?
"Kung alam ko lang na ayaw mo magpagising edi sana di na kita niyugyog at tinawag para ngayon tigok ka ng babaeta ka!" Inis pang bulyaw sa'kin ni Mari.
"Ang ganda kasi ng panaginip ko, beh!" Masaya kong sabi kay Mari na hindi pinansin ang pagsusungit nya. Akupado pa kasi ang isip ko sa napaginipan ko.
"Oh, ano?"
"Hmm..." Hindi ko matuloy dahil kilig na kilig pa rin ako sa isiping hahalikan ako ni Xiumin.
"Dali na!" Inip na saad ni Mari sa akin habang nagsiselpon.
"Nagpropose daw sa akin si Xiumin---"
"Ahh sabi ko na nga ba! Kakaisip mo ng kpop muntik ka nang mamatay, gaga ka!" Putol niya sa pagkikwento sana. Walang gana din itong umirap sa akin.
"Grabe to, ang kj!" Maktol ko.
"Charot! Sige continue mo." Ngiting aso itong tumingin sa akin. Napatawa naman ako dun ng malakas at excited na kwenento ang nangyari.
"So, ayon nga nagpropose daw sa'kin si Xiumin. Sabi pa nga nya sa'kin... ganito. Ehem! Krizza, will you be my girl forever? Grabe Mari! Di ako makasagot sa gulat, kasi naman Kim Min-Seok yon eh. Hindi ako makapaniwala! Tapos inulit pa nya. Tinanong niya ulit ako ng 'Krizza, are you willing to be my girl forever?" Kinikilig kong kwento kay Mari at hinahampas hampas pa braso niya.
"Then ano yong sagot mo? Aray! Ano ba! Magkikwento ka lang naman nanghahampas pa eh." Reklamo ng pinsan ko at hinimas himas ang sariling braso. "Naputol na ba yong panaginip mo?" Tanong niya pa ulit habang masamang nakatingin sa'kin kaya tumigil na ko sa paghampas sa kanya. Agad namang lumayo sa'kin si Mari na nakabusangot.
"Hindi pa Mari! Syempre yong sagot ko, yes!"
"Yes? Nice hahah"
"Oo, chance ko na yon eh."
"Tapos ano na nangyari?" Abang ni Mari sa kwento ko.
"Tapos hahalikan niya na sana ako kaso lang may kasama akong epal." Inirapan ko siya dahil kung hindi niya ako ginising baka first kiss ko na si Xiumin. "Sayang! Mahahalikan na sana ng isang Xiumin."
"So, kasalanan ko pa kung bakit hindi ka nahalikan ni Xiumin sa PANAGINIP MO! ganun?" In-emphasize pa niya yung word na 'panaginip mo' at tinarayan ako. Aba!
"Hindi naman sa ganun Mari."
"Pasalamat ka nga Krizza at ginising pa kita! Kasi kung hindi? Baka naninigas ka na ngayon at hindi na nagising dahil sa panaginip mong yan!" Malakas na sabi sa'kin ni Mari malapit sa Tenga ko. Ayan na naman sa pabulyaw ng pinsan ko. Masakit sa fcking ears men!
Pero tumawa lang ako sa kanya.
"Kpop pa buang!" Pahabol niya pa.
"Pero sayang talaga nun eh..." Di maka-move on na saad ko.
"Talaga." Sarkastikong sagot na naman ng pinsan ko. "Matulog ka ulit at ipagpatuloy mo yang kahibangan mo baka sakaling maibalik yung relasyon nyong walang label!"
"Ayy luhh! Pinagsasabi mo?" Taka kong tanong. "Anyare?"
"Wala! Sana ol may Xiumin sa panaginip, ako kasi pinagpalit sa ex!" Walang emosyong sabi sa akin ni Mari.
"Ahh kaya pala. Saklap naman niyan beh HAHAH sadghurl yarn?" Asar ko sa kanya. Balita ko kasi binalikan ng bf niya yung ex nito.
Wala na kong natanggap na sagot mula sa kanya nang tumalikod na ito sa akin upang magbasa ng w*****d. Pumikit naman ako uli at baka bumalik nga yong naudlot kong panaginip.
Kainis naman kasi! Naputol pa.
Lumipas ang dalawang buwan at graduation ko na mamaya. Nakakalungkot naman. Magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaklase pero okay lang para san pa at mayroong social media kung di magkakaroon ng komunikasyon. Anyway, ang sabi pala sa'kin nila mommy at daddy mag-aaral din daw ako sa school na pinapasukan ni Mari.
Yahoo ang saya siguro niyan!
"Krizza! Bakit hindi ka pa naliligo? Mag aala-una nang bata ka!" Puna ng nanay ko sa'kin.
"Yes my, maliligo na po." Tipid kong sagot sa kanya.
"Bilisan mo! Ang bagal mo pa naman kumilos." Pahabol pa ni mommy bago lumabas ng kwarto. Tanging tango na lamang ang sinagot ko.
Nga pala, kaya ganyan yan ka-apurado si mommy kasi hindi sa pagmamayabang ako ang first honor ng klase with an average of 98. Taas diba? Hindi na yan bago sa akin hahah kasama din si daddy dahil kawawa naman si mommy'ng magsasabit sa'kin ng certificates at medals, baka hindi pa nakakababa ng stage tinatawag na naman ulit.
Maliligo na nga ako. Strikto pa naman yang nanay ko at baka gagraduate na nga lang ng grade 10 eh masermunan pa.