Chapter 10

1260 Words
"WELL, I don't want to be rude. Let me introduce myself properly. I'm Cross Lucian Madrigal," he smirked while staring intently at her Dad. Para siyang nanghina sa natuklasan. Lucian? lalo na nang mapatingin siya sa kaliwang kamay nito, may hawak itong Vendetta mask. "Hindi ako nagkamali sa hinala ko tungkol sa'yo..." kalmadong bigkas ni Daddy. "I wish I had killéd you right away." Nagkibit balikat lamang si Cross. "It's too late for you to think about that." Kumibot-kibot lang ang labi ni Daddy. "So, Mr. Cross Lucian Madrigal, anong kailangan mo sa'kin? or should I say, ginagawa mo ba 'to para kunin sa'kin ang anak ko?" Pagak na natawa si Cross. "Nope, hindi si Amber ang pakay ko... kun'di ikaw, Mr. Blackwood. I'm gonna make an offer that you can't refuse," he smiled smugly. "Alright, but before I make a deal with you. Gusto kong malaman anong motibo mo?" "Motibo? Oh, nakalimutan ko sabihin– Are you familiar with the Black mafia, Mr. Blackwood?" nakataas ang kilay ni Cross habang nakatunghay kay Daddy. Tila natutuwang ngumiti si Daddy sabay tumango-tango na para bang may na-realized. "Hmm, from Philadelphia, I see. So, ikaw na pala ang bunsong anak ng mga Madrigal. You know, young man.. when seeking revenge, you have to dig two gravés - one for your enemy and one for yourself," walang mababakas na pangamba sa mukha ni Daddy. "Frankly, Mr. Blackwood.. I don't give a dámn," nagtatagis ang bagang ni Cross. Isinuot nito ang maskarang hawak, gano'n din ang ginawa ng ibang lalaking kasama ng binata, nagsuot ang mga ito iba't ibang disenyo ng Kabuki mask. Nanlalamig ang buong katawan niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya, hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang sumugod upang tulungan si Daddy subalit inuunahan siya ng takot. "If you're going to kíll me, do it now. Wag mo na idamay pa ang anak ko–" "Damay na siya, Mr. Blackwood. Whether you like it or not, kukunin ko siya sa'yo at wala ka ng magagawa." Dumilim ang mukha ni Daddy. "Kasama 'to sa plano mo? ang paibigin ang anak ko? at saktan siya? para pahirapan ako?" "In fact, my only plan was to gain your trust, Mr. Blackwood.. I didn't know that she would fall for me? funny, right? My plan went smoother, tsk– biruin mo mas pipiliin pa ako ng anak mo kaysa sayo–" Nag init ang sulok ng mga mata niya. So, ito ang totoong Cross Madrigal? Nakipaglapit lang ito sa kanya para makapaghiganti kay Daddy. All along, pinapasakay lang pala siya nito sa mga matatamis nito salita ! Gusto niyang humiyaw sa matinding galit na nararamdaman subalit pinigilan niya ang sarili. Kinuyom niya ang mga kamay habang nagngingitngit ang mga ngipin sa labis na pagkasuklam sa binata. Naging tanga at baliw siya dahil sa isang lalaking hindi naman niya lubos na kilala ! How idíot she is ! f**k ! "So, Mr. Blackwood – how 'bout we closed a good deal today?" sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ni Cross. Nawala na ang maamo at mabait na Cross na kilala niya o baka huwad lamang iyon? Baka ito talaga ang tunay na Cross.. walang awa at walang puso. Nag abot ng isang folder ang kasing tangkad ni Cross na lalaki na nasa tabi nito sa Daddy siya. "Lahat ng ari-arían ng mga Blackwood ay ipapasa mo sakin, kasama na ang Villa na ito pati ang Blackwood Mafia sa Italy... at si Am–" "Ibibigay ko lahat sayo.. Wag mo lang papatáyin si Amber," walang pag aalinlangan sambit ni Daddy. Pakiwari niya nadudurog ng pira-piraso ang puso niya. Paano niyang nagawang hindi makinig Daddy? Tama ito kung sana nakinig siya... sana di mangyayari ito sa kanila. Kumislap ang mga mata ni Cross. "Hindi ko siya hahayaan, mamatáy, Mr. Blackwood.. because she's mine. I intend to marry her," wika nito at tinutok ang M16 riflé kay Daddy. "Dahil siya ang magbabayad sa lahat ng kasalanan mo sa pamilya ko," malamig ang dugtong ni Cross. "You piece of shít !–" asik ni Daddy kay Cross. "Mia cara, so che mi stai ascoltando. Nasconditi, mia cara. Non lasciare che quest'uomo ti rovini. Salvati." My dear, I know you're listening. Hide, my dear. Don't let this man ruin you. Save yourself. "Look for her !–" sigaw na utos ni Cross. Narinig niya iyon. Alam ni Daddy na nasa paligid siya. Kumabog ang dibdib niya nang magtaka si Cross at lumingon-lingon, gano'n din ang ginawa ng iba pang kasama nito. Napalunok siya saka mabilis na tinungo ang basement. Binanggit ni Daddy ang 'HIDE' code. Nasa dulong bahagi ng basement ang isang kwarto, kung saan mayroon secret passage sa likod ng pader. Kinailangan lang niya hanapin ang switch button na nasa book shelve. Hide, my dear. Pamagat iyon ng isang libro. Natunton niya agad ang switch pag angat niya ng libro at walang pag aatubiling pumasok sa makipot at madilim na daan. Nasa kalagitnaan na siya ng madilim na hallway ng makarinig ng isang malakas na pagsabog. Napayuko siya sabay hawak ulo dahil bahagyang nayanig ang pader. "D-Daddy–" nanghihinang bulong niya. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Wala na si Daddy. Wala na ang lahat sa kanila. Naisin man niyang pumalahaw ng iyak subalit alam niyang hindi yon makakatulong sa kanya sa mga oras na iyon. Kailangan niya tumakas at lumayo. Sa dulo ng secret passage ay palabas ng Villa. Kakahuyan ang bumungad sa kaniya nang makalabas siya sa passage. Wala na siya sinayang na oras, tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makakita siya ng maraming puno ng saging. Napansin din niya ang isang malapit na baranggay hall na may nakasulat na Baranggay Pulot Shore. Kahit hingal na hingal, pinilit niyang lumapit doon ngunit hindi pa siya nakakapasok sa naturang baranggay ay may humawak na sa balikat niya. Napakislot siya at akma sasapukin ang taong pumigil sa kanya nang mapag-sino ang humawak sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. Si Manang Ason?! "Miss Amber?" takang-taka sambit ni Manang Ason. "Y-You're alive, Manang Ason?" napaawang ang labi niya. Buong akala niya pinatáy lahat ng maids sa Villa. Mabilis na hinaklit siya ni Manang Ason sabay linga sa paligid at hinatak palayo sa baranggay hall. "Delikado ang buhay mo Miss Amber– kailangan nyo tumakas at umalis ng Palawan," puno ng pangambang sabi ni Manang Ason. Kahit tagaktak ang pawis, hindi niya alintana. Hinawakan niya ang kamay ni Manang Ason. "Hmm, I don't know... where to go. P-Please... help me, t-they kílled D-Daddy and they–" "Ssh, alam ko. Plano na ni Lucian iyon matagal na, ang makaganti sa Daddy mo– alam kong mali pero, wala din akong nagawa dahil binayaran lang niya ako at kailangan ng pamilya ko ang perang binigay nya sakin." "P-Please, help me... tulungan mo akong makaalis ng Palawan, Manang Ason–" Nagmamakaawang sambit niya habang nanginginig pa rin ang mga labi niya. Nag aalangan pa itong tumitig sa kaniya na parang nagdadalawang isip. "Mahahanap at mahahanap ka ni Lucian, Amber–" Matigas na umiling siya. "N-No. I'll do my best ... hindi ako magpapahuli sa kanya, parang awa mo na Manang Ason." Humugot pa muna ito ng malalim na paghinga at malamlam ang mga matang tumingin sa kanya. "Sige, akong bahala. Gagawa ako ng paraan para makaalis ka ng Palawan–" Naging pangit man ang pagtrato niya noon kay Manang Ason, hindi ito natakot o tumangging tulungan siya. Napangiti siya at napayakap sa may edad na ginang. "Thank you so much, Manang Ason.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD