THREE

2325 Words
III. Naalimpungatan ako dahil sa naririnig na kaluskos sa paligid, natakot akong magdilat ng mata nang marinig ang mga hindi pamilyar na boses sa paligid. May nag uusap at nagtatalo sila dahil hindi nila mabuksan 'yung pinto ng cabinet ko. Anong nangyayari? Ninanakawan ba kami? Natatakot akong magdilat ng mata dahil baka may makakita at kung ano ang gawin nila sa'kin. Pinikit ko ng mariin ang mata ko at nagdasal habang naririnig ko ang mga yabag nila at mahihinang pag uusap. Narinig kong bumukas ang pinto at sumara rin agad. "Tara na, nakita ko 'tong bag na maraming pera sa kabilang kwarto." Ani isang boses. "Sshh. Wag kang maingay, baka magising 'yan oh." Kahit hindi ko nakikita ay alam kong ako ang tinutukoy nila dahil ako lang naman ang natutulog dito. Narinig ko ang pag singhap nito. "Edi patayin, pag-iisipan pa ba 'yan?" Oh, Lord.. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, nanginginig ang kamay kong nakapahinga sa ilalim ng unan ko. Nakatagilid ang pwesto ko at nakapatong ang paa ko sa unan. Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto at ang mahihinang yabag nila palabas. Aalis na sila! Sumara ang pinto hudyat na nakaalis na silang lahat, ididilat ko na sana ang mata ko pero nagpatigil sa'kin ang malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko. Baril. Alam kong baril ito! Halos napatigil ako sa paghinga habang nagpapanggap na tulog pa rin. Gusto kong idilat ang mata ko para makita kung sino man ito pero hindi ko magawa dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa kaya halos mapatalon ako palayo. Ang boses ay sobrang lapit lang ng pagitan sa'kin. "Alam kong gising ka.." Aniya. "Pero dahil maganda ka, hindi kita papatayin. Tama lang na hindi mo idinilat ang mata mo." Napakapit ako ng mahigpit sa unan ko. Halos makita ko ang pagtayo niya dahil sa maingay niyang pag-galaw, narinig ko na lang ang yabag niya palayo at ang tunog ng pinto. Naramdaman ko ang tumulo na luha sa mata ko, nagdilat ako ng mata at walang nakita na kahit sino. Nanginginig na umupo ako mula sa pagkakahiga at pinunasan ang aking luha habang nililibot ang tingin sa paligid. Nakabukas ang ibang drawer ko. Nakakalat ang ilang gamit sa sahig, ang mga picture frame dito sa side table ay hindi nagalaw. Nanlaki ang mata ko. Sila Miracle! Nagmamadali akong tumayo at lumabas ng kwarto ko, nanginginig na binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Mira at tumambad siya na nakaupo sa higaan niya. Yakap ang kanyang tuhod at umiiyak habang nakayuko. "Miracle!" Napaangat siya ng tingin dahil sa pagtawag ko, lalong lumakas ang hikbi niya at nagmamadaling lumapit papunta sa'kin. "Ate.." "Sinaktan ka ba nila?" Nag-aalala kong tanong habang tinitignan ang kanyang kabuuan. Umiling sya. "Nagpanggap ako na tulog. A-ate, si mama puntahan natin!" Tumango ako at hinila sya para pumunta sa kabilang kwarto. Agad kong binuksan ang pinto, nilibot ko ang tingin sa paligid pero hindi ko makita si mama. "W-where is she?" Kinakabahan na pumasok ako sa loob. Agad akong lumapit sa pinto ng banyo. Pinihit ko ang door knob pero naka-locked, kinakabahan na kumatok ako sa pinto. Ilang ulit. Pero walang sumasagot. Nagsimulang mag-tubig ang mata ko, kung anu-anong pumasok sa isip ko na pupwede nilang ginagawa kay mama kung sakaling nahuli siyang gising ng mga magnanakaw na iyonz Huminga muna ako ng malalim at tumingin kay Mira na tumutulo ang luha sa pisngi, magulo ang straight na buhok. Kinatok ko ng maraming beses ang pinto. "Mama! Buksan mo 'tong pinto! Nandyan ka po ba.. sa loob?" Napaatras kami ni Mira nang mabilis na bumukas ang pinto, niluwa nito si mama na basang-basa ng luha ang mukha at nanginginig. Agad niya kaming niyakap ng mahigpit at hinaplos ang aming mukha. "Are you.. okay?" Nag-aalala nyang tanong, salitan ang tingin niya sa'min. Tinitignan kung may sugat kami. "Thank, God! Akala ko kung ano nang ginawa sa inyo ng mga iyon, nagising ako kanina dahil kailangan kong mag-banyo. Lalabas na dapat ako nang marinig ko na may nag-uusap mula sa labas ng pinto, nagdasal ako ng nagdasal na sana ay wag nila kayong saktan." "Ikaw, mama.. sinaktan ka ba nila?" "Don't worry, hindi nila ako nakita. Nung nalaman nilang naka-lock 'yung pinto nitong banyo ay hindi na silang nagtangkang pumasok, pero narinig ko na nakuha nila 'yung pera na nasa loob ng cabinet ko.." Lumapit siya sa kanyang cabinet. "Wala na 'yung pera na kinuha ko sa bank account ko para sa pang-araw araw natin na gastusin natin, hindi ko alam kung magkano iyon pero sa tingin ko ay nasa one hundred fifty thousand." Malungkot na sabi niya. "I think i need to work, may mga pera tayo sa bank. Yes. Pero hindi na iyon nadadagdagan ngayon, baka ilang buwan lang ay wala na tayong makain. Mahal pa ang tuition fee niyo.." "Ma! Makikilala ka ng mga tao!" Agap ko. "Hindi na mahalaga sakin ngayon iyon, anak. Kailangan ko kayong buhayin ni Mira." "Ako na lang ang magtatrabaho." Sabi ko. Kumunot ang noo niya. "No! You're studying, Monique. No way on earth I would let you work! Mahihirapan ka lang.." Napasinghap ako. "Pero, ma.. Ano pang sense ng pagtatago natin kung gano'n lang din ang mangyayari? Edi dapat pala hindi na lang tayo nagtago!" Kinagat ko ang aking labi. "Ngayon lang naman po habang mainit pa ang issue. Magta-trabaho muna ako ng pansamantala, okay?" Hindi na siya nakasagot pero alam kong ayaw niya. Wala na siyang magagawa, mas lalong hindi ko hahayaan na siya ang magtatrabaho. Magiging useless ang lahat ng ito kung makikilala lang ng mga tao si mama. Niyakap niya ako. Kinabukasan ay naghanap din agad ako ng trabaho. "You can start tomorrow, miss Agustin. Here's your uniform.." Nakangiti ng malapad na tinanggap ko ang uniform ng fastfood na ito. Nag-apply ako dito dahil ni-recommend ito ng kapitbahay namin na si Ate Rose. One week na mula ng manakawan kami at araw araw akong umalis ng bahay para maghanap ng trabaho, maraming nagugulat sa'kin dahil nakikilala ako ng iba at hindi ako tinatantanan ng tanong tungkol kay mama kaya hindi ko tinatanggap ang trabaho. Gusto kong itrato nila ako ng normal. Yung hindi ako pinagkakaguluhan dahil gusto nilang malaman kung bakit nagtago ang pamilya ko. "And here's your schedule. 2pm to 10pm ang regular na pasok mo." Binigay nya sa'kin ang maliit na papel. "And about doon sa sinabi mo na mag-aaral ka this June. Maiiba ang schedule mo ng 5pm to 1am. Is that alright?" Hanggang 1am? Ngumuso ako, umaga na iyon ah! Kakayanin ko ba iyon? "Uh.. Yes po. It's okay.." Wala naman akong choice. Kailangan kong tanggapin dahil lahat naman ng part time job ay gano'n ang magiging oras kapag kasabay ang pag-aaral. "Okay, work well! Sa tingin ko naman ay masunurin kang bata, Monique." Nakangiti na sabi ng owner. Ngumiti ako. "Salamat po. I will work hard!" Tumawa siya. "Osiya, aalis na ako." Nagpaalam ako sa kanya, nakangiti na lumabas ako ng shoppe. At last! Nakahanap din ako ng trabaho, nagulat siya kanina nung nakita niya ako pero ni isang beses ay hindi niya ako tinanong ng tungkol kay mama. Kakababa ko lang ng jeep nang mramdaman ang pagba-vibrate ng phone ko, nilagay ko sa harap ko ang bagpack ko habang hinahalungkat ang loob para makuha ang phone ko. "Ouch!" Nakangiwi na hinimas ko ang pwetan ko dahil may nakabangga sa'kin kaya napaatras ako at nawalan ng balanse kaya napaupo ako sa daan. "Shit." Ang boses na naman na iyon! Nag angat ako ng tingin para makita ang lalakeng ito na mukhang anghel. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at hinila patayo. Inirapan ko siya. Nilayo ko ang kamay ko sa kanya at pinagpagan ang pantalon kong nadumihan. "Mag-ingat ka naman, miss." Aniya. Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko kaya ngumuso siya para pigilan ang pag ngiti. Napansin ko ang hawak niyang bakal na tubo na agad niyang itinago sa likod niya. Suminghap ako at tumingala para tignan siya ng diretso. Tumaas ang isang kilay niya. Alas tres pa lang ng hapon kaya nasisinagan ng araw ang maputi niyang balat, ngayon ko lang nakita kung gaano ka-light ang brown ng kanyang mata. Mahaba ang pilikmata niya at mapula ang labi. Ano kayang height niya? Nag-iwas ako ng tingin. "Lagi kang napapaaway, ha? Kapag ganiyan, siguraduhin mong wala kang nadadamay. Nakakainis na e, ilang beses na ba tayong nagkikita at bawat mangyayari iyon ay may kaaway ka? Pinapakita mo pa sa iba ang ginagawa niyo!" "Ano bang ginagawa namin?" Halakhak niya at sinilip ang mukha ko. "Uh.. you're hurting people?" Lumakas ang pagtawa niya at gumalaw pa ang kanyang balikat dahil sa ginagawa. Binasa niya ng kanyang dila ang malaman niyang labi at kinagat ito habang pinapanood ang pag-irap ko sa kanya. "Ignacio." Bigla siyang napalingon sa kung sino man ang nagsalita at tinanguan ito. Nilingon ko rin iyon at mabilis na nanlaki ang mata ko nang makita 'yung tumawag sa kanya. Yung tumulong sa'kin nung nag-grocery ako! Yung kumuha ng air freshener para sa'kin at naglagay ng pinamili ko sa trunk ng taxi. Walang emosyon ang kanyang mukha tulad nung una, tumalikod din agad siya at naglakad palayo. "Alis na ko....?" Ani ng kausap ko, hinihintay kung sasabihin ko na ba ang pangalan ko. "Clarisse." Sambit ko kaya nag buntong hininga siya at pumikit saglit. Paano niya ba nalalaman na nagsisinungaling ako? "Alright. Bye, Clarisse." Ngumisi siya at nilagpasan na ako kaya sinundan ko siya ng tingin palayo. Nag jog siya para mahabol niya 'yung kasama niya, may sinabi pa siya doon kaya nag-usap silang dalawa. Bumagsak ang aking panga. Magkakilala sila? Ang liit naman ng mundo! Napailing na lang ako at nagdiretso sa paglalakad. Lagi na lang kaming nagkikita ng lalake na iyon. Alam kong makikita ko pa siya dahil doon siya nag aaral sa school kung saan kami mag aaral ni Mira. Kinagat ko ang aking labi, pagkadating ko sa bahay ay may merienda na niluto si mama. Wala kaming ginawa kundi manood hanggang gabi at natulog. "Hi." Napatigil ako sa pag aayos ng buhok nang may isang lalake na lumapit sa'kin na naka-uniform din ng katulad ko. Nandito na ako sa fastfood kung saan ako magtatrabaho mula ngayon. "Uh, hi!" Bati ko pabalik at ngumiti. Ngumiti rin siya at inabot sa'kin ang isang maliit na name plate na may nakalagay na pangalan ko. Nilahad niya ang kaniyang kamay. "Nico nga pala." "Monique." Tinanggap ko ang kamay niya Tumawa siya. "Alam ko, kilala kita.." Napangiwi ako. Tumikhim siya at inayos ang cap na suot. "Ako nga pala ang mag-aassist sayo dahil nagte-training ka pa lang naman, tutulungan kita sa mga gagawin dahil sigurado ako na hindi ka sanay sa ganito." Hindi mapakali na sabi niya. "Halata bang kinakabahan ako? Ngayon ko lang kasi naranasan na makausap ng harap-harapan ang isang taong nakikita ko lang sa TV at mga magazines dati." Nanlaki ang mata ko. "Hala! Wag kang kabahan, pareho lang naman tayong nagtatrabaho dito simula ngayon. We can be friends!" Nagliwanag ang kanyang mukha. "Sige ah, sabi mo 'yan." "Oo naman!" Pagtawa ko at sinuot ang cap ko na kasama sa uniform namin. Nagsimula na kaming magtrabaho pagtapos kong mag-ayos. Hindi talaga ako pinabayaan ni Nico, nahihirapan ako minsan dahil natutuliro ako kapag ang daming customer. May biglang tatawag sa'kin tapos uutusan ako, minsan ay nakaka kwentuhan ko rin ang ibang co-worker ko kaya hindi ako naboboring. "Bye, guys! Ingat kayo!" Paalam ng isa kong katrabaho, kumaway naman ako at ngumiti. Nagsimula na silang mag-alisan habang ako ay inaayos ang bag ko, dadalhin ko na rin kasi 'yung tatlong pares ng uniform ko para malabhan ko. "Monique." Narinig ko ang boses ni Nico kaya lumingon ako. Nakapagpalit na sya ng damit. Ngumiti ako. "Thank you sa pag-assist sa'kin, kundi dahil sayo baka hindi ko nagawa ng maayos 'yung trabaho ko." "Wala 'yon." Kumamot sya sa ulo at tinaas ang susi ng hindi ko alam kung ano. "Sabay ka sakin? May motor ako." Mabagal na nanlaki ang mata ko. Dati ko pa gustong makasakay ng motor pero hindi kami ni Mira pinapayagan ng parents namin dahil madaming aksidente na nababalita dahil doon, baka daw kung anong mangyari sa'min. "Uh, i'm okay.. Magji-jeep na lang ako." Sabi ko. Hindi ko pa kasi masyadong kilala ito si Nico, kanina ko lang sya nakilala. Kahit mabait sya at tinulungan nya ako, hindi ko pa rin masabi na wala talaga syang gagawin na masama sa akin. "Oh? Ikaw bahala, alam ko kasi wala nang jeep na dumadaan dito ng ganitong oras." Sabi nya at sumunod sa'kin palabas. "Meron naman siguro." Alangan na sabi ko at tumawa. 10pm pa lang naman, meron pa naman siguro? Naghintay ako. Halos trenta minuto na ko sa kinatatayuan ko pero wala pa rin dumadaan. Puro magagarang kotse at malalaking truck ang nakikita ko. Pumikit ako at sumandal sa poste habang niyayakap ang sarili. Nilalamig na rin ako at mukhang wala talagang dadaan na jeep dito. Halos mapatalon ako nang may marinig ako na busina ng motor, mabilis na napalingon ako kay Nico na nakatingin sa'kin habang nakasakay sa motor nya. Nandito pa rin siya? Sumimangot ako nang makita na nakangiti sya. "Ano, sasabay ka ba?" Tanong nya. Saglit akong hindi nakasagot, natatakot kasi ako. Paano kung hindi pala mabuting tao ito si Nico? Paano kung anong gawin niya sa'kin? Mahina ako, walang laban, hindi ko kaya protektahan ang sarili ko. "Wala naman akong gagawin sayo. Hindi ako killer." Aniya at tumawa. Saglit ko syang tinitigan at binalik ang tingin sa kalsada na walang kahit isang jeep na dumadaan. "Sige, ngayon lang ito promise." Sabi ko. Ngumiti siya at inabot nya sakin ang isang helmet. "Kahit araw-araw pa." Kumapit ako sa balikat niya nung nakasakay na ko. Pinaandar niya ang motor kaya napahigpit ang kapit ko sa kanya dahil sa takot, ito ang unang beses na sumakay ako sa ganito at manghang mangha ako buong byahe. Maingat magmaneho si Nico kaya hindi na ako kinabahan, naging mabilis din ang biyahe dahil hindi naman masyadong traffic at nakakasingit pa kami dahil maliit lang ang motor. Lumingon ako sa paligid nang patayin ni Nico ang makina, nandito na kami sa bahay. Tinanggal ko ang helmet na suot ko at binalik ito sa kanya. "Salamat sa paghatid." Sabi ko. "Wala iyon, kahit sa susunod pa ulit." Ngumiti ako. "Ingat!" Tumango na lang siya at pinaandar ulit ang makina. Kumaway ako at sinundan na lang ng tingin ang motor niyang palayo. Nagtataka kung paano niya nalaman na dito ang bahay namin kahit hindi ko naman sinabi sa kanya ang direksyon. ✖️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD