LXII. This is our last chance to kill Manuel Bautista, ayon sa source—may flight siya mamayang 1am. Aalis siya ng bansa, magtatago obviously. Inayos ko 'yung cap ko at agad na tinakpan ang bibig ng isa sa mga naghihintay na magiging bodyguard ni Manuel Bautista. Pinalo ko ng baril ang likod ng ulo niya kaya nakatulog siya. Ganoon din ang ginawa nila King. Agad namin na hinubaran ang mga 'yon at sinuot ang mga uniform nila. Magpapanggap kaming bodyguard. "Get ready, nandyan na si Sir Manuel Bautista. Take care of him well, okay.." Sabi ng isang babae kaya nagkatinginan kaming apat at pumwesto sa pinto na lalabasan niya. Tumingin ulit ako sa wrist watch ko at nakitang 12:51am na, napatingin ako kay King na nasa tabi ko kaya napalingon din siya. Bigla siyang kumindat kaya yumuko ako par

