LII. "Kyle at Kieran, mauuna kayong pumasok." Sabi ni Billy kaya tumango 'yung dalawa. "Yes naman! Ilang gabi na kong hindi nakakapag-club e." Excited na sabi ni Kier kaya kinurot ko siya ng mahina sa braso kaya napa-aray siya. "Hindi po tayo mangha-hunting ng chiks dito, ha?" Nakangiting sabi ko kaya tumawa siya. "Hah-ha-ha-hahahahahaha." That laugh again! "After ten minutes, Rigo and Vanna will follow—" "Why not Vanna and Kyle na lang?" Tanong ko kaya pinanlakihan ako ng mata ni Vanna. "Ayoko e." Sagot ni Billy kaya umirap si Vanna. Nag-peace sign naman ako sa kanya dahil doon. "Papasok ako mag-isa after three minutes.." Pagtutuloy ni Billy. "What about me?" Tanong ko kaya napalingon sa'kin si Billy. "You'll go with me." Sagot ng nasa likod ko. Kahit hindi na ako lumingon ay al

