpit ako pagdating sa ganyan, ayoko ng tamad okay?" Paalala ko pa kaya tumango siya at ngingisi-ngisi na tumayo at nag-inat nung umalis ang prof. "Kailan tayo magkikita?" Tanong niya at nilagay ang isang kamay sa kanyang bulsa. "Ngayon na kaya? Wala naman tayong klase." Sabi ko kaya ngumuso siya at tumango, nilingon niya si Kyle na tahimik na tumayo sa tabi. "Brad, sino partner mo?" Tanong ni Rigo sa kanya. "I'll do it with myself." Sagot nito. "You can pair up with Kieran, kaklase natin iyon at baka na-late lang." Kumunot ang noo ni Kyle at umiling. "Wala akong mapapala sa kanya.." Humalakhak si Rigo at tinanguan na lang siya ni Kyle bago umalis. Ang sungit niya talaga, tapos nakakatakot pa ang madilim niyang mata. Para siyang laging may binabalak sayo. And i've never seen him with girls, si Billy ay nakikita ko minsan and i can say that he likes sexy girls. Nilingon ko si Rigo. "May girlfriend ba si Kyle?" "He never had girlfriends.." Naningkit ang kanyang mata. "Bakit?" Umiling ako at nauna nang naglakad. "Wala lang, para kasing wala siyang pinapansin talaga." "Akala mo lang iyon." Halakhak niya. "He never had girlfriends. Pero lalake din siya, Mon. May pangangailangan." Napangiwi ako. "Parang ikaw?" "Uh--" "Boys will always be boys." Umiling-iling ako kaya sumimangot siya. "I'm not like them!" Apila niya. "Yes, you are." Ibinuka niya ang kanyang bibig at isinara ulit dahil wala siyang masabi kaya kinagat niya na lang ito, niluwagan niya ang kanyang suot na tie. Humalakhak ako. He looks so frustrated. "Mah boy! Whazzup!" Nilingon namin si Kieran na nasa ere ang kamao, lalong kumunot ang noo ni Rigo bago sila nag fistbump. Lumingon siya sa'kin at ngumisi. "Hello, Monique." "Uh, hello.." Tumawa siya at pinatong ang kamay sa balikat ni Rigo. "Hihiramin ko muna ang isang 'to, may pupuntahan lang kami.." Pinaglaruan ni Rigo ang kanyang hikaw. "Saan?" Lumingon siya sa'kin. "May pupuntahan pa kami ni Moni.." "Date?" Halakhak ni Kieran. "Hindi!" Agap ko. "May gagawin kaming project." "Oh, shoot. May project sa subject natin ngayon? Sali niyo naman ako diyan." "Monique hates freeloader, brad. At by pair lang iyon, gawin mong kapareha si Kyle." Ani Rigo kaya agad na napangiwi si Kieran. "Hindi na, brad. Hindi ko mauuto ang isang iyon." Humalakhak si Rigo. "Wala ka naman talagang nauuto samin, you thick face!" Minura siya ni Kieran kaya gumanti si Rigo. I wonder kung ganito ba sila magkaka-close lahat? Ang dalawa nilang kaibigan ay parehong cold, ang isa pa nilang barkada ay 'yung lalakeng tumulong sa'kin sa mall ngunit hindi iyon pumapasok sa klase. He looks pretty cold, too. Marahan na kinalabit ni Rigo ang aking pisngi kaya napalingon ako sa kanya, nakangiti siya ngunit agad iyon na nawala nang magtama ang mata namin. "Sa susunod na lang o bukas?" Aniya kaya tumango ako. Ayos lang naman iyon para makapagpahinga pa ako ng ilang oras bago pumasok sa trabaho, 1pm pa lang at marami pa akong oras. "No problem." Bumuntong hininga siya at pumungay ang mata, ngumiti ako at narinig namin ang pagsipol ni Kieran na pinapasadahan ng daliri ang kanyang buhok. Sinapok siya ni Rigo bago ako hilahin sa palapulsuhan. "Sumabay ka na samin hanggang sa gate." Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha bago bumaba ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa aking pulso. Bawat nasasalubong namin ay napapalingon sa'min pero ni hindi ako nakakaramdam ng takot tulad nung unang araw. Wala pang umaano sa'kin simula no'n, may naririnig akong bulungan kapag ako lang mag isa pero kapag kasama ko si Rigo ay halos hindi kami malingon ng lahat. Siguro dahil takot silang lahat sa kanya? Siguro nga. That's why i feel safe with him. Nag-uusap sila ni Kieran tungkol sa pupuntahan nila, hanggang ngayon ay tumatanggi pa rin si Rigo pero sinusumbatan siya ni Kieran ng kung anu-ano. "Isipin mo 'yung mga panahon na sinasamahan kita kung saan mo gusto! Hindi ka nakarinig ng reklamo sa'kin, brad." Rigo muttered a curse. Napangiti na lang ako habang nagsusumbatan silang dalawa, sa huli ay wala pa rin nagawa si Rigo dahil mas maraming naisumbat sa kanya si Kieran. Naramdaman ni Rigo ang pagtingin ko sa kanya kaya napalingon siya. "Hmm?" Tumaas ang kanyang kilay. Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin, tumawa siya at binitawan ang aking palapulsuhan. Dumulas ang mahahaba niyang daliri sa bewang ko at yumuko para tignan ang mukha ko. "What is it, Mon?" Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko. His light brown eyes are gentle, searching mine. "Wala." Nahihiyang sambit ko. "Gusto mo ba na ngayon na natin gawin ang project? I can kick Kieran's ass right now and let him go by himself." Umiling ako. "Kukulangin din tayo sa oras, may work pa ako mamayang 5pm.." "May work ka?" Gulat na tanong niya. "Modelling? Photoshoot?" Kinagat ko ang labi ko. "Crew ako sa isang fastfood malapit dito sa school." "Oh.." Ngumiti siya. "Is it hard? Ginugulo ka ba ng mga tao?" Umiling ako. "May cap naman iyon, naitatago ko ang mukha ko kaya hindi ako nakikilala ng mga tao pero kilala ako ng mga co-worker ko. Mababait sila." Tumango siya at tumigil sa paglalakad kaya gano'n din ako, nasa labas na kami ng gate. Parang ang bilis naman. "Aalis na ako." Paalam ko at kinawayan silang dalawa gamit ang dalawang kamay ko. Nagpaalamanan pa kami bago ko sila panoorin na naglalakad papuntang parking lot. Mabilis na nagbago ang mood ni Rigo. Napapansin ko na mabait siya kapag babae ang kausap niya pero kapag lalake ay nag-iiba bigla ang kanyang awra. Kahit marami siyang nakakabatian na lalake ay iba ang pinapakita niyang ugali sa mga ito. He respect girls so much while he's an ass to his friends and i find that real attractive. Habang tumatagal ay lalo kong nakikita kung gaano siya ka-gentleman at kung gaano siya maloko kapag ang mga barkada niya ang kasama niya. Dumating ako sa workplace ko na wala pa sila Nico, masyado pang maaga at mamaya pa sila darating lahat. Nandito lang ay sila Krizel na dati kong kapareho ng sched. "Oh, Monique!" Sinalubong ako ng yakap ni Lyda. "Namimiss ka na namin! Pati si Nico, sinundan ka talaga niya!" "I miss you, too!" Saad ko at nilingon ang loob ng locker room. "Bakit ang aga mo?" Pumasok siya sa loob kaya sumunod ako, hinubad ko ang suot kong cap at huminga ng malalim. "Wala kaming klase, ayoko na naman umuwi pa kasi byahe pa lang ay aabutin na ng dalawang oras balikan." "Working student ka na talaga, girl!" Aniya. "Pero nai-stress ka ba? Bakit lalo kang gumaganda?" Napangiwi ako. "Bolera!" "Hindi ako nangbobola." Tumawa siya. "Namimiss na ni Edna si Nico, kamusta naman siya doon? May pinapansin naman ba?" "As usual, wala! Nagulat ako, lahat ng girls doon ay may gusto sa kanya!" Nanlaki ang mata niya. "Sabi sayo e, kung wala lang talaga akong boyfriend ay baka ako rin!" Humalakhak ako. "Crush lang naman." "Seloso ang jowa ko 'noh, hindi pwede ang crush crush na iyan." Sumimangot siya kaya ngumiti ako. How i miss her, mas close ko ang mga tao dito kesa kila Ellen dahil mas matagal ko silang nakasama. "Monique!" Gulat na sigaw ni Krizel na hawak ang kanyang phone. "Bakit ka nandito? Ano na? Babalik ka na ba dito? Nakita mo ba 'yung kumakalat sa internet?" "Anong kumakalat?" "Hindi pa?" Nanlaki ang mata niya at may pinindot-pindot sa kanyang phone bago ipakita sa'kin at binasa ang nakalagay. "Monique Agustin, nagtatrabaho sa isang fastfood chain malapit sa isang kilalang school.. kumalat ang picture niya na ito na kasama ang umano'y kasamahan nito sa trabaho." Napatakip ako sa bibig ko. Yung picture namin ni Ellen ay nasa internet! Bakit ganito? Akala ko ba ay hindi niya ilalagay sa internet? Napangiwi si Krizel at itinuloy ang pagbabasa. "Nagkaroon ng espekulasyon ang netizens na malapit lang sa lugar na ito nakatira ngayon ang pamilya. Kasama ang kapatid na si Miracle Agustin at ang ina nilang may issue na kinasasadlakan ngayon na si Mary Agustin." Napapikit ako ng mariin at wala sa sarili na napaupo sa mahabang upuan dito sa gitna. Hindi pwede ito, siguradong magpupuntahan ang mga reporters dito para interview-hin ako ng tungkol kay mama. Magdadala pa ako ng problema dito. Naramdaman kong pinapanood ako nila Edna. Nagbuntong-hininga ako at kinagat ang aking labi. And now, I'm scared again. ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD