Chapter11

1357 Words
AFTER 8 YEARS... Manila, Philippines. WALONG taon na ang mabilis lumipas. Gano'n na rin katagal na wala siyang balita sa kung ano bang nangyari talaga sa Daddy niya. Hindi niya alam kung patáy na ba talaga ito o hindi. Matapos siyang tulungan ni Manang Ason na makarating ng Manila, wala na siyang balita pa. Tumutuloy siya sa isang malayong kamag-anak ni Manang Ason sa may España, Manila. "Ladies and Gentlemen, we have a Jackpot Winner." Napalingon siya sa katabing table game. Napangiti siya saka marahang pumalakpak. Anim na taon na siyang pumapasok sa Solaire Resort and Casino bilang casino dealer. Hindi siya masyado nahirapan sa ganitong trabaho dahil madalas siyang sumasama sa Daddy niya dati pag nasa casino ito. Malaki ang sinasahod niya kasama na ang mga tips na binibigay sa kanya ng mga customer pag nananalo. Matamis siyang ngumiti sa pitong players na nasa harapan niya. Kadalasan mga foreigner ang mga parokyano nila, may Chinese, Singaporean, Australians at Americans. Halo-halo kung minsan, may iilan mga pinoy din. Kadalasan, mga pulitiko at mga anak o kamag-anak ng mga kilalang pulitiko. "Place your bets, Please," inilabas na niya ang pinaka magandang ngiti niya. Kapansin-pansin ang kislap ng mga mata ng pitong player sa kanya. Isa iyon sa mga teknik niya upang maglaro ng maglaro at tumaya ng tumaya ang mga players, ang pasimpleng akitin ang mga ito. Basic ! "Place your bets, please.." ulit niya. Tinignan niya isa isa ang mga players. "No more bets?..Alright–" May humabol na isang player. Isang matangkad na lalaki. Napasulyap siya sa bagong dating. Pamilyar siya sa mukha nito subalit hindi niya maisip kung saan niya ito nakita. Nginitian niya ang gwapong lalaki. "You, good.. sir? Kindly place your bets–" Naglabas ito ng maraming black, purple and orange chips. Abot tenga ang ngiti niya. Hmm, yayamanin ang lalaki. Tumango ang lalaki at tumaya gamit ang isang black chips nito. Roulette Casino ang game nila. Madali lang ang laro, tataya lang ang mga players sa red and black numbers, pwedeng isang number ang tayaan o pwede rin marami. "Alright. No more bets," malakas niyang sabi at pinaikot na ang spin ball. Nang huminto ang maliit na bola. Panalo ang matangkad na lalaki. Napansin niyang kanina pa siya nito pinagmamasdan pero hindi na lang niya pinansin. Sanay na siya minsan sa mga malalagkit na tingin ng mga customers nila. Lumipas ang mahabang oras, palaging panalo ang matangkad na lalaki hanggang sa tumayo na ito. Akala niya aalis na ito subalit lumapit ito sa kanya. "I'm Hunter Salvatore–" ang baritonong boses nito ang mas lalong nagpakisig sa lalaki. "What's your name, Pretty?" inilahad nito ang isang kamay. "Uhm, Am– Aimee, Sir," tugon niya at magalang na tinanggap ang pakikipagkamay nito. Aimee Toledo ang pangalan ginagamit niya sa trabaho. Hindi niya sigurado kung may naghahanap pa ba sa kanya o wala na, gusto lang niyang maging maingat at isa pa, takaw atensiyon ang apelyido niya dahil maraming kakilala si Daddy mga negosyante at mga pulitiko sa bansa. "Nice meeting you, Aimee," nginitian siya ng lalaking nagpakilalang Hunter. "By the way, are you still here tomorrow night?" tanong nito sabay nagpamulsa. Marahang tumango naman siya. "Yes, Sir." "Good. Babalik ako bukas ng gabi. May isasama akong.. uhmm not so, friend ko. Malakas ang pakiramdam ko, MANANALO siya bukas pag ikaw ang casino dealer niya," nakakalokong ngumisi ito at iniwan na siya. Ang weird ng Hunter Salvatore na iyon. Sinundan pa niya ng tingin ang papalayong lalaki. Malakas ang aura nito, kaya halos ng babae sa paligid napapalingon sa lalaki. Napapailing na lamang siya. Di uubra sa kanya ang ganyan mukha, kahit ubod pa ng gwapo 'yan... Pass ! Alas-sinko na nang umaga ng mag-out siya sa trabaho. Nag-book siya agad ng Angkas rider para mabilis makauwi. Wala naman trapik pero masakit na rin kasi ang mga paa niya dahil sa tagal ng oras na nakatayo at naka-heels pa. 5:25 AM Saktong nakauwi na siya sa tinutuluyan na bahay. Naabutan niyang lasing ang pamangkin ni Manang Ason na si Mang Edgar sa may b****a ng pinto. Singkwenta'y otso anyos na ang matandang manyak na ito. Mayroon itong apat na anak, dalawang lalaki at isang tomboy, isang bakla. "H-Hoy... kailan ka mah.. babayad ng renta.. mo?" utal utal na tanong ni Mang Edgar. Nakabusangot ang mukha nito habang hawak ang walking stick nito. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Katapusan na ba ng buwan?" madiin niyang tanong rito. Tila nabahala naman ito. Napalunok ito ng laway. "Tinatanong kita. Katapusan na ba ng buwan?" madilim na ang mukha niya. Parang naumid ang dila nito at umiling. "Matuto kang tumingin ng kalendaryo, Mang Edgar, kung ayaw mong mawalan ng isang mata–" banta niya sabay nilagpasan ito. Tahimik siyang pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya ang isang anak ni Mang Edgar na lalaki na may plaster cast sa kanang braso. Nakatayo ito malapit sa hagdanan. Umiwas ito sa kanya na parang takot na takot. Hindi niya ito pinansin bagkus dire-diresto lang siya umakyat hanggang sa pangatlong palapag ng bahay. Naabutan niyang sinasarado ng isa pang anak na lalaki ni Mang Edgar ang pinto ng kwarto niya. Pagkakita nito sa kanya para itong nakatuklaw ng ahas sa gulat. Bumakas ang takot sa mukha nito. "A-Ate Amber–" Malakas na sinipa niya ito sa tiyan. Bumalya ito sa pinto ng kwarto niya kaya bumukas. Napahiga ito sa sahig. Inapakan naman niya ang tiyan nito gamit ang isang paa niya. Napaigik ito ng diniinan niya ang heels ng sapatos niya. "A-Ate– A-Arayy..." napahawak ito sa paa niyang nasa tiyan nito. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko? May kinuha ka? Sumagot ka. Kung ayaw mong butasin ko ngala-ngala mo!" angil niya rito. "W-Wala, Ate!– inutusan lang ako ni Papa na silipin kwarto mo baka may tinatago ka ... kasi 'yon renta daw–" nanginginig na paliwanag nito. Hinawi niya ang buhok niyang kulay oranger na lagpas hanggang balikat. Inalis niya ang paa at hinaklit ang damit nito patayo. Binalandra niya ito sa pader at hinawakan sa leeg. "Taas mo mga kamay mo–" utos niya. Ginawa naman nito. "Bilangin mo daliri mo–" Napalunok ito ng laway. "Isa.. d-dalawa.. tatlo.. a-apat.. lima.. anim.. p-pito.. walo... s-siyam," nanginginig ito lalo. Ngumisi siya. "Very good. Gusto mo bawasan ko pa 'yan daliri mo?" mahinahon na tanong niya. Malakas na umiling ito. "A-Ayaw ko, Ate.. Amber. Promise... wala akong.. kinuha sa .. kwarto mo." Tinapik niya ang pisngi nito. "Sa susunod na malaman kong pumasok ka sa kwarto ko, sisiguruhin ko ng hinding hindi ka na makakapag-salsál." Nang bitawan na niya ito, mabilis pa sa kabayo na tumalilis ito ng alis at bumaba. Napailing na lang siya. Sa tagal na niya nakatira rito, 'di umbra sa kanya ang kamanyakán ni Mang Edgar pati na rin ang dalawang anak na lalaki nito. Binalian niya ng binti si Mang Edgar. Ang panganay nitong lalaki, binalian din niya sa braso at yon isa naman, pinutulan niya ng hinliliit na daliri. Ang asawa naman ni Mang Edgar ay matagal ng patay, walong taon na nakakaraan. Well, pangit ang ugali ng asawa ni Mang Edgar kaya ginawan na lang niya ng paraan para manahimik. Sinipat niya ang kaniyang maliit na kwarto. Nasa double bed niyang kama ang alagang Black Siamese cat na si Luna. "Luna, may pumasok sa kwarto natin. Di mo man lang pinansin. Anong klaseng bantay ka?" nangingiting sambit niya at pasimpleng naupo sa tabi ng pusa. Umungol lang ito na ikinailing na lang niya. Inaantok pa siguro 'to. Tumayo siya para magpalit ng damit pantulog. Ni-lock na niya ang pinto. Double lock pa. Nilagay din niya ang kanya folding knife sa ilalim ng unan niya. Hihiga pa lang sana siya ng mag-ring ang kanyang Samsung Keystone phone. Nalukot ang noo niya sa isang Unknown number na tumatawag sa personal number niya. Sinagot niya. "Yes?" "Good morning, Beautiful. I have big plans for you later." Nabitawan niya ang cellphone niya. Bumagsak iyon sa sahig kaya namatáy ang tawag. Hindi siya pwedeng magkamali, ang malagom na boses na yon. Si Lucian? Hmm, No... Si Cross Lucian Madrigal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD