Chapter 18

1194 Words
GUMISING siya ng masama ang timplada ng mukha. Naabutan niya kasi Cross at Nikita na naglalagay ng gamit sa sasakyan parang aalis ang mga ito. Kunot ang noo tumayo siya sa harap ng main door. Napatingin si Nikita sa gawi niya, matamis itong ngumiti. Fake smile indeed ! "Hey there, Amber ! You want to come with us? Ipapasyal ako ni Cross dito sa Palawan," lumingon ang babae kay Cross na nasa likuran ng sasakyan, may nilalagay na gamit. "Saan nga tayo pupunta, baby?" Wow , baby yarn? paulanin kaya niya ng bala ang ulo ng babaeng to. "El Nido beach–" maiksing sagot ni Cross. Isinara na nito ang car trunk sabay sulyap sa kanya. "Gusto mo sumama? Tara–" Marahas ang naging pag iling niya. "N-Nope. Sorry 'di ako sasama," tanggi niya sa binata sabay tingin kay Nikita. "Mukhang mas mag-e-enjoy ka naman solohin ang ASAWA ko e," pabalang na banat nya sa babae. Pilit na ngumiti lang ang babae. Habang si Cross parang nagpipigil na matawa. "Babalik din kami–" ani ni Cross bago sumakay sa sasakyan. Umingos siya. Kahit wag na.. Kumaway pa sa kanya si Nikita parang nang aasar lang bago tuluyan umandar ang sasakyan at umalis na ang mga ito. Humugot siya ng malalim na paghinga bago pumasok sa loob. Aabalahin na lang niya ang sarili sa pagluluto ng almusal. Naisip niyang magluto ng carbonara, pero bago siya nagluto ng carbonara naghanda muna siya ng pagkain para kay Daddy. Tomato soup ang ginawa niya at dinala iyon sa kwarto nito. Nang masiguro niyang tapos na kumain si Daddy saka siya ng prepared sa lulutuin pasta. Naka-open cellphone niya, pasimpleng sinusundan ang video sa pagluluto ng pasta carbonara. Tapos na siya sa pagpapakulo ng pasta, kailangan na lang i-drained iyon pero nawala sa isip niyang gumamit ng kitchen gloves sa paghawak ng kaldero. Napaigik siya sa sakit dahil sa pagkapaso. "Shít !–" "Are you okay?" Napalingon siya. Kinagulat niya na makita si Hunter Salvatore. Mabilis na lumapit ito sa kanya at sinipat ang kamay niya. "Damn – tsk ! Namumula na," anito na may pag aalala sa boses. Binuksan nito ang gripo sa sink at inilahad ang kamay niya sa running water. "Lagyan na lang ng oitment mamaya, masakit pa ba?" Natuliro siya. Hindi dahil sa pagkapaso niya kun'di dahil sa pagkakahawak nito sa kamay niya at sobrang lapit ni Hunter sa katawan niya. "Uhm, ayos lang ako. Salamat." "Sure ka?" paniniguro ni Hunter. Nabaling ang atensyon nito sa gagawin sana niya. "Ako na mag de-drained nito–" Hindi na siya kumontra. Hinayaan na lang niya ang bagong dating na gawin ang pag drained sa pasta. Ito na rin ang nagpatuloy sa paghihiwa niya ng sibuyas para sa white sauce na gagawin niya. "Ako na. Just watch–" nakangising saad ni Hunter at tuluyan na nito niluto ang white sauce hanggang sa matapos na maluto ang pasta carbonara. Gumawa pa ito ng magandang plating. Ngiting ngiti siya habang pinapanuod si Hunter. "So, may talent ka pala sa pagluluto," bigkas niya. Naupo na siya sa stool ng island counter. "Marami akong talent, basic lang sakin ang pagluluto," pag mamayabang ni Hunter at naupo na rin sa katapat na stool. Magkaharap sila. Tumango tango siya na may ngiti sa labi. "Ay weh? Ano ano pa ba talent mo? Kumain ng bato kaya mo?" Tila nag isip naman ang binata. "Parang nagawa ko na–" Gusto niyang matawa subalit nagpigil siya. "Talaga ba? Ano pa ? Naglalabas ka ba ng apoy sa bibig?" "Hindi. Dumudura lang–" Umalpas na ang tawa na kanina pa niya pinipigilan. Halos manakit ang tiyan niya kakatawa. Oh God, its been a while na nakatawa siya ng ganon. Nakatitig lang sa kanya si Hunter. "Gumaganda ka lalo pag tumatawa." Nahinto siya sa pagtawa. "Kasama ba 'yan sa talent mo, mambola?" abot tenga pa rin ang ngiti niya. "Pambobola ba 'yon? Duling ka ba? Di mo alam na maganda ka." Nagkibit balikat siya. Ayaw niya maniwala, halata naman bolero ang isang 'to. "Walang panulak?" kapagkuwa'y tanong nito. Nakalimutan niya magtimpla ng juice. "Tulak kita?" painosenteng balik tanong niya. Akmang itutulak ito subalit maagap na nakaiwas. Sumilay ang kakaibang ngisi sa labi ni Hunter. Napapailing ito. "Ahh, tulakan pala ha. Matapos kitang tulungan magluto. Ganito ka, mag-thank you, Amber Blackwood?" Bumunghalit ulit siya ng tawa dahil sa tinuran ni Hunter. Wala na siya nagawa kun'di tumayo at magtimpla ng juice. Inaabot niya ang tinimplang juice kay Hunter saka sila nagsimulang kumain ng carbonara. Masarap ang pagkakaluto ng binata, nakakawala ng init ng ulo. "Bakit ka nga pala nandito?" biglang tanong niya. Sumulpot kasi ito ng walang pasabi at wala din naman si Cross. "May idi-discuss sana ako kay Lucian.. I mean kay Cross kaso umalis pala–" Hmm, sanay naman na siya. Cross Lucian. 'Yon Lucian na "Yeah. Umalis. Namasyal na may kasamang babae," wala sa loob na nabanggit niya. "Babae? Who?" "Uhm, Nikita ang name." "Ah, si Nikita–" "Kilala mo siya?" "Hindi." Tinapunan niya ng seryosong tingin si Hunter. "Bakit nag Ahh ka?!" "What I mean, di ko sya personal na kilala. Ang alam ko, ex-fling 'yon ni Cross." hmmm, sinungaling talaga ! "Oh, I see... ex fling." "Bakit ka pumayag na mamasyal sila ng di ka kasama?" Tinuon na lang niya ang atensyon sa kinakain. Ayaw na niya magsalita. Bahala si Cross sa kung anong trip nito. "Kung ako sayo.. babakuran ko ang asawa ko. Hindi ko hahayaan masolo siya ng iba–" pahayag ni Hunter. Matiim siyang tumingin kay Hunter. "Kung ikaw ang asawa ko, ba't ka magpapapunta ng babae rito, bagong kasal tayo? kasama mo pa sa kwarto at ipapasyal mo pa sa beach? Tanga ba ako para magpa-gago sayo?!" inis na singhal niya kay Hunter na halatang nagulat. Tutal tapos naman na sila kumain. Tumayo na siya at kinuha ang pinagkainan nila saka hinugasan. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Hunter. Napagtanto niya na mali ang ginawa niyang pagsinghal rito kaya humarap siya sa binata. "P-Pasensya ka na kung tumaas ang boses ko–" "I understand. Walang kaso." Iiwanan na sana niya ito sa dining area upang bumalik sa kwarto niya ng magsalita uli ito dahilan upang huminto siya sa paglakad sabay lingon rito. "May gagawin ka?" Nagtatakang napatitig siya kay Hunter. Ngumiti ito sa kanya saka marahan nagkamot ng baba. "Wala naman, bakit ?" "Uhm, do you know how to ride a horse?" Sa di malaman na kadahilanan. Nakuha nito ang atensiyon niya. Bukod kasi sa mag aral ng self defense, nag aral din siya sumakay ng kabayo. Hindi na niya maalala kung kailan pa ang huling horse riding niya. Kumislap ang mga mata niya sa pagkasabik. "Y-Yeah– ang tagal na din kasi ng last horse riding ko." Gumanti din naman ng ngiti si Hunter. "Good. Let's go! nasa Puerto Prinsesa ang Rancho na alam ko." Hindi na siya nagdalawang isip pa. Mabilis na tumango siya at walang takot o pangambang sumama siya kay Hunter. Ano ang lagay magmumukmok na lang siya sa Villa? habang si Cross nagpapakasasa sa piling ng ibang babae. No way! Dapat siya din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD