Chapter 19

1309 Words
SA MITRO'S RANCH, Puerto Prinsesa. Doon siya dinala ni Hunter, isang sikat at kilalang family spot na may scenic views at nag o-offer ng iba't ibang activities tulad ng ziplining at horseback riding. Pagpasok sa horse stable, nilapitan agad ni Hunter ang isang kulay puting kabayo at hinaplos. "His name is Sniper–" Napangiti siya sabay lapit sa kabayo na may magandang pangalan. "Uhmm, you're so handsome, Sniper," maingat ang paghimas niya sa bandang leeg ng kabayo. "Nice meeting you–" "Ang lagay si Sniper lang ang handsome dito?" nakangising turan ni Hunter. Naningkit ang mga mata niya. "Gusto mong masabihan ng gwapo?" Nakakalokong ngumisi si Hunter. "Kung 'di kalabisan sayo magsabi ng totoo." Napailing siya. "Gwapo ka rin kasing pogi mo si Sniper. Konti na lang mag mumukha ka ng kabayo–" pataray na sabi niya. Malakas na tumawa ang binata. "Ito ang unang beses na may tumawag sakin mukhang kabayo, whoa !–" Natawa na rin siya dahil sa kakulitan ni Hunter. "Masyado kang nagbubuhat ng bangko!" Nagtawanan sila hanggang sa ipakita din sa kanya ni Hunter ang ilan pang kabayo na nasa stable. "Game? Ready ka na?–" "Palagi akong game sa lahat," nakataas ang kilay na sabi niya. Napasipol naman si Hunter at napapailing. "Lakas ! Baka Amber Blackwood 'yan–" Naglabas ng isa pang kabayo si Hunter upang sakyan niya habang ang binata sinakyan si Sniper. "Let's go. Iikot kita sa buong rancho." "Alright –" Nagsimula na sila ni Hunter na mamasyal sa buong paligid ng rancho mitro. Natutuwa siya sa kada hampas ng malamig na simoy ng hangin sa balat, sakto lang ang takbo nila ng gamit niyang kabayo. Nakasunod naman sa kanya si Hunter sa lahat ng puntahan niya hanggang sa makarating sila sa Mitro's Cafe na sa loob ng malawak na farm. "Ginutom ka no'?" pabirong tanong ni Hunter sa kanya. "Malamang anong oras na 'kaya." "Sige, sagot na kita–" Walang segundo o minuto na hindi siya natatawa sa mga pinagsasabi ni Hunter. Palaging may baon itong nakakatawang biro o kwentong walang ka-sense-sense kaya panay ang tawa niya. Infairness, hindi ito boring kasama. Inalalayan siya ni Hunter makababa sa kabayo, sa paghawak nito sa beywang niya. Hinayaan na lamang niya kahit madali sa kanya bumaba ng kabayo. Nang makapasok sila sa loob, hindi niya napigilan mapangiti sa ganda ng ambience, very relaxing loob ng Cafe. "Sino pala may ari ng rancho na 'to?" kapagkuwa'y tanong niya sa binata ng makaupo sila sa isang bakanteng table. "Me." "Sa'yo ang rancho? as in pati ang farm na nadaanan natin?" Pasimpleng tumango ang binata. "Y-Yup ! Mukha ba akong hindi haciendero?" nakataas ang sulok ng labi nito. "Mas mukha kang tumitira ng mga haciendera–" Bumunghalit ng tawa si Hunter habang siya naka-poker face lang, nagsasabi lang naman siya ng totoo. "Pasmado bibig mo, Amber Blackwood, kaya patay na patay sa'yo ang Team leader namin e," natatawang sabi ni Hunter. Nagtatakang napatingin siya kay Hunter. "Team leader? Paano nyo naging team leader si Cross, anong meron ba sa grupo niyo? at saka, correction. Hindi siya patay na patay sakin– alam ko naman kahit 'di mo sabihin, plano talaga ni Cross ang pahirapan ang buhay ko. He just wants to get revenge on my father, right?" lintanya niya. Malinaw na malinaw sa kanya ang intensyon pinaparating ni Cross. Nais nito pahirapan ang buhay niya, para makaganti sa Daddy niya, pero pasensya na lang dahil 'di sya basta basta nagpapatalo. "Ayoko na lang magsalita. Alamin mo na lang sa asawa mong kupál–" Napapakiling na lang siya ng ulo. Expected naman niya hindi magsasabi ng kung ano-ano si Hunter. Pagkatapos nila kumain at magkape sa Mitro's Cafe. Pinagpatuloy nila uli ang pagho-horse riding hanggang sa dumilim na ang langit, inabot na sila ng gabi ng makabalik sa horse stable. Si Hunter ang unang bumaba sa kabayo saka lumapit sa gawi nya upang alalayan siya uli makababa sa kabayo. Humawak ito sa beywang niya, at napahawak naman ang dalawang kamay niya sa balikat nito. "Ihahatid na kita sa–" naputol ang iba pang sasabihin ni Hunter ng may sumuntok rito dahilan para mabitawan siya at matumba ito sa lupa. Maige na lang na kaagad niya nabalanse ang sarili kaya hindi siya na out of balance. Nakita niyang nakasadsad na sa lupa si Hunter at akmang susuntukin uli ito ni Cross subalit nakabawi na si Hunter saka malakas na sinipa si Cross sa dibdib. "You fúcker! Who told you to bring my wife here?!" bulyaw ni Cross. Nagtatagis ang bagang nito, para itong leon na lalapain ang lahat ng humarang rito. "f**k you too ! Sinong tangang iiwanan ang asawa para samahan ang isang babae sa beach? ang masaklap pa... ex fling mo pa ang babae? dapat nga magpasalamat ka sakin ... nililibang ko asawa mo, kung akin na lang kaya siya.. baka–" Naglabas ng pistol si Cross, nakatiim ang bagang na nakatitig ito kay Hunter. "Go ahead, subukan mong kunin ang asawa ko. Sisiguruhin kong tatagos ang bala ng baril ko sa bungo mo–" nangagalaiting sigaw ni Cross. Napabuntong hininga siya at tinalukuran ang dalawa. Wala naman siya pakialam kung magpatayan ang mga ito, wala siya sa mood na matuwa dahil pinag aagawan siya ng dalawang lalaki. The hell I care ! Moróns ! Patungo na siya sa sasakyan ni Hunter ng may humaklit sa braso niya. Nagbabaga sa galit ang mga mata ni Cross, dama din niya ang higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya. "Sa dami-daming lalaking lalandiin mo, si Hunter Salvatore pa !" "Excuse me?!" "Not excuse ! Di ba ang sabi ko, bawal kang lumabas ng Villa." Kumunot ang noo niya. "Iniisip mo bang nagpa-plano akong tumakas?" tinabig niya ang kamay nito na nasa braso niya. "I'm not going anywhere without my Dad, kaya ikalma mo ang sarili mo." "Bat ka sumama kay Hunter ?!" Naririndi siya sa pagsigaw sigaw nito, kung pwede lang sapakin ito ay ginawa na niya kanina pa. "At bakit hindi? He invited me to come here, wala akong magawa, naiinip ako kaya sumama ako. And you know what– I enjoyed being with him. Ang galing pa niya mangabayo, mas magaling pa yata sya kaysa sayo," nang-uuyam na singhal niya kay Cross. Well, magaling naman talaga mag-horse riding si Hunter, halatang professional ito. "So, gusto mo siya? ha? gusto mo siya?! Gusto mo na sya, ganon ba?!" halos mapatid na ang litid nito sa leeg dahil sa pagsigaw nito. Napailing siya. Malapit ng maputol ang pasensya niya sa lalaking to. Pipitikan na niya to, konting konti na lang talaga. "Ano naman kung gusto ko sya? Bawal ba?" "Damn you ! Kasal ka sakin, Amber– baka nakakalimutan mo. Kasal tayo." Tumaas ang kilay niya. "Says who? You? – ikaw nga may kasamang ibang babae sa kwarto nag hurumentado ba ko?" Marahas na hinawakan ni Cross ang magkabilang pisngi niya gamit ang isang kamay lang. Dinikit nito ang mukha sa mukha niya. Amoy na amoy niya ang pinaghalong fresh mint at sigarilyo sa hininga nito. "Akin ka lang, Amber. Akin ka. Hinding hindi ako papayag na kunin ka ng iba sakin. Patayin na muna nila ako bago mangyari 'yon. At mas lalong hindi kita ibibigay sa iba– you're mine. only mine. keep that in your mind." Nakipaglaban lang siya ng titigan sa binata hanggang sa naramdaman na lang niya ang paglapat ng mga labi nito sa labi niya. Bahagya pa siya nagulat sa ginawa nito, dahilan para maitulak niya ito. Bakas ang galit at hinanakit sa mga mata nito saka siya binitawan. "Get in the car now–" bulyaw nito kalaunan at malalaki ang hakbang na tinungo ang nakaparadang van di kalayuan sa horse stable. Wala naman siyang nagawa kun'di ang sumunod sa binata saka humugot ng malalim na paghinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD