LXI. Malakas na sabay na sinipa ni Billy at King ang malaking gate kaya bumukas 'yon. Sabay-sabay na napalingon ang lahat ng nasa loob dahil doon. Dahil wala sa bahay niya si Manuel Bautista. Dumiretso kami dito kung saan ginagawa ang pagkuha ng mga organs ng mga tao para ibenta sa illegal human market. May nasa benteng lalake na mukhang bantay dito ang sumugod sa'min kaya sinipa ko agad sa tiyan ang isa. Naglabas ng mahabang kutsilyo ang iba kaya saglit akong natigilan. Binaril ko 'yung isa sa balikat kaya napasigaw siya dahil sa sakit. Napangiwi ako nang maramdaman na may dumaplis na kutsilyo sa braso ko. Binaril ko agad ang gumawa no'n at kinapa ang sugat sa braso ko. Tuloy-tuloy ang agos ng dugo no'n kaya tinakpan ko ng kamay ko 'yon at paa na lang pinanggamit para ipanglaban. Ma

