X.
Gumaan ang loob ko nang makita na papunta sa bahay namin ang tinatahak namin na daan. Kahit nagtataka ako kung paano at bakit nya alam kung saan ako nakatira ay hindi na ako nagtanong dahil mag-aaway na naman kami at susungitan niya lang ako.
Frustrated na hinawakan ko ang buhok ko, bakit parang pakiramdam ko ay alam ng lahat kung saan ang bahay namin?
Nag angat ako ng tingin nang tumigil ang kotse, nagtataka kong nilibot ang tingin ko sa paligid at nakitang wala pa kami sa bahay. Nasa madilim na parte kami ng isang lote, madilim at walang katao-tao! Nanlaki ang mata ko at lumingon sa lalake na pinaglihi sa sama ng loob.
"W-why did you stop?" Kinakabahan na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, pero iba 'yung pakiramdam kasi. Parang may hindi magandang mangyayari.
"Basta sundin mo lang ang lahat ng sasabihin ko." Aniya at binuksan ang kotse saka bumaba, napayakap ako sa sarili ko. Anong gagawin niya sa'kin?!
Binuksan niya ang pinto sa gawi ko at hinila ako palabas pero kumapit ako sa upuan, nagsalubong ang kilay niya at inis na huminga.
"Anong gagawin mo sa'kin?!"
Binitawan niya ako at nilagay ang isang kamay sa bewang, ang isa naman ay nakahawak sa bridge ng kanyang ilong.
"Just f*****g do what i'm going to say if you don't wanna end up f*****g dead." Mariin na sabi niya at malakas na hinila ako pababa ng kotse kaya napabitaw ako sa upuan.
Tumingala ako sa kanya at sinalubong ang pamilyar niyang matapang na mata, siya ang unang nag iwas ng tingin at yumuko para may kunin sa ilalim ng upuan sa loob ng kotse.
Namilog ang mata ko nang makita na baril ang hawak niya, kulay itim at mahaba. Halatang may silencer.
"Now. Duck." Aniya at kinasa ang baril.
Napalunok ako. "Huh?"
"Yuko!" Inis nyang sabi. Hindi agad nag-sink in sa utak ko 'yon pero automatic na napayuko at napaupo ako nang makarinig ako ng gunshots.
"Your stupid brain's processing information to f*****g slow, woman." Iiling-iling na sabi niya bago magpaputok ng baril.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya kahit nakakabwisit iyon. Nanatili akong nakapikit at nakayuko habang lumilipad ang mga bala ng baril sa lugar namin, ang kotse lang na sinasandalan ko ang nagsisilbing shield namin.
Tinakpan ko na lang ang magkabilang tenga ko habang nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot. It is dark in here at may mga nagliliparan na bullets sa paligid ko. And i have no freaking idea kung bakit ito nangyayari at kung bakit ako nasali sa sitwasyon na ito.
Inangat ko ang ulo ko para silipin ang kasama ko. He's alive and still pulling a trigger. Kahit hindi ko siya kilala ay nag-aalala pa rin ako na masaktan siya kaya hinawakan ko ang laylayan ng damit niya para sabihin na umupo siya at tumakas na lang kami dahil baka kung ano lang ang mangyari sa'min. Halatang maraming pumupuntirya sa'min sa paligid.
"Let's just escape?" Sabi ko nang lumingon siya, napapikit ang isang mata niya nang may gunshot na naman kaming narinig.
Pwede bang yumuko siya dahil baka matamaan siya ng bala ng baril?! Nag iwas siya ng tingin at bumaril na naman, nagbuntong hininga na lang ako at yumuko. I can't stop him!
Ilang sandali lang ay tumahimik, nagulat ako nang hilahin niya ako patayo bago buksan ang pinto ng kotse, akala ko ay papasakayin nya ako pero binato nya lang sa loob 'yung gun na ginamit nya at kinuha ang phone at wallet nya sa loob. Kasama na rin ang bag ko na binato nya lang sa'kin kaya tumama sa mukha ko.
This guy really..
Hinawakan nya ako sa braso at hinila. Ang bilis bilis nya maglakad at ang hahaba pa ng legs nya kaya halos tumakbo na ako dahil nakakaladkad na 'ko.
"Hey! Stop dragging me! Saan mo ako dadalhin?"
"Cover your ears." Aniya kaya kumunot ang noo ko. Bakit ko naman tatakpan ang tenga ko?
"Why? What for?" Tanong ko habang hinahabol siya.
Nilingon niya ako kaya napatigil ako sa paglalakad, tumingin siya sa wrist watch niya bago humakbang palapit sa'kin. Tinakpan niya ang magkabilang tenga ko kaya napaigtad ako, nakayuko siya at ang mata niya ay nakatutok sa'kin.
Bumuka ang bibig niya at may sinabi pero hindi ko na narinig dahil sumabay ang isang malakas na pagsabog, napakapit ako sa damit niya habang nakapikit dahil muntik na akong matumba dahil sa impact. Kahit tinatakpan ng malaking kamay niya ang tenga ko ay malakas pa rin ang pagsabog para sa'kin, samantalang siya ay wala man lang reaksyon.
Nagdilat ako ng mata nang bitawan niya ang mukha ko, nakita ko na lang siyang naglalakad palayo nang parang walang nangyari. Nagsimulang maglabasan ang mga tao sa kanilang bahay at nagkakagulo na pinanood ang kotse na ginamit namin na tinutupok na ngayon ng apoy.
"H-hey!" Tawag ko sa kanya. Hindi sya lumingon at diretso lang sa paglalakad. "What happened to your.. uh car?"
Hindi siya sumagot kaya hindi na ako nagsalita at sumabay na lang sa paglalakad. Isang kanto na lang ay bahay na namin, nagtataka talaga ako na alam nya ang bahay namin. Pinakikiramdaman ko kasi sya kung saan sya dadaan at 'yun nga ang daan papunta sa bahay namin.
"Do i know you?" I asked out of the blue. Tumaas ang isang kilay niya at nilingon ako, tinitigan ko siya ng mabuti. Pamilyar talaga siya! Saan ko ba siya nakita? "Are you an actor? Model? Reporter?"
"Nah"
Hindi na ako sumagot. Nag-iisip. I'm really very sure na nakita ko na sya dati.
Hmm. He's very tall, hanggang balikat nya lang ako. Matangkad na sila Rigo pero mas matangkad pa sya, may hikaw ang dalawa niyang tenga. His face is very manly, he has this small scar on his cheek. His nose is very pointed, his eyes are very cold, he's very handsome.. And his scent.
Lumapit ako sa kanya at pasimple syang inamoy, mabagal na nanlaki ang mata ko at tinuro sya. Sensitive ako sa amoy kaya minsan ay nakikilala ko ang isang tao dahil sa pabango nito.
"You're that mister-air-freshener!" Sure na sure kong sabi. "I'm in the supermarket that time, and i'm having a hard time reaching the air freshener because well, that was too high. And i'm not that tall.."
Hindi sya sumagot at nagdiretso lang sa paglalakad kaya sumunod agad ako.
"Then you helped me.." Dagdag ko pa. "Tsaka sa paglalagay ng pinamili ko sa trunk nung taxi."
Hindi ulit siya nagsalita.
Ngumiti ako. "Barkada ka nila Rigo, diba? Nakita rin kita na kasama niya isang beses."
Hindi pa rin siya sumasagot, hindi na ako nagsalita ulit dahil nakita kong nasa tapat na kami ng bahay namin. Lumingon ako sa kanya dahil tumigil rin sya.
Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Thank you."
Naglaro ang dila niya sa loob ng bibig niya at nag iwas ng tingin bago naglakad palayo.
"Hey, wait!" Pagtawag ko pero hindi niya pinansin, nilagay niya lang ang kamay niya sa kanyang bulsa at hindi man lang lumingon.
I scoffed. Bakit ba ang taray niya? Niyakap ko na lang ang sarili ko at pumasok ng bahay.
Nakapangalumbaba lang ako habang napapapikit dahil sa antok kinabukasan. Ang bigat bigat ng talukap ng mata ko ngayon, hindi ako halos nakatulog dahil sa nangyari kagabi.
Nang mahiga ako sa kama ay doon nag sink in sa utak ko ang lahat. Nakasaksi ako ng pagkamatay ng tao. Halos hindi mawala sa isip ko 'yung umaagos na dugo nung lalake mula sa ulo nya, kapag pipikit ako ay naiimagine ko na naman ang lahat. Mabuti na lang ay hindi ako nanaginip ng tungkol doon.
Nakakatakot.
Napadilat ako ng mata nang maramdaman na parang may nakatitig sakin, mabilis na nanlaki ang mata ko nang makita si Rigo na nakaupo sa tabi ko habang nakatitig sakin. Nakatukod ang siko niya sa lamesa at pinaglalaruan na naman ang kanyang hikaw.
Ngumisi siya. "Goodmorning.."
Umungol ako at nag inat, sinampal ko ang magkabilang pisngi ko para magising ang diwa ko.
He chuckled and bit his lower lip. "Bakit antok na antok ka?"
Hindi ulit ako nakasagot, gusto kong sumagot pero lowbat ang energy ko.
"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong nya at lalong pumungay ang kanyang mata.
Umiling ako. "I'm alright.."
"Have you eaten?"
"Yeah"
"Sinong kasama mo kagabi at nagpuyat ka?" Tanong nya kaya mabilis akong napadilat ng mata. Napaawang ang bibig niya dahil sa naging reaksyon ko, nag iwas siya ng tingin habang tumatango.
Nag-init ang mukha ko dahil baka kung ano na ang tumatakbo sa isip niya ngayon.
"It's not what you think!" Nilapit ko sa kanya ang index finger ko at dinantay ang kaliwang pisnge ko sa lamesa ko habang nakatuon ang mata sa kanya.
Hindi siya agad sumagot, para talagang may tumatakbo na kung ano sa isip niya. Walang emosyon ang mukha niya at tinitignan niya lang ako sa gilid ng kanyang mata.
"I told you, it's not what you think.."
Ngumuso siya at ginaya ang ginawa ko kaya medyo nagulat ako dahil magkatapat na ang mukha namin, nakadantay din ang isang pisngi niya sa lamesa niya at tumitig sa'kin.
"Monique.." Pagtawag niya habang nakatingin sa'kin, para bang kinakabisado ang bawat features ng aking mukha.
"Why?"
"Monique.." Lumambing ang kanyang boses, malumanay at masarap sa tenga.
"B-bakit nga?"
Hindi siya sumagot. Bumuka ang bibig niya pero tinikom niya agad ito at kinagat na lang ang ibabang labi. Umayos ako ng upo, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. My heart is beating so fast. Tinawag niya lang naman ang pangalan ko pero.. para kasing ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya masabi at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Umayos na din siya ng upo at ginulo ang buhok niyang hindi naman halos nagulo. Sakto naman na dumating ang prof kaya nagsimula ang klase, nakakapanibago dahil kapag ganito ang subject ay katabi ko si Kieran sa bandang kanan ko.
Pero wala siya kaya gusto kong tanungin si Rigo pero nahihiya ako sa kanya ngayon dahil hindi pa ako kumakalma ng todo.
"May magsa-submit na ba ng subject na binigay ko?" Tanong ng prof.
Napangiwi si Rigo. "Meron pa pala tayong project dito at iba pa 'yung magkasama tayo. Ang hassle naman.."
Nagbuntong-hininga ako. Ang daming gagawin! Madali lang sana kung wala akong trabaho pero iba ngayon, pagkadating ko sa bahay ay nakakatulog agad ako dahil sa pagod.
"The deadline for that project is on--"
Bigla na lang bumukas ang pinto kaya napunta ang atensyon ng lahat sa taong nagbukas nito. Nanlaki ang mata ko nang makita ang matangkad na lalake na naka-uniform, walang suot na tie at walang dalang bag. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa at dire-diretsong naglakad papunta dito sa gawi namin ni Rigo.
The rude guy last night!
ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ