LXVI. Rigo Magnus Ignacio "Come on, dad. Hindi ko kailangan ng kaibigan." "This is for you, iho. Masyado mong iniisip ang pagkawala ng ate mo, kailangan mong magkaroon ng mga kaibigan. Just be close with them." Akala ko ako talaga ang iniisip niya nung mga oras na 'yon, akala ko nag-aalala siya sa'kin dahil halos hindi na ako lumalabas ng bahay simula nang magpakamatay 'yung ate ko. Nakakalungkot kasi, sobra. "Hi, pwede bang makipag kaibigan?" Tanong ko sa dalawang bata na nakaupo sa damuhan sa gilid ng park. Yung isa ay matapang ang mata at ang isa naman ay nakatingin sa'kin na parang naboboring. "Oy, Rigs! Buti lumabas ka na!" Sigaw ng isang batang lalake na halatang-halata ang pagiging makulit. Kasama nito ang isang bata na may hawak na psp. Napangiti ako. Si Kieran at Kyle, 'yun

