LXIII. Umaga na pero hindi pa rin ako mapakali dahil sa pagkawala ni Mira, hindi ko alam kung anong nangyari. Sana okay lang siya. Sana talaga. Kanina pa rin tawag ng tawag sa'kin si Kieran, mukhang nag-aalala siya at sinisisi niya ang sarili niya dahil hinayaan niyang makatakas si Mira. It's not his fault, matigas lang talaga ang ulo ng kapatid ko. Me: Nandito na siya sa house. Reply ko kay Kieran para hindi na siya mag-alala. Hindi ko na rin pinasabi kila King 'yung nangyari. Gusto ko munang hayaan na makapag-pahinga 'yung tatlong 'yon. "Where the hell are you, Mira?" Sabi ko habang nakayuko, sapo ang noo. Nag-iisip. Simula kaninang madaling araw ko pa siyang tinatawagan. 11am na! Wala pa akong tulog at hindi pa siya sumasagot. Umiiyak na nga ako kanina dahil sa pag-aalala. Hindi

