XXXIII. Napahiga ako sa sahig habang hinihingal dahil sa sobrang pagod. Pumikit ako habang naghahabol ng hininga at naramdaman ko ang panonood ni King sa'kin. "You unexpectedly gave up longer than before." Nagdilat ako dahil sa sinabi niya. Ngumiti ako at umupo. Dati ay ayokong ayoko kapag nagti-training kami dahil masakit sa katawan pero ngayon ay wala na akong nararamdaman na sakit sa katawan, at tanging refreshing feeling na lang. Nasasanay na talaga ako. "When's the next training?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at nanlaki ang mata ko nang hubarin niya na naman ang shirt niya sa harap ko. My eyes automatically search for his tattoo, ang tattoo sa malapit sa balikat niya na hindi ko maintindihan kung ano. It looks like a weird sign or something. But it looks so cool and looks so fam

