FIFTY ONE

1579 Words

LI. "Break up." Iyon ang unang unang lumabas sa bibig nang sabihin namin sa kanya ang tungkol kay Vanna at Kyle. "WHAT?!" "NOOOOO!" Vanna and I protested. Napanganga kaming dalawa. Tama ba ako ng narinig? Akala ko ay magiging cool lang si King dito dahil kaibigan niya naman si Kyle pero... "I don't like it." Walang emosyon niyang sabi. "Hey! Just let them, alright? Malaki na sila pareho. Wag ka nang maging balakid!" Sabi ko kaya napatingin siya sa'kin at mabagal na umiling. "I still don't like it." Sabi niya ulit. Napansin ko sa tabi niya na napapangisi si Billy. I knew it! Sinabi niya lang na okay sa kanya pero ang totoo ay hindi rin. "King—" Naputol ang sasabihin ni Vanna nang bigla na naman bumukas ang pinto. Pumasok si Kier at Rigo na lumabas kani-kanina lang, kasunod si Kyle.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD