XXXI. Mag-isa akong nakapila dito ngayon sa cafeteria, ang ibig sabihin ko na mag-isa ay hindi ko kasama sila Chloe at Ynna, pareho silang may sari-sariling klase kaya loner ako ngayon. Ayos lang naman iyon pero sobrang haba ng pila dito, kailan ako makakabili nito? Kung kasama ko si Chloe, sigurado ay kanina pa kami nakabili. "Huh, look who's here! Nakapila ka kasi hindi mo kasama si Chloe, right?" Napalingon ako kay Daphne na bigla na lang nagsalita sa gilid ko, nakataas ang kilay at nakahalukipkip. I scoffed. "What do you want again?" "I just realized something right now." Nakangising sabi nya kaya tumaas ang isang kilay ko. "You're just using Chloe, right? Para magawa mo ang mga bagay na hindi mo nagagawa kapag mag-isa ka lang.." "Anong sinasabi mo dyan?" Tumawa sya ng maarte. "

