FIVE

2140 Words
V. Bawat daan na dadaanan namin ni Billy ay tinitignan kong mabuti. Ang mga gusali at mga itsura ng bahay ay kinakabisado ko. Hindi ko alam kung talaga bang ihahatid niya ako dahil hindi niya naman ako tinatanong kung saan ako nakatira. Natatakot ako, alam kong gwapo at mayaman ang kasama kong ito. Kaibigan siya ni Rigo at disente siya pero hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba siya. Kanina ko lang din siya nakilala sa school at never ko siyang nakausap! Ang tanging sinabi niya lang sa'kin ay ang pangalan niya. Kaya hindi ko ma-solve ang logic na ito, kung bakit niya ako ihahatid kung gayong wala naman siyang pakialam sa'kin kanina. Medyo gumagaan na ang loob ko nang makita ang pamilyar na daan na dinadaanan namin. Parang gusto kong mag celebrate dahil sa sayang nararamdaman ko nang lumiko siya sa street ng bahay namin. Kung paano niya nalaman ang tinitirhan ko? Hindi ko alam. Nakakatakot na pareho sila ni Nico na ganito kahit hindi ko naman sinabi sa kanila kung saan ako nakatira. "Thank you!" Maligayang sabi ko at mabilis na tinanggal ang helmet at inabot sa kanya nang tumigil kami sa tapat mismo ng bahay. He snorted. "Do you trust me now?" "I don't know.." Napakamot ako sa ulo habang nakangiwi. He glared at me. Hinubad niya ang helmet niya kaya nakita ko na naman ang maangas niyang mukha. Nagulo ng konti ang kanyang buhok na hinayaan niya lang, pinaandar niya ulit ang makina ng kanyang motorbike. "Uh, you should wear your helmet! Safety first.." Paalala ko. Ngumuso siya. "Hindi na kailangan, malapit lang dito ang bahay ko." "Uh, okay.." Nahihiyang kumaway ako. "Bye!" Tumango siya at pinaandar ang kanyang motorbike, halos mahulog ang eyeballs ko nang makita kung gaano niya kabilis pinaandar ang motorbike niya. Tatlong segundo lang yata ay nawala na siya sa paningin ko! Buti na lang ay hindi gano'n kabilis ang pagpapaandar niya kanina nung nakasakay ako dahil baka nerbiyos ang ikinamatay ko. Tumalikod na ako at pumasok sa bahay namin na dim na lang ang light sa loob. Napabuntong-hininga ako nang maramdaman ang pagod. "Monique! Nakakainis ka!" Nakangusong lumapit sa'kin si Ellen pagkadating na pagkadating ko. "Sabi mo kagabi picture tayo pero bigla kang nawala!" Hindi ako nakasagot. "Ah, eh.." "Dali na! Hindi ko ia-upload kung ayaw mo, promise!" Aniya kaya nagliwanag ang mukha ko. "Hindi mo ia-upload ah?" Paninigurado ko. Tinaas niya ang kanyang kanang kamay, parang namamanata. "Promise! Papakita ko lang sa mga friends ko, ayos lang naman iyon diba?" Ngumiti ako at tumango. Nagmamadali na inilabas niya ang phone niya, pinulupot ko ang kamay ko sa bewang niya at ngumiti sa camera ng phone niya. "Selfie!" Aniya ng naka-piece kaya napatawa ako, ngiting ngiti na tinignan niya 'yung picture. "Hala ang ganda mo talaga! Bakit gano'n? Ang unfair!" "Thank you.." Inayos niya ang kanyang bibig. "Sobrang ganda rin ng kapatid mo! Si Miracle? Crush na crush ng pinsan kong mas bata sa'kin! Kapag commercial na niya sa TV ay nakatutok talaga!" Natawa ako. "Ang cute naman!" "Dalhin mo naman siya dito minsan! Gusto ko rin magpa-picture sa kanya para mainggit ko 'yung mga pinsan ko." Tinaas niya ang kanyang phone. "Siguradong magwawala ang mga kaibigan ko kapag nakita nila ang picture natin. Bet na bet nila ang mga porma mo kaya nagulat ako na ganito ka kasimple sa totoong buhay dahil sumisigaw talaga ang awra niyong magkapatid ng SOSYAL!" Nanlaki ang mata ko habang tumatawa. "Grabe naman 'yon!" Humalakhak na lang siya at nag-ayos ng makeup samantalang ako ay ipinusod ulit ang mahabang buhok. Inayos ko ang uniform kong naka-tucked-in sa slacks na suot ko. "Ay, ano po iyon?" Muntik nang mahulog ni Ellen ang hawak niyang salamin. Nilingon ko ang taong tinatanong ni Ellen. Nanlaki ang mata ko nang makita si Nico na nakatayo sa may pinto ng locker room, naka sweater na kulay abo, itim na pantalon at itim din na baseball cap na may nakalagay na check. "Nico!" Ngumisi siya. "Kamusta?" "Ayos lang. Bakit ka nandito? Iba ang schedule mo, diba?" "Nagpalipat na rin ako." Aniya at tinanggal ang kanyang baseball cap. "Ikaw lang ang ka-close ko kaya ang boring nung wala ka." Namilog ang mata ko. "Di nga?" "Oo nga." "Gosh, thank you!" Tuwang tuwa na sabi ko at nakipag high five sa kanya. Humalakhak siya kaya lumabas ang maliit na dimples malapit sa labi niya. "Punta na ako doon, papalit ako ng uniform." Paalam niya kaya tumango ako bago siya umalis. "s**t, close kayo?" Gulat na gulat na tanong ni Ellen pagkaalis ni Nico. Sakto naman na dumating si Rizza at Jonna na gulat ang mga itsura. "Si Nico ba iyon, guys?" Tanong ni Rizza, namumula ang mukha. "Siya 'yung nakasalubong namin?" "Uh, siya nga.." Lalong nanlaki ang mata ni Rizza. "Bakit nagpunta dito sa locker room ng girls? s**t, crush ko 'yon!" Humalakhak si Jonna. "Naging crush ko rin iyon pero hindi na ngayon dahil suplado." "Suplado nga pero nakita ko siya kaninang humahalakhak sa harap ni Monique." Ani Ellen at ngumuso. "Unang pasok pa lang no'n dito ay nagwapuhan na talaga ako sa kanya. Yung mata niya grabe ang gwapo!" Napanganga ako. Para silang fan girls dahil sa mga sinasabi nila. Meron isa sa mga kapareho ko ng sched dati na crush na crush din si Nico pero hindi ko inakala na pati dito ay gano'n din. Mas malala pa. "Nanliligaw ba siya sayo, Monique?" Tanong ni Jonna. "Hala, hindi!" Agap ko. "Magkaibigan lang kami.." "Talaga? Nung mga unang pasok niya dito ay naging usap-usapan siya. Bukod kasi sa gwapo siya ay wala pang kinakausap, ang suplado pero ang lakas ng dating." Ani Ellen. "Kaya laglag ang ovary ko nang makita ko siyang tumatawa kanina! Muntik na ko makunan kahit hindi ako buntis!" Tumawa kami ni Jonna at nagmura si Rizza. "Gusto ko rin makita! Nakakainis, bakit hindi ako dumating agad?" "Monique, bagay kayo!" Ani Jonna kaya mabilis na umangal si Rizza. "Hindi ko alam kung sino sa inyo ang swerte sa isa't isa kung magkakatuluyan kayo." "Swerte si Nico sa kanya kung gano'n nga! Ibang level si Monique, model ito 'teh!" Ani Ellen. Namula ang mukha ko, inuulan talaga ako ng papuri galing sa kanya. "Excuse me?" Tumaas ang kilay ni Rizza. "Kinuwento sa'kin nila Krizel na maraming nagre-recruit kay Nico para maging model pero tinatanggihan niya. Tsaka mayaman daw iyon, nagbulakbol lang kaya nagtatrabaho ngayon.." Ngumiti siya. "Pero hindi sila bagay ni Monique, nagseselos ako!" Ngumuso ako. "Magkaibigan lang talaga kami promise!" Inabot ng alas singko na si Nico ang pinag-uusapan namin. Nagsimula kaming magtrabaho at hindi ko alam kung tatawa ako dahil bawat makakasalubong nung tatlo si Nico ay halos magwala sila. "Hindi niya ako nililingon!" Reklamo ni Rizza na mabilis na inayos ang sarili dahil dadaan dito sa gawi namin si Nico. Nang makadaan ay sa'kin ito lumingon. "Badtrip! Sayo lang tumitingin!" Ngumiwi ako. "Papakilala kita sa kanya mamaya.." Nanlaki ang mata niya. "Sabi mo 'yan ah!" Aniya at nilapitan ang isang customer na nagtatawag ng crew. Napangisi ako. Nico's pretty popular. Hindi ko akalain na sa'kin lang talaga siya tumatawa at nagsasalita, ang first impression ko sa kanya ay medyo mahiyain pero hindi suplado! Alas onse ng gabi nang biglang nawala si Nico, tulad ng nakasanayan ko ay hindi na ako nagulat pero sila Ellen ang hindi mapakali lalo na si Rizza. "Bakit bigla siyang nawala? Ipapakilala pa naman ako ni Monique!" Untad niya habang nagpupunas ng isang lamesa. Tinulak ni Jonna ang isang trash bin. "Ibig sabihin hindi meant to be!" "Jonna, si Marco ang pag asikasuhin mo niyang basura. Ikaw dito sa may mga upuan.." Sabi ni ma'am Lea, ang manager namin. 12:30 na at nagsara na kami dahil wala na talagang tao. Kinuha naman agad ni Marco ang trash bin kay Jonna. Si Marco ay isa sa anim na lalake na crew dito. Kinakausap kaya sila ni Nico? "Nagkataon lang!" Umirap si Rizza, sagot sa sinabi ni Jonna kanina. "Pinag uusapan niyo na naman iyon?" Tanong ni Marco na lumingon sa'kin at ngumiwi, parang nahihiya sa presensya ko. "Ano naman?" Tanong ni Ellen na nasa counter. "Mayabang naman iyon eh." Ani Marco kaya tinarayan agad siya ni Rizza. "Kinakausap namin iyon kanina, inalok pa ng pagkain ni Gian pero hindi kami pinansin. Diba, Gi?" Nilingon niya ang isang lalake na nagma-mop. "Oo." Umiling ito. "Medyo mayabang nga ang isang iyon, palibhasa ay maraming nagkakagusto." "Huy! Hindi lang namamansin, mayabang agad?" Si Rizza. "Mayabang naman talaga!" Sabay na sabi nung dalawa. Ngumuso ako. "Mabait iyon.." Sabay na napalingon sa'kin 'yung dalawa, nahihiyang kumamot sila sa ulo nila at hindi sumagot. Suminghap ako, kailan kaya sila masasanay sa'kin? Gusto ko sanang itrato nila ako tulad nila Rizza. "Bye, guys!" Isa isang kumaway ang lahat sa bawat isa kaya gano'n din ako. "Ingat kayo!" Ngumiti sila. "Ikaw din, Mon!" Napangiti na lang ako at nilibot ang tingin sa paligid nang isa isa silang mawala sa paningin ko. Niyakap ko ang aking sarili at huminga ng malalim, ito na naman. Ito na ang pinakamahirap na parte sa lahat, ang dumaan sa madilim at creepy'ng daan na iyon. Kinuha ko ang phone ko at in-on ang flashlight. Pagkaangat ko ng phone ko ay agad akong napaatras nang mailawan ang isang tao na nakasandal sa kanyang motorbike. Nakatingin sa'kin at nakahalukipkip. "What are you doing here?" Nakahawak sa dibdib na tanong ko. Nandito na naman si Billy Suarez, anong ginagawa niya dito? Kanina sa school ay hindi niya naman ako pinansin kahit nakita niya ako. "What took you so long?" Magkasalubong ang kanyang kilay. Lumapit ako sa kanya at inilawan ang paligid niya. "Sinusundo.. mo ba ako?" Nag aalangan na tanong ko. "No!" Agap niya. "Nagpapahangin lang ako." "Nagpapahangin ka dito?" Inikot ko ang aking daliri sa paligid. Hindi siya sumagot. Inabot niya sa'kin ang isang helmet pero bago ko pa iyon mahawakan ay narinig ko na ang boses ni Nico na tinatawag ako. "Tara na?" Aya niya na nakasakay ngayon sa kanyang motor. "Uh--" Biglang sinuot sa'kin ni Billy ang helmet at hinila ako sa pulso na kinagulat ko. Napangiwi ako nang maramdaman naman ang isang kamay sa kabilang braso ko. "Tara na, Mon." Magiliw ang boses ni Nico, parang nanunuya. Humigpit ang hawak ni Billy sa'kin at hinila ako ng malakas kaya nabitawan ako ni Nico. "Billy, teka.." Sambit ko. "Magsasabay na kami ni Nico--" "Sakay." Nanindig ang balahibo ko sa galit na boses ni Billy. Nico snorted. Maingat na hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Napapikit ako. Si Nico ang gusto kong samahan dahil mas may tiwala ako sa kanya pero nakakatakot ang galit na itsura ni Billy! Someone needs to make this man calm down. Pero si Nico ang mas ka-close ko! Siya ang kaibigan ko kaya sa kanya ko gustong sumama. Tatanggalin ko na dapat ang helmet ni Billy na ngayon ay suot ko pero pinigilan ako ni Nico. "Hiramin muna natin 'yan, nakalimutan kong magdala ng isa pang helmet e." Naglalaro ang ngisi sa kanyang labi. Alam ko na ang ginagawa niya, inaasar niya si Billy Suarez! Inaasar niya ang nakakatakot na taong ito. "Nico.." Saway ko at lumingon kay Billy. "Sorry, kami talaga ang magsasabay. Siya ang lagi kong--" "Nagtitiwala ka sa taong iyan, Monique?" Tanong ni Billy kaya natigilan ako. Napalingon ako kay Nico na bigla na lang nawala ang emosyon sa mukha, nakatagilid ng bahagya ang kanyang ulo at nakatingin ng diretso kay Billy. Kinilabutan ako. Binaling ko ang tingin sa braso kong unti-unti niyang binibitawan. Parang tumigil ang pag-hinga ko, bigla akong nakaramdam ng kaba dahil ang dalawang ito na kasama ko ay parang anong oras ay magbibirahan na. Nakita ko na lang ang sarili kong umaatras dahil sa takot. Magkakilala ba sila? Bakit ganito? Bakit nakikita ko ngayon ang ganitong side nila? They're fumming in rage! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. "Monique." Ani Billy kaya napalingon ako sa kanya. "Come here.." Hindi ako nakagalaw. Nilingon ko si Nico na nakayuko na at kinakamot ang kanyang labi. Hinila ako ni Billy sa bewang na ikinagulat ko. "You're not going with him, alright." His voice was irritated. "Someone's gonna be pissed at hell when i let that happen.." Kumunot ang noo ko. Ano daw? Hindi ko maintindihan, may magagalit kapag kay Nico ako sumama? What. "Huh?" Ang tanging lumabas sa bibig ko. "Sa'kin ka sumama, sasabihin ko sayo." I snorted. Nilingon ko si Nico na nag-iinat sa gilid. God, he's so random! "Nico.." Pagtawag ko kaya napalingon siya nang nakataas ang isang kilay. "Bukas.. na lang tayo magsabay." Tumango siya. "Sige.." Ngumuso ako at sumakay sa motorbike ni Billy, nararamdaman ko ang mata ni Nico na pinapanood ako. Nahihiyang kumaway ako nung umandar kami, humalukipkip siya at ngumisi bago tumalikod para lapitan ang kanyang motorbike. Hindi ako mapakali buong biyahe. Fine, inaamin ko. Wala na ang pangamba ko dito kay Billy pero si Nico ang gusto kong samahan dahil siya ang ka-close ko at siya naman talaga ang lagi kong kasabay na umuwi pero mukhang hindi papayag ang isang ito na gano'n ang mangyayari. Bumaba ako ng motorbike ni Billy nang makarating kami sa bahay, hinubad ko ang helmet at inabot sa kanya. "Thank you.." Kinagat ko ang aking labi. "Uh.. Sino 'yung magagalit? Sabi mo sasabihin mo!" My curiousity's killing me. He grinned. "I lied." Aniya at mabilis na pinaandar ang kanyang motorbike. "WHAT?" Halos mag usok ang ilong ko habang sinusundan ng tingin ang palayong lalake na iyon. Napapikit ako. Sinungaling! ✖️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD