LIII. Pagpasok ko ay isang empty floor ang sumalubong sa'kin. Walang kahit ano dito kundi ang isang pinto na may automatic lock. Lumapit ako doon at pilit na binuksan 'yon pero ayaw. "Hindi mo mabubuksan 'yan." Napatalon ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Nakita ko si Rigo na walang dala na kahit ano. "Where's your gun?" Tanong ko kaya kumunot ang noo niya, tinutukoy ko ay 'yung gun na ginagamit niya kanina. Yung pang-sniper! "Ayun ba?" Tanong niya habang nakatingin sa labas ng isang malaking glass window. Nakita ko do'n ang itim na mukhang lalagyan ng malaking baril na ginamit niya na nililipad ng isang Remote control airplane. Napasigaw akong nang biglang sumabog 'yon sa ere kaya mahina siyang tumawa. "W-what happened?" "Para walang ebidensya." Sabi niya kaya napalitan n

