LXV. Palinga-linga sa paligid si Monique habang nakasakay sa taxi, kinakabahan ngunit mas lamang ang nararamdaman niyang galit ngayon. Habang mas lumalapit sa pupuntahan ay mas tumitindi ang galit na nararamdaman niya. "Nandito na po tayo, ma'am." Magalang na sabi ng taxi driver kaya walang pagdadalawang isip na bumaba si Monique. Hindi nagbayad. Dahilan para sumigaw 'yung driver, nakakuha ng atensyon ang taxi driver kaya sinundan ng tingin ng guard ng hotel si Monique na nagmamadaling pumasok sa loob. "Anong floor ginaganap 'yung interview ngayon ni Chairman Felipe?" Tanong ni Monique sa front desk clerk. "Sorry po, ma'am pero hindi kami allowed na sabihin sa—" Hindi naituloy nung babae ang sasabihin dahil mabilis na dinampot ni Monique ang ballpen na nandoon at tinutok sa mukha niy

