IX.
Nandito kami sa mall ni Mira ngayon at hindi ako natutuwa dahil kung saan saan ako hinihila ng isang ito. Hindi naman namin mabili ang mga gusto namin dahil nagtitipid kami, hindi tulad dati na kung anong magustuhan namin ay mabibili namin.
"Let's eat muna. Kanina pa tayo naglalakad, ang sakit mo sa liver!" Reklamo ko.
"So liver mo na pala ang naglalakad, ate?" Tumaas ang kilay niya.
"Eh kung tsinelasin kita?"
"Ginawa mo naman akong ipis nyan, grabe ka 'te." Humalakhak siya kaya umirap ako at hinila siya papasok sa greenwich.
"Mag-order ka na, ate." Pag-uutos niya pagkaupo namin kaya tumaas ang kilay ko.
"Wow. Tinawag mo pa kong ate?"
"Ayaw mo? Edi kuya." Sabi nya. "Mag-order ka na, kuya."
Inambahan ko siya kaya pinangsalag niya ang magkabila niyang braso at sumimangot bago tumayo para mag-order. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok at naglakad papunta sa counter, everyone's looking at her. Mga gulat ang itsura, susundan siya ng tingin tapos lilipat ang titig sa'kin na hindi ko pinansin.
We don't care anymore. Pinag usapan na namin ni Mira ito, gusto namin magkaroon ng normal na buhay at hindi mangyayari iyon kung magtatago lang kami sa ilalim ng cap at mask na sinusuot namin para magtago.
"Monique Agustin!" Mahinang hiyaw ng isang grupo ng magbabarkada.
"Papicture naman!"
Ngumiwi ako. "Sorry, hindi pwede.."
"Isa lang! Grabe, ang ganda niyo!"
Hindi ako sumagot at nilingon si Miracle na nilalapitan ng iba, umiiling siya habang nakangiti. Come on, Monique! Don't be scared, sa umpisa lang ito. Kapag tumagal ay magsasawa rin sila.
"Ay, ang suplada naman!"
Nagkibit balikat ako at binaling ang tingin sa phone ko. Wala na akong pakialam, kahit hindi naman kami mag suplada ay may masasabi rin na masama ang mga tao.
Umalis din sila sa harap ko nang magsawa sila, nilibot ko ang tingin sa paligid at nararamdaman ko pa rin ang tingin ng iba. Gulat na napatitig ako sa isang lalake na nakapila sa counter na isa pa rin na nakakaagaw ng atensyon ng mga tao.
Nandito si Kyle. Sino kayang kasama niya? Hinanap ng mata ko sila Rigo o sila Kieran pero wala sila, mag isa lang siya? Sabagay, lagi naman siyang mag isa. Mas gusto niya yata iyon.
Nag-iwas ako ng tingin nang lumingon siya sa gawi ko, sana lang talaga ay hindi niya isipin na tinititigan ko siya ng malagkit kanina.
•
Kieran Domingo
Nalipat ang tingin ko kay Kyle na may dala-dalang isang box ng pizza. Agad na nilantakan iyon ni Rigo samantalang ako ay binalik ang tingin sa sexy'ng babae na kumakain dito sa may foodcourt.
Binasa ko ang aking labi. Nakatalikod siya kaya hindi ko pa nakikita ang itsura niya. Pero tantsa kong positive ang mukha nito, ang ganda ng katawan e. Kung hindi ko lang kasama ang mga kulugo ay kanina ko pa sana nilapitan ito. Pero pass muna, no sexy time tonight. Busy ang hottest man alive.
Napatingin ako sa mga kasama ko nang tumayo sila Billy. Halos trenta minuto na kami dito na naghihintay at kating-kati na ako sa bakbakan.
Tumayo na rin ako at sinundan ang nag-iisang lalake na humiwalay sa mga kasamahan nya. Mukhang sa parking lot ang punta nito at ito ang kukuha ng sasakyan.
Sila Rigo naman ay umiba rin ng gawi. Malamang ay kanya-kanya kami ng punta. Bahala na sila sa buhay nila. Basta ako nandito, sinadyang dumaan sa chiks na kanina ko pa tinitignan.
Kinagat ko ang labi ko at pasimpleng nilingon ito ngunit napaawang ang bibig ko nang makita ang itsura nito. Anak nang tinapa! Negative. Bakla pala ang isang ito.
Nakangiwi na dire-diretso akong naglakad at naramdaman ko ang malanding pagkurot ng bakla sa pwetan ko nang mapadaan ako sa kanya. s**t. Nilingon ko si Rigo na nakalingon sa gawi ko, humahalakhak siya kaya napapikit ako ng mariin.
Binilisan ko ang paglalakad kaya nalagpasan ko 'yung sinusundan ko, nauna ako sa parking lot at nagtago sa madilim na parte kung saan sya dadaan.
Nang makadaan sya ay mabilis ko syang hinila sa madilim na parte at malakas na sinandal sa dingding, naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya nya kaya napangisi ako. Baguhan pa yata ang gago na ito.
"W-wag mo kong papatayin! Wala kang malalaman sa'kin!" Sabi niya kaya kumunot ang noo ko at binaon sa palad nya 'yung swiss knife na hawak ko kaya narinig ko ang impit na ungol niya.
"Maiksi lang ang pasensya ko.." Tinapat ko sa leeg niya ang swiss knife. "Sino ang boss mo? Bakit bigla niyo kaming sinugod? Si Silva ba?"
Umiling siya ng maraming beses. Napamura ako at nagbuntong hininga. Binaba ko ang kutsilyo sa bewang niya at doon ibinaon, nag iwas ako ng tingin nang mapaupo siya sa sahig. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at binato sa kanya.
"Takpan mo niyan, hindi mo ikakamatay 'yan. Wag mo kong iyakan." Inis na sabi ko at tumalikod.
Ngunit bago pa ako makahakbang ay napaluhod na ako dahil sa magkasunod na pagpalo sa ulo ko at likod ng binti ko gamit ang isang bakal. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ko.
I muttered a curse. Tumayo ako at nilabas ulit ang swiss knife ko at binaon sa sikmura ng isa, sinipa ko ang isa pa pero napaluhod na naman ako dahil sa pagpalo ulit sa ulo ko.
Umiling ako ng maraming beses dahil sa panlalabo ng aking mata, tinukod ko ang kamay ko sa sahig pero may pumalo naman sa likod ko. Napapikit ako dahil sa panghihina na nararamdaman, mukhang wala akong choice kung hindi sumama.
•
Monique Agustin
Nagmamadaling nagbihis ako sa locker room. Na-late ako dahil sa pag gala namin ni Mira kanina, mabuti na lang ay hindi ako pinagalitan ni ma'am Lea dahil unang beses ko lang naman daw ma-late kaya ako pinagpasensyahan.
Nilibot ko agad ang tingin sa paligid para hanapin si Nico pero wala siya, madalas na siyang wala. Ayos lang ba siya?
"Wala na naman si Nico!" Utas ni Rizza at kinalabit ako. "Papuntahin mo dito 'yung gwapong kakilala mo para sumaya kami!"
Napangiwi ako at pinunasan ang isang lamesa.
"Oh! Hindi mo naman iyon boyfriend, diba?" Tinuro ako ni Ellen at bumungisngis. "Pero bakit parang naiinis ka?"
Nagulat ako. "Hindi ah!"
"Asus!" Kantyaw nila. Ngumuso ako, nakakainis itong mga ito! Bahala sila, lalo kong hindi papupuntahin si Rigo.
Pagkalabas ko ay walang Nico at Billy na nag-aaway kung sino ang maghahatid sa'kin, nakakapanibago at nakakatakot.
Wala akong kasama sa isang madilim at creepy na lugar na 'to ng ganitong oras, lakas loob na naglakad ako para makapunta sa sakayan ng jeep.
Hindi ako lumilingon sa paligid dahil baka may makita akong nakakatakot at maging katapusan ko na, halos pigil ang hininga ko habang naglalakad. Kahit kailan ay hindi ako masanay-sanay sa daan na ito.
Nanlamig ang buong katawan ko nang may biglang humawak sa braso, marahas ako nitong hinila at sinandal sa isang dingding. Naramdaman ko ang pag untog ng likod ng ulo ko at pagtunog ng buto ko dahil sa lakas.
"S-sino ka?" Nanginginig ako. Hindi ko makita ang mukha nya pero ramdam na ramdam ko na malapit ang mukha niya sa'kin.
He smells like cigarette and a strong scent of perfume. Ang sakit sa ilong.
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. "Ikaw pala si Agustin, hindi maipagkakaila na maganda ka nga."
Nanlaki ang mata ko. "H-how did you know me? Sino ka ba?!"
Hindi sya sumagot at may idinikit na malamig na bagay sa kaliwang pisngi ko, napaigtad ako at nagsimulang lukubin ng kaba ang dibdib ko.
Alam kong baril ito. Dati kasi ay may gun si papa at lagi kong pasikretong pinapakialaman ito, na-aamaze ako rito sa hindi malaman na dahilan kaya hindi bago sa'kin ang pakiramdam sa balat ng isang baril.
"W-what do you want?" Tanong ko, pinipilit pakalmahin ang sarili. Sino ba siya at bakit niya ginagawa ito? May atraso ba ako sa kanya?
"Hindi na mahalaga kung sino ako.." Humalakhak sya. "Wala rin akong kailangan sayo pero may kailangan akong gawin."
Tinutok nya ang baril sa sentido ko kaya nagpupumiglas ako, tinulak ko sya ng tinulak sa abot ng makakaya ko habang tumutulo ang mga luha ko sa aking pisnge.
Kinasa niya ang baril, napaawang ang bibig ko at natigil sa pagpupumiglas. Katapusan ko na ba? Bakit? Anong kasalanan ko? Papatayin niya ba ako? Ayun ba ang dapat niyang gawin?
Nag-uunahan na tumulo ang luha ko nang may marinig na naman akong isa pang kasa ng baril. Kahit hindi ko nakikita ang itsura ng nasa harap ko ay naramdaman ko agad ang pagiging tense ng katawan niya. Lumuwag ang pagkakahawak nya sa'kin at narinig ko ang mabagal nyang paglunok.
Napapikit ako nang marinig ang tunog ng baril, sa tingin ko ay naka-silencer ito kaya hindi ito nakagawa ng ingay. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa damit ko habang tumutumba siya sa sahig, natigil ang pag hinga ko.
Hindi ako ang nabaril, siya ang binaril! Natatarantang pinunasan ko ang luha ko at tinalikuran ito, kailangan ko nang makaalis dito. I need to escape!
"Oh, please.." Biglang may humawak sa braso ko at hinila ako. Nagpumiglas ako pero binuhat niya ako na parang sako ng bigas.
Sino naman ito?! Sinuntok suntok ko ang likod niya habang pinapadyak ang magkabilang paa. Narinig ko ang matigas niyang pagmumura bago buksan ang pinto ng isang kotse at ipasok ako sa loob.
"No! Leave me alone!" Sigaw ko habang pilit binubuksan ang pinto pero mabilis siyang pumasok sa drivers seat at ni-locked ang lahat.
Napahagulgol ako at tinakip ang kamay sa mukha ko. "Let me go, please.." Pagmamakaawa ko pero hindi siya sumagot at pinaandar na ang kotse.
"Saan mo ako dadalhin?" Nag angat ako ng tingin pero hindi ko siya makita ng maayos dahil sa dilim.
Nilibot ko ang tingin sa paligid ng kotse niya, wala akong masyadong makita. Itim ang kotse niya at madilim pa, pati ang mukha niya ay hindi ko makita. Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan ng mahigpit ang bag ko.
"Let me go!" Sigaw ko at pinalo sa kanya ang bag ko na agad niyang sinalag ng isa niyang kamay. Gumewang gewang ang kotse kaya halos tumigil ako sa paghinga at napapikit.
Narinig ko ang pagmumura niya. "Put your seatbelt on." Aniya sa malalim at malamig na boses.
"No!" Sigaw ko habang umiiling. "Let me go! Please! Don't kill me!"
Biglang tumigil ang kotse kaya napadilat ako ng mata. Napaigtad ako nang maramdaman ang mabangong hininga malapit sa'kin, napataas ako ng kamay nang maramdaman ang seatbelt na dumaan sa balikat ko papunta sa bewang ko. He's putting my seatbelt for me!
"What are you doing? Just let me go! Hindi ko pa nakikita ang mukha mo, hindi kita isusumbong sa mga pulis kapag pinakawalan mo ako." Kinapa ko ang kamay niya pero katawan niya ang nahawakan ko kaya mabilis akong napalayo.
"That's s****l assault, woman." Malamig ang boses niya at malalim. Naririnig ko ang otoridad sa tono niya at pamilyar ang boses na ito.
"Hindi.. ko sinasadya!" Umiling ako ng maraming beses. Dumaan kami sa poste ng ilaw kaya lumiwanag, naaninag ko ang mukha ng driver na ito kaya nanlaki ang mata ko.
"You.. look.. familiar.." Sambit ko. "Sino ka? Let me go! Don't kill me, please!"
Maliwanag sa parte na ito kaya naaaninag ko ang kalahating parte ng mukha niya. Nakaside view siya. Mataas ang kanyang ilong at matapang ang mata, may hikaw ang tenga niya at halatang malaking tao siya.
Umabante ako para silipin ang buong mukha niya kaya tinignan niya ako sa gilid ng kanyang mata, mabilis akong napasandal sa upuan. Ang lamig ng titig niya, kung gaano ka-expressive ang mata ni Rigo ay kabaliktaran ang kanya. Para siyang robot dahil parang wala itong buhay. Malamig lang.
"Please, let me go.." Maingat na ang pagkakasabi ko. Natatakot na magalit siya, he's scary. Scary yet familiar.
"Don't kill me.." Bawat salita na sinasabi ko ay humihina ang boses ko.
"I won't." Aniya sa mahinahon na boses. "I won't kill you, i can't do that.."
ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ