FOUR

3181 Words
IV. Dalawang buwan na rin mula nang lumipat kami. Dalawang buwan nang nagtatago at lagpas isang buwan na akong nagtatrabaho, wala naman akong nagiging problema. Maayos kasama ang mga co-worker ko at hindi ako pinapabayaan ni Nico. Siya ang pinaka close ko sa lahat, sabi ni Krizel ay wala daw ka-close sa kanilang lahat si Nico dahil suplado daw iyon kaya nagulat ako na ang bait bait niya kapag ako ang kausap niya. Mabait siya. Pero may mga oras na nawi-weirduhan ako sa kanya, minsan ay bigla na lang siyang nawawala sa work at hindi na babalik. Kapag tinatanong ko naman siya ay ngumingiti lang siya at iniiba ang usapan. Ayoko naman siyang pilitin kung ayaw niyang sabihin, nirerespeto niya ang privacy ko kaya gano'n din ang gagawin ko sa kanya. "Ang laki talaga ng school na 'to.." Iiling-iling si Mira habang nililibot ang tingin sa school kung nasaan kami ngayon. Ngayon ang unang araw ng pasukan. Wala pa kaming uniform kaya naka semi formal na damit kami, nagsuot lang ako ng white polo shirt at itim na skinny jeans at flat shoes. Halos ganito rin ang kay Mira pero kulay cream na shirt ang kanya. Akala ko ay tama ang desisyon na ganito ang suotin namin dahil school ito pero nagulat ako na para yatang nagpa-fashion show ang mga tao dito. "Ate, dito na ako. Ako na bahala maghanap ng rooms ko, see you later!" Paalam nya at kumaway bago ayusin ang baseball cap niya at naglakad ng nakayuko. Naiwan na akong mag-isa. Marami akong nakikita na iba't ibang grupo ng mga students, may nagtatawanan at nagpapagandahan ng mga suot nila. Nagbuntong hininga ako at inayos ang suot kong snapback at nagsimula na ulit maglakad para hanapin ang room ko. "Hey." Napaatras ako at napapikit nang may mukha na bigla na lang lumitaw sa harap ko, naramdaman ko ang kamay na umalalay sa likod ko para hindi ako matumba. He chuckled. "Nagulat ba kita?" Nagdilat ako at nakitang ang lapit nga ng mukha niya, nakayuko siya at sinisilip ang mukha ko. Umatras ako kaya ngumisi siya bago nag-ayos ng tayo at tinapik ng daliri ang suot kong snapback. "Bakit lagi kang nakasuot ng sumbrero? May tinataguan ka ba?" Hindi ako nakasagot. Sabi ko na nga ba ay makikita ko ulit siya! Hindi niya talaga ako kilala, hindi niya alam na anak ako ng isang artista. I bit my lower lip, mas gusto ko na ganito. "Wala, gusto ko lang. Fashion?" Sagot ko at humalakhak siya. Nanlaki ang mata ko nang tanggalin niya ang suot kong cap, aagawin ko na sana pero sinuot niya ulit sa'kin ito pero nakabaliktad na kaya hindi na nahaharangan ang aking mukha. "Much better.." Ngumisi siya habang pinagmamasdan ang aking mukha. Nag-init ang mukha ko, hindi ba siya naiilang kapag tumititig siya sa mukha ng ibang tao? Masyadong mapungay ang kanyang mata para hindi makaramdam ng panghihina ng tuhod ang kung sino man na tititigan niya ng ganito. "Anong pangalan mo?" Tanong niya at nilahad ang kamay. "Rigo Ignacio.." Rigo Ignacio. Ilang beses niya bang tinanong ang pangalan ko pero lagi kong sinasagot ng kasinungalingan? Ngayon niya lang din sinabi ang pangalan niya. "Siguro naman ay sasabihin mo na ang totoong pangalan mo dahil nagpakilala na ako." Kinagat niya ang kanyang labi at mas nilapit ang nakalahad niyang kamay. "Tricia.." Sabi ko at tinanggap ang kamay niya. Kumunot ang kaniyang noo na parang tinatantya kung nagsisinungaling ba ako o hindi. "Tricia nga ang pangalan ko, ayaw pa maniwala.." "Monique Agustin?" Gulat na napalingon ako sa isang estudyante na tumawag sa pangalan ko. Nakakunot ang noo nito at pinagmamasdan ang kabuuan ko. "Uh.." "Ikaw nga!" Tinuro niya ako at hinila ang kaibigan niya. "I knew it, si Monique Agustin siya! At si Miracle nga 'yung nakita natin kanina.." Napalingon ako kay Rigo na naguguluhan ang itsura. Napangiwi ako at nilagpasan siya, inayos ko 'yung snapback ko para matakpan ang mukha ko. Nararamdaman ko ang tingin sa'kin ng ibang tao kaya lalo akong yumuko. Naririnig ko ang kung anu-anong bulungan tungkol sa issue ni mama, na dito daw pala kami sa lugar na ito nagtago. Naramdaman ko ang pag iinit ng mata ko dahil sa takot, sa takot na hindi magiging normal ang pag aaral ko dito. Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ang braso na umakbay sa'kin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Rigo. "Sorry, hindi ko alam.." Aniya. "Ayos lang." Ngumuso siya. "Hayaan mo.. akong bahala sayo, Monique." Bahagya siyang tumawa. "Damn, nalaman ko rin ang totoong pangalan mo!" Suminghap ako. Parang proud na proud siya sa sarili niya, binilisan ko ang paglalakad kaya natanggal ang pagkaka-akbay niya sa balikat ko. Naramdaman kong sinundan niya ako pero napatigil ako nang marealize na hindi ko pala alam kung saan ako pupunta. Nilingon ko si Rigo na pinaglalaruan ng daliri ang stud earring sa kaliwang tenga niya habang pinagmamasdan ang galaw ko. Napapalingon sa'min ang ibang estudyante, hindi dahil sa'kin kundi dahil sa kanya. Pinakita ko ang sched ko sa kanya. "Saan 'to?" Sinilip niya ang papel na hawak ko at tumango-tango, naglaro ang maliit na ngiti sa labi niya at binalik ang tingin sa'kin. "Tara.." Aya niya at nauna nang maglakad. Hindi agad ako nakagalaw kaya lumingon siya at tumigil din. Bumalik siya at tinanggal ang suot kong snapback, hinawi niya ang kumalat na buhok sa mukha ko at hinila ako sa aking palapulsuhan at naglakad. "T-teka!" Pagpigil ko. "Akin na 'yung sumbrero ko.." Huminga siya ng malalim. "Basta hindi mo susuotin?" "Susuotin ko." Sabi ko at inagaw sa kanya pero itinaas niya agad kaya tumalon talon ako para abutin pero masyado siyang matangkad. "Akin na kasi, Rigo!" Mas lalo niyang inilayo 'yung kinukuha ko. "Anong tinawag mo sa'kin?" "Uh.. Rigo?" Nagtatakang tanong ko. Ngumisi siya. "Magkaibigan na tayo?" Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo. Nararamdaman ko ang tingin ng mga nasa paligid, kinagat ko ang aking labi at tinignan ng masama ang kaharap ko. "Kapag binalik mo sa'kin iyan ay magkaibigan na tayo.." Ngumuso siya. "That's tempting.." "Dali na!" Tumingkayad ulit ako at inabot iyon pero inilayo niya. Napaungol ako kaya humalakhak siya, wala ba talaga siyang balak ibigay? "Bakit mo susuotin? Tatakpan mo ang mukha mo?" Tanong niya kaya hindi ako nakasagot. "Kapag hindi ka nila nakilala ngayon, sa tingin mo ay hindi ka nila makikilala bukas o sa isang araw?" Natigilan ako. "Wag mong sabihin na itatago mo ang mukha mo buong sem?" Suminghap siya. "Ngayon, makikilala ka rin ng mga magiging kaklase natin at kakalat din sa school na dito ka nag aaral." Kumunot ang noo ko. "Kaklase natin?" Ngumisi siya. "Magkaklase tayo sa unang subject." Parang bigla akong nakahinga ng maluwag nang malaman na kaklase ko siya ngayong araw. Walang takip ang mukha ko ngayon, kung sino man ang makakasalubong namin o madadaanan kami ay makikita ako. Pero hindi ako nakakaramdam ng takot, parang ayos lang sa'kin dahil kasama ko naman ang lalakeng ito. Tumango ako. "Saan ang klase natin?" He grinned. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang daliri niya at sinuot ang snapback ko. Napanguso ako, iniisip kung meron bang hindi babagay sa kanya? Nagpunta kami sa room namin na hindi naman pala masyadong malayo, sinundan ko siya hanggang sa pinakadulo ng room kung saan may isang lalake doon na nakaupo, nakadekwatro at nakatingin sa phone. "Brad." Nag angat ito ng tingin at nag fist bump silang dalawa. Nagulat ako dahil sa lalim ng mata ng isang ito. Maangas ang kanyang mata at sobrang tangos ng ilong, hugis mustache ang kanyang labi. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at napansin ko agad ang novelty earring na krus sa kaliwang tenga niya katabi ang dalawa pang maliit na itim na hikaw. Tatlo ang butas ng kanyang tenga. "Dito ka rin?" Tanong ni Rigo sa kanya kaya tumango ito, nilingon niya ako. "Si Monique nga pala." Binaling nito ang tingin sa'kin. Napasinghap ako, nakakatakot naman siya! Para niya akong binabasa sa way pa lang ng pagtitig niya. Siniko ko ng pasimple si Rigo kaya narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Damn, brad wag mong takutin.." Nagulat ako nang ilahad niya ang kanyang kamay. "Billy Suarez.." Pakilala niya. "Uh.. Monique Agustin." Tinanggap ko ang kamay niya. Nilayo ko rin agad ang kamay ko pero nanatili ang titig niya sa'kin, naramdaman ko ang kamay ni Rigo sa balikat ko at pinunta ako sa isang upuan. "Diyan ka na lang, tabi tayo." Umupo siya sa tabi ko na katabi nung Billy. Inayos ko ang buhok ko. Buti na lang ay nandito ang lalakeng ito, may nakasama ako ngayong araw. Hanggang ngayon ay suot niya pa rin ang sumbrero ko, pabaliktad ang pagkakasuot niya kaya kitang-kita ang maaliwalas niyang mukha. "Bakit?" Tanong niya nung napansin niya ang pagtitig ko. Ngumiwi ako at tinuro ang labi ko. "Naglalagay ka ba ng lip tint?" Kumunot ang kanyang noo. "Lip tint?" "Lip tint.. parang lipstick pero liquid." Tumawa ako dahil sa hiya. "Ang pula kasi ng labi mo kaya.." Hinawakan niya ang labi niya at ini-stretch ito, pinasingkit niya ang mata niya at pilit na tinitignan ang labi niya. I bit my lower lip, he looks so cute. "Mapula ba?" Tanong niya kaya tumango ako. Nagulat ako nang tumingin siya sa labi ko at kinagat ang kanyang labi. "Sayo din naman ay mapula." "Naglagay ako ng lip tint." Sabi ko. "Pero ikaw hindi.." "Naglagay ka?" Ginalaw galaw niya ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ang buong mukha ko. "Ano pang nilagay mo sa mukha mo?" "Wala na, lip tint lang." Ngumisi siya. "Damn, gorgeous.." Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko, alam kong namumula ang pisngi ko kaya humalakhak siya. Hindi na ako sumagot at yumuko para itago ang aking mukha. "Aw, shit." Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Sumalubong ang mukha ng isa pang kaibigan ni Rigo na halatang babaero, nakatingin sa'kin at may pilyong ngiti sa labi niya habang tinatanggal ang nakapasak earphone sa tenga niya. "Go away, Domingo." Pagtaboy sa kanya ni Rigo pero lalo lang lumawak ang ngisi niya bago umupo sa kabilang side ko. Napaayos ako ng upo, napag gigitnaan na nila ako. Pinapahinga niya ang braso niya sa sandalan ng upuan ko, tumama sa braso ko ang dogtag necklace na suot niya. Narinig ko ang mahihinang mura ni Rigo at tinabig ang kamay ng kaibigan niyang nakapatong sa sandalan ng upuan ko. Humalakhak ito at nilahad ang kamay niya sa harap ko. "I'm Kieran Domingo, but you can call me tonight.." Kumindat siya. Napangiwi ako at tinanggap ang kamay niya. "Monique Agustin.." Ngumisi siya. Hinila ko agad ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak, nanlaki ang mata ko nang ilapit niya sa labi niya ang likod ng palad ko para halikan. Agad na hinila ni Rigo ang kamay ko bago pa dumikit ang labi nito sa palad ko. "Save it for your girls, Domingo." Malamig ang boses na untad niya. Ngumisi si Kieran. "She can be my girl if she wants to." "Stop underestimating my patience, alright." Iritadong sabi ni Rigo kaya humalakhak ng malakas si Kieran at umiling-iling na para bang tuwang tuwa siya dahil ngayon niya lang nakita na ganito ang kaibigan. "Damn interesting.." Pagtawa nito. Hindi na sumagot si Rigo pero walang emosyon ang kanyang mukha, nakatukod ang siko niya sa lamesa at pinaglalaruan ng daliri ang hikaw sa kanyang tenga. His mannerism is so.. Nagsimula ang klase at kaklase rin pala namin si Kieran kaya siya nandito. Hindi ko alam kung nakikinig ba sila dahil ang kulit nilang dalawa, minsan ay may nakakatawang side comments sila sa sinasabi ng prof tapos bubungisngis sila. Halos nakakabisado na nga ng tenga ko ang tunog ng kanilang pagtawa. Nilingon ko ang tahimik na si Billy na katabi ni Rigo sa kabilang side, pinapanood niya lang ang prof na nagsasalita. Mukhang wala siyang pakialam sa paligid pero halatang attentive siya sa mga bagay bagay, tinignan niya ako sa gilid ng kanyang mata kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. See? He's not totally spaced out! Mula no'n ay hindi ko na siya nilingon, sinabay ako nila Rigo hanggang sa labas ng school nung dismissal. Nagpilit sila na ihahatid nila ako sa pupuntahan ko kaya todo tanggi ako. Malapit lang dito ang fastfood kung saan ako nagtatrabaho kaya aabutin lang ng mga kinse minuto kapag nilakad kaya hindi na kailangan magpahatid. Tahimik ako pagkadating ko doon, iba na ang oras ng pasok ko kaya iba na ang mga kasama ko dito sa locker room. Kung dati ay 1pm to 10pm, ngayon ay 5pm to 1am na dahil may klase na ako. "Monique, papicture naman!" Ani isang babae na maiksi ang buhok, may hawak siyang phone habang nakangiti. Napangiwi ako. Hindi ko alam kung paano ako tatanggi, sa mga kasama ko dati ay walang nang ganto sa'kin dahil natatakot sila kay Nico. Mababait din naman sila kaya walang naging problema. "Uh.. mamaya na lang." Nakangiting sabi ko at kinagat ang labi. "Okay!" Maligayang sabi niya. "Ako nga pala si Ellen." "Ako naman si Riza.." Pakilala ng isang medyo payat na matangkad. Nagpakilala rin ang iba kaya kinawayan ko silang lahat. Ngumiti ako. "I'm Monique.." "Ang ganda ganda mo!" Tumili ng mahina si Janna. "Nakikita lang kita sa magazines dati pero ngayon ay co-worker ka na namin. Hindi pa rin ako makapaniwala!" Umupo si Ellen sa tabi ko. "Bakit ka nagtatrabaho sa ganito? Diba nagtatago kayo ng family niyo dahil sa issue ng nanay mo? Totoo ba ang issue na iyon?" Yumuko ako. "Hindi iyon totoo.." "Talaga? Eh bakit kayo nagtago?" Tanong ni Riza na inaayos ang kanyang kilay. "Kung hindi totoo iyon ay bakit kayo nagtatago ngayon?" "Desisyon iyon ni mama--" "Ay, guilty siguro!" Aniya. Napalingon ako sa kanya, nakangiti siya at mukhang wala siyang pakialam kung nakakainis ba o hindi ang nasabi niya. Hindi guilty si mama. Hindi siya kabit ng Romeo Manzano na iyon. Hindi ayun ang dahilan kung bakit kami nagtatago, gusto niyang makawala sa paningin ng mga tao para hindi na niya marinig ang mga masasakit na salita na binabato sa kanya. "Gaga ka!" Sabi ni Ellen sa kanya. "Sorry, Monique. Ganyan talaga siya magbiro." "Ayos lang.." Tumayo ako at ipinusod ang buhok ko bago suotin ang cap ng uniform namin. Hindi na sila nagsalita dahil nagsimula na rin kaming magtrabaho. Na-miss ko si Nico, magkaiba na kami ng schedule kaya hindi na kami magkasama. Ngumuso ako habang pinupunasan ang isang lamesa. Ginugol ko ang atensyon sa trabaho. Dumating ang 1am at lahat kami ay pagod na pagod, ang sakit ng katawan ko dahil kaninang umaga pa ako wala sa bahay dahil pumasok ako sa klase. Bago pa lumabas sa banyo sila Ellen ay inayos ko na agad ang gamit ko at umalis. Ayokong maging bastos pero hindi ko alam kung paano ko tatanggihan ang pinangako sa kanila na magpapa picture ako kasama sila, baka kasi ay kapag in-upload nila iyon sa social media ay ayun pa ang maging dahilan para matunton ng mga makukulit na reporters si mama. Sinalubong ako ng malamig na hangin. Kinilabutan ako dahil sa sobrang dilim ng daan, wala nang masyadong ilaw dahil nakapatay na ang ilaw ng ibang gusali dito. 1am na at mas nakakatakot isipin na maraming masasamang loob ang nagkalat ng ganitong oras. Napatigil ako sa paglalakad nang makita na purong dilim ang dadaanan ko. Huminga ako ng malalim, dilim ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat. Ang pinaka ayokong pakiramdam sa lahat ay 'yung kahit nakadilat ka ay wala ka naman makikita. Pumikit ako at nag-isip ng kanta sa utak, kakanta na lang ako habang naglalakad ako doon para mawaglit sa isip ko ang takot. Huminga ulit ako ng malalim. Dumilat ako pero mabilis na nanlamig ang buong katawan ko nang makita ang pigura ng tao malapit sa'kin, napahawak ako sa dibdib at tahimik na umatras. "Oh my gosh.." Lalo akong kinilabutan nang makita iyon na humahakbang palapit sa'kin. "s**t, s**t, shit.." Nanlaki ang mata ko nang sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at hawak ang kaliwang braso ko. Gusto kong sumigaw pero parang wala yatang lalabas na boses sa bibig ko kahit gawin ko iyon. "Don't hurt me, please please.." Pagmamakaawa ko habang walang lakas na hinihila ang aking braso. "Bibigay ko sayo 'yung bag ko, 'yung phone ko pati pera ko. Basta wag mo lang ako saktan!" "What?" Iritadong tanong nito. "Damn, hindi ako holdaper.." Natigilan ako. Hindi siya holdaper? Killer? He must be a killer! Lalo akong nakaramdam ng takot. "Don't kill me, please!" Pinagdikit ko ang dalawang palad ko. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya dahil madilim pero kitang-kita kung gaano siya katangkad. "I'm not a f*****g killer!" Galit na sabi niya. Namilog ang mata ko. "Don't.. rape me!" "What the f**k?" Hindi makapaniwala ang boses niya. Hinila niya ako sa braso kaya nagpumiglas ako, hinihila niya ako doon sa daan na sobrang madilim! "Kuya! Wag po!" Umiiyak na ako. "Ayoko pa mamatay!" Hindi niya ako pinapansin. Tumutulo ang luha ko habang pilit pa rin na nagpupumiglas pero masyado siyang malakas, nakapikit lang ako habang nagpapadala sa kanya. Naramdaman ko na tumigil kami at napatalon ako nang maramdaman ang mainit na kamay sa pisngi ko, pinupunasan ang luha ko. "Open your eyes." Sabi nito. Umiling ako. "N-no!" He muttered a curse. "Monique Agustin, just open your damn eyes." Mabilis akong napadilat dahil doon. Napatigil ang pag hikbi ko nang makita na nasa maliwanag na parking lot kami, nilingon ko ang lalake na nasa harap ko at mas nagulantang yata ako nang malaman na si Billy Suarez ito! "What.." Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi siya nagsalita, nakafocus ang malalim niyang mata sa'kin. "Wear this." Aniya at inabot sa'kin ang isang helmet. Hindi ako nakagalaw. Teka, hindi ko maintindihan. Una, bakit siya nandito? Pangalawa, bakit niya pinapasuot sa'kin ang helmet na iyan? Pangatlo, close ba kami? Pang apat, bakit niya ako tinakot ng gano'n?! Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. "Hindi kita tinakot, ikaw ang tumakot sa sarili mo." Aniya na parang nabasa ang nasa isip ko. "At pinapasuot ko sayo ito dahil ihahatid kita sa bahay niyo." "Bakit? Bakit mo ako ihahatid?" Napahawak siya sa bride ng kanyang ilong at pumikit. He looks so done with me. "Just let me drop you off at your house, alright." Walang emosyon ang kanyang boses. "Nakita lang kita kaya kita nilapitan, may pinatay kanina sa isang street dito kaya may mga pulis doon." "Hala, saan?" Gulat na tanong ko. "Puntahan natin.." "Hindi ko sinabi sayo iyon para puntahan mo." Inis na sabi niya. "Edi anong point mo?" Suminghap siya at nanindig ang balahibo ko dahil naging masama ang kanyang tingin. Sinuot niya ang helmet sa ulo ko at sumakay sa motorbike sa isang gilid at pinaandar ang makina. "Sakay." Utos niya. Natatarantang sumunod ako dahil sa takot, kinagat ko ang aking labi. Nilabas ko ang phone ko para ihanda at makatawag agad ako ng pulis kung meron mang gawin sa'kin ang nakakatakot na lalake na ito. "Kumapit ka sa'kin." Aniya at kumapit nga ako sa kanya. He grinned. "Good girl.." Bago paandarin ang motorbike.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD