XXXII. No'ng una ay hindi ko makuha kung bakit kailangan namin mag-training sa pool. Wala naman bago sa ginagawa namin, ine-ensayo niya ako katulad ng nakasanayan. Pero ang mahirap lang ay nakalubog kami sa tubig. Sobrang hirap gumalaw at ang bigat bigat ng katawan ko, kahit humakbang ay sobrang bagal ko kaya ako nahihirapan. Samantalang si King ay walang kahirap-hirap. Para akong naka-slow motion kanina, seriously. Pero ngayon na umahon na kami ay naintindihan ko na ang purpose kung bakit tatlong oras kami sa tubig. Pakiramdam ko ay gumaan ang katawan ko na halos magulat na ako. Sabi ni King ay kaya daw gano'n ay dahil nasanay daw ang katawan ko na pwersahin ang lakas na nilalabas ko kanina no'ng nakalubog ako sa tubig. Tumalon-talon ako habang tinataas baba ang aking kamay. Sinuntok

