Chapter 4

1031 Words
? Mga bandang alas syete na kami ng gabi nakauwi galing sa school. May kaunting salo-salo din kaming nadatnan sa bahay. Hinanda ng Lolo at lola ko. Andito din ang mga pinsan ko lalo na si Mari, sila tita, tito at ang close ko ding tita na si Shan, kapatid siyang bunso ni mommy na kaedad ko lang din. "Hi Krizza! Congratulations." Nakangiting bati sa akin ni tita Shan, binigyan din ako ng gift at niyakap ng mahigpit. "Omg! Thank you tita! Ano tong gift mo?" Masaya kong sambit kay tita habang inaalog alog yung regalo. Ngumiti lang siya sa'kin bilang sagot. Mamaya ko na to bubuksan hihi. "Congrats Krizza!" Nakangiting bati rin sa akin ni Mari. May inabot din syang maliit na kahon. Regalo rin. "Wow meron ka ring regalo sa'kin?" Di makapaniwalang sambit ko sa kanya. "Hindi ba obvious?" Sarkastikong sagot ni Mari sa akin. Napatawa naman sa gilid si tita Shan. Pareho naming ka close si tita Shan since magkakaedaran lang din kami. "Oyy salamat insan! Congrats din sa'yo." Bati ko rin sa kanya dahil graduation din nito noong nakaraang araw, katulad ko nagtapos din siya ng grade 10 and guess what? pareho kaming top 1. Kahit naman kpop at w*****d lagi naming inaatupag, hindi namin napapabayaan ang pagaaral. Matatalino kaya kami noh ket di halata. Masaya rin ako at excited at the same time kasi sa school niya na rin ako mag aaral. Magkakasama na kami pumasok. Ayon, after kumain at makapag bihis as usual nagkwentuhan lang din kaming tatlo. At syempre alam na ang topic, kpop sabayan pa ng pagpapatugtog ng music na puro kpop ang kanta. Nakaplay nga yung kanta ng BTS, pasunod sunod nakakabuhay kasi. Tapos nung nakaramdam na kami ng antok, nagdecide nang matulog kaso ang ingay nung videoke ng kapitbahay, may mga nagiinuman kasi sa kanila kahit nga lasing na birang bira pa sa pagkanta para namang ang gaganda ng mga boses eh mga sintonado naman. Well, ganyan mga tao dito kahit hating gabi na di pa rin tumitigil akala naman sila lang tao sa mundo. Namataan kong 11:30pm na kaya nagtalukbong nalang ako ng kumot at pumikit. Maya-maya pa'y... Zzzzzzzz "Wow! ang ganda naman dito." Namamangha kong sambit habang nililibot ang paningin sa Lugar. "Teka? Parang familiar sa'kin tong Lugar ah?" Bulong ko sa aking sarili kasi parang nakita ko na itong kinatatayuan ko. "Aha! I knew it! Naalala ko na kung bakit familiar sa'kin tong lugar. Sabi ko na nga ba eh. Napanuod ko ito sa TV namin, isang kdrama, sa 'Bride of the water God' inaabangan ko kasi lagi yun sa TV at itong lugar na to ay dun sa part na pagkatapos halikan nung water god yung bidang babae, dineklara niyang ganap na daw niyang alipin yung babae." "Tama dito nga 'yon!" Teka? Bigla akong napahinto. Bakit ako nandito? Kung andito ako sa pinagshootingan nung cast ng kdrama ibig sabihin nasa Korea ako?! "Oh my god! Andito ako sa Korea! Wow naman pero paano ako dito nakarating?" Bulong ko ulit sa aking sarili. Syempre alangan lakasan ko pagsambit edi napagkamalang baliw. Bobo ba! Habang nagiisip ako, bigla nalang may tumawag sa akin. Familiar yong boses, parang narinig ko na somewhere. "Krizza!" Tumingin ako sa tumatawag sa akin and like o to the m to the g! "J-hope?" Nanlalaki ang mga matang bulalas ko pagkakita sa tumawag sa akin. "Ako nga!" Nakangiti nitong sagot habang papalapit sa kinaroroonan ko. "Oh ba't gulat na gulat ka, Krizza?" "Huh? Pa-paano mo ako nakilala?" Mabagal kong tanong sa kanya dahil sa gulat. Aba sinong hindi magugulat eh kilala ako ng isa sa bias ko. Panaginip ba ito? Kung oo, sana wag na munang magising. "May amnesia ka ba at dimo tanda kung pa'no tayo nagkakilala? Halika nga, dun tayo sa may bench Krizza. Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala." Inakay niya ako paupo sa malapit na bench. "Ah g-ganun ba?" Utal kong sambit. Gagi naman self, h'wag ka mautal si J-hope lang yan, yung crush mo sa BTS. Oo si J-hope lang yan, yong crush ko. Yung crush kong sobrang sikat at ang hirap abutin. Kausap ko sa'king sarili. Naguguluhan din ako kasi grabe naman to, noong una si Xiumin tapos ngayon si J-hope na naman. Pinagpapala ata ako. Salamat Lord! Bigla akong nagulat nang hawakan nya ang aking kamay. "Nagkakilala tayo Krizza sa bighit, doon kita unang nakita." Simula niya at ngumiti na para bang may masayang naalala. "Bibisitahin mo yong kaibigan mo na isa sa mga staff nung Entertainment tapos pinakilala ka sa amin nung kaibigan mo na isa din sa kaclose ng BTS. Lagi kang pumupunta sa bighit kaya naging close friends tayo. After 1 year linigawan kita at hanggang ngayon nililigawan pa rin kita." Nakangiti niyang kwento sa'kin habang nakatitig direkta sa mga mata ko. "Totoo? Nililigawan mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango lang siya. Seriously! Totoo ba ito? Yung isa sa crush kong BTS eh nililigawan ako? Ba't di'ko ata alam? "Teka Krizza. Bakit parang hindi mo alam? Ok ka lang ba? May nangyari ba sa'yo kanina?" Sunod-sunod na tanong ni J-hope sa akin na bakas din ang pag aalala sa boses. "Ah heheh peace! Wala naman. Ok lang ako." Tanging sambit ko kasi hindi ko talaga alam. Pero sobrang saya ko kasi si J-hope na to eh. Ang swerte ko naman ata talaga ngayon. "Krizza." Nakatitig sa'king sambit ni J-hope at hinawakan ng marahan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa ginawa niya. "J-hope?" "Krizza, I'm willing to wait." Sambit niya habang nakatingin sa magkahawak naming kamay. "Para sa'yo maghihintay ako kahit gaano pa yan katagal. Mahal kita eh." Dagdag pa niya. Sasagot na sana ako ngunit... Narinig ko naman ang mga pamilyar na boses nina tita Shan at Mari'ng masayang nagkikwentuhan. Pagtingin ko ulit kay J-hope, unti unti na siyang naglalaho pero nanlaki ang mata ko ng mapansing may bakas ng lungkot ang mukha niya. Bakit? Nahimasmasan ako ng marinig na naman ulit ang papalakas na boses at tawanan ng tita saka pinsan ko. Pagkadilat, unang bumungad sa akin ang dalawang naguusap habang may tinitingnan sa cellphone. Hays! Panaginip na naman pala talaga iyon. Mahina kong sambit sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD