Chapter 9

1331 Words
NAGISING siya kinabukasan sa sariling kwarto. Nang mapagtanto kung anong nangyari sa kanya mabilis siyang tumayo at tumakbo palabas upang hagilapin ang Daddy niya. Kailangan niyang malaman kung anong nangyari kay Cross. Kailangan niyang makita ang binata. Naabutan niya si Daddy sa patio ng Villa habang prenteng nakaupo at may hawak na malaking newspaper. "Where's Cross?" hinihingal na tanong niya agad pagkalapit. Marahan binaba ni Daddy ang hawak na newspaper. "Where's my goodmorning, baby girl?" "Cut the cráp– !" bulyaw niya. "Nasaan si Cross, Dad?" ulit niya na nakakuyom ang mga kamay. "Why do you need to look for that son of a bítch? I told you, he's not the one I want for you," giit ni Daddy sa kaniya. Nagtaas baba ang paghinga niya sa labis na galit na nararamdaman. Matalim ang mga matang tinitigan niya si Daddy. "Uulitin ko, Dad.. Nasaan si Cross?" madiin niyang sabi. Sumenyas si Daddy sa mga bodyguard na nakatayo, malapit sa kanila. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin non pero tahimik siyang nag abang hanggang sa may lumapit sa Daddy niya. Isa sa mga bodyguard nito at may tila may binulong. "He's in the basement, Amber–" wika ni Daddy. Hindi na niya pinatapos ang iba pang sasabihin nito. Tumakbo siya patungong basement. Nang makarating sa basement, tinungo niya agad ang cell kung nasaan si Cross. Nakagapos ito sa magkabilang dulo ng mga braso nito. Walang suot na pang itaas na damit, puro sugat at dugo sa mukha saka katawan dahil siguro sa labis-labis na bugbog na natamo. "C-Cross–" paanas niyang sambit habang hinahabol ang paghinga. Nilapitan niya ang binata. Nakatungo ang ulo nito, walang malay. Sinapo niya ang duguan na mukha ni Cross. "I'm.. so.. sorry. S-Sorry–" bulong niya saka nagsimulang pumatak ang mga luha niya. Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mga yabag palakad palapit sa cell kung nasaan siya. Ang Daddy na may kasunod na mga bodyguard sa likuran nito. Matalim niyang tinapunan ng tingin si Daddy. "H-How dare you do this to him, Dad ?!" malakas na angil niya. "Hindi mo kilala ang lalaking 'to o ang buong pagkatao niya, Amber. You should listen to me because–" "Shút the f**k up !" sigaw niya. "I will never listen to you anymore, Dad," galit na himutok niya. Hinding hindi niya mapapatawad ang kaniyang Daddy dahil sa ginawa nito kay Cross. Naiiyak siya sa sinapit ng binata, pakiramdam niya kasalanan niya ang lahat kung bakit ito nahihirapan at nasasaktan. "W-Wala siyang ginagawang masama, Dad... Please, please... let him go," sumamo niya. "Say goodbye to him, Amber. Because I'll make sure you never see him again," matigas na sabi ni Daddy saka tumalikod na ito subalit naiwan ang mga bodyguard. Napahagulgol siya at walang pag aalinlangan niyakap si Cross. Alam niyang hindi niya kayang pigilan si Daddy sa balak nito at wala rin siyang magawa sa mga oras na iyon. Gustuhin man niyang itakas ang binata ngunit paano. "A-Amber ..." paos na boses ni Cross ang pumukaw sa kanya. "Cross–!" sinapo niya ang mukha nito gamit ang dalawang kamay niya. Nanginginig ang mga palad niya habang pinagmamasdan ang putok na gilid ng mata at labi nito. Duguan ang buong mukha nito. "I-Im, so.. sorry.. I'm ..sorry," paanas na sabi niya. "D-Do you... really .. love me, Amber.. B-Blackwood?" nanghihinang tanong ni Cross. Nagtataka man kung bakit gano'n ang tanong nito ay tumango tango pa rin siya. Nakita niya ang pagsilay ng munting ngisi sa mga labi nito. Kakaiba ang ngisi nito na hindi niya maipaliwanag, hindi iyon ngiti ng isang lalaking masaya kun'di isang ngisi na tila nanalo ito. Nais pa sana niya kausapin ang binata ngunit hinaklit na siya sa magkabilang braso niya ng mga bodyguard. Bahagyang pumalag siya pero hindi rin siya nakalaban dahil sa dami ng mga ito. Bumalik siya sa kwarto niya at umiyak ng umiyak. Hindi niya matanggap sa sarili na wala siyang magawa para pigilan si Daddy sa balak nito kay Cross. Pakiramdam niya nadudurog ang puso niya sa sakit. Habang nakahiga sa kama, naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Daddy, nakatunghay ito sa kanya habang panay pa rin ang iyak niya. "I'm sorry, baby girl–" "Stop talking to me !!" "Malalaman mo rin na tama ako at–" "Hindi, Dad ! Ayoko ng marinig lahat ng sasabihin mo," namumugto ang mga mata niya. "If you kill Cross, it's like you killed me too. So, forget that I was your daughter, because I will never.. ever forgive you. I hate you!" She looked sharply at her Daddy. Dumapa siya sa kama upang takpan ang mukha niya at patuloy na umiyak. Mabigat ang loob niya, at the same time, nadudurog ang puso niya sa mangyayari kay Cross. This was her first heartbreak and she couldn't accept the fact that because of her, the person who had become special in her heart would die like that. Sa pagdaan ng oras, balot ng luha ang mga mata niya kaya hindi niya namalayan na nakatulog na pala sa kakaiyak. Napabalikwas na lang siya ng bangon dahil sa sunod sunod na malalakas na putukan. Nakiramdam siya bago bumangon. May ginawa kaya si Daddy kay Cross? Nang maisip iyon patakbo siyang lumabas ng kwarto, nasa elevator pa lang siya nang mapansin ang ibang katulong sa Villa ay mga nakahandusay at wala ng buhay. Nahindik siya. Pinasok ba sila? Bumaba siya gamit ang elevator, nakakarinig pa rin siya ng palitan ng mga putok. Shiit ! Mukhang pinasok nga yata sila, pero sinong malakas ang loob ang magtatangkang pumasok sa Villa nila? Pagbaba sa elevator, napasinghap siya sa mga nakita. Nagkalat ang mga duguan na katawan ng mga tauhan nila sa Villa. Ang iba ay may tama ng bala sa ulo, sa katawan, at iba pang bahagi ng katawan. Kahit ang ilang mga maids sa Villa ay nakabulagta rin at wala ng mga buhay. Si Daddy ang unang pumasok sa isip niya, nasaan ito? Patakbo niyang tinungo ang malawak na salas ng Villa dahil may nauulinigan siyang nag uusap roon. "Pagod na ako, 'di pa ba tapos 'to?" Sumilip siya ng dahan-dahan. Tatlong na matatangkad na lalaki ang nabungaran niya sa salas at may mga hawak itong mga de' kalimbre baril. Hindi siya pamilyar sa mga lalaki pero isa lang alam niya, nandito ang mga ito dahil kay Daddy, wala nang iba pa. Hanggang sa dumako ang mga mata niya sa isang sulok, kung saan naroon nakaupo si Daddy sa isang Victorian single sofa, nakagapos ng makapal nalubid ang katawan. "Sa triplets ikaw ang pinaka walang pasensya, Theron," wika ng matangkad na lalaki na mukhang Amerikano base na rin sa blonde buhok nito. "Wala pa ba si Cross? Bakit kasi si Hunter pa ang pinahanap niyo, duling pa naman 'yon!" "Bagay kasi sa name niya," ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa mahabang sofa ang nagsalita. Nalukot ang noo niya nang marinig ang pangalan ni Cross. Kilala ng mga 'to si Cross? May narinig siyang isa pang putok ng baril, kaya mabilis siyang nagtago sa ilalim ng grand staircase ng Villa upang hindi siya makita ng mga ito. Kaya naman ng may dumating pang dalawang lalaki, nanlaki ang mga mata niya ng makita si Cross, bagama't duguan ang katawan at mukha nito, diresto pa rin ang tindig at lakad nito habang may hawak na M16 rifle. Nahigit niya ang paghinga niya. May pumapasok na sa isip niya kung anong nangyayari subalit hindi pa rin niya kayang i-absorb sa utak niya. Pumasok ang dalawang bagong dating na lalaki sa salas, muli siyang lumapit ngunit siniguro niyang hindi pansinin ang pwesto niya. "Good evening, Mr. Blackwood," nakangising bati ni Cross sa Daddy niya. Bakas sa mukha ni Daddy ang pagkagulat nang makita si Cross. "Well, I don't want to be rude. Let me introduce myself properly. I'm Cross Lucian Madrigal." Nagimbal siya sa pagkarinig ng pangalan nito.. lalo na nang mapansin ang hawak nito maskara sa kaliwang kamay nito. No.. No!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD