SA CORON, Palawan siya dinala ni Cross, sumakay sila ng private boat para makapunta sa Twin Lagoons. Sila lamang ni Cross ang nandoon, walang bodyguard o kahit anong bantay na nakasunod sa kanila dahil palihim silang umalis ng binata.
Hindi ito ang unang beses na tumakas siya ng palihim para maiwasan ang mga bodyguard niya subalit ito ang unang beses na tumakas siya kasama ang sariling bodyguard niya.
Gayunpaman, masayang siyang sumama kay Cross. Alam niyang maraming tourist spot sa Palawan subalit hindi niya pa napupuntahan lahat, isa naroon ang Twin Lagoons.
Napaawang ang mga labi niya dahil sa napakagandang lugar. Everywhere she looked, it's quite simply a very spectacular ! Ito ay dalawang magandang, malinaw na lagoon na pinaghihiwalay ng matataas na limestone cliff, kaya tinawag na Twin Lagoons.
"Nagustuhan mo rito?" kapagkuwan na tanong ni Cross habang magkasiklop ang mga kamay nila.
Dagli siyang napalingon sa binata.
"Sobra ! It's like paradise," matamis na ngumiti siya kay Cross.
Asul na asul ang dagat, napakalinaw, presko ang simoy ng hangin, at mga isla sa paligid walang itulak kabigin sa ganda.
Mabilis na halik ang iginawad ni Cross sa kanyang noo.
"Buti naman nagustuhan mo ang first date natin."
Tumalon yata ang puso niya dahil sa sinabi ni Cross. First date? So, ito ang unang date nilang dalawa? Napangiti siya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang saya ng mga oras na 'yon.
Na para bang kaya niyang paikutin ang buong mundo niya kay Cross. Mahigpit niyang niyakap ang binata sa beywang, naramdaman din naman niya ang pag akbay nito.
"I love you, Amber Blackwood," paanas na sambit ni Cross.
"Mahal din kita, Cross–" tugon niya.
Nililipad na yata sa ulap ang puso niya dahil sa masarap na pakiramdam na hatid ng mga salita ni Cross sa kanya.
"Paano pala ang Daddy mo?" kapagkuwan ay tanong nito. Wala naman bahid ng pag aalala sa boses nito.
"What do you mean?"
"Pag nalaman ng Daddy ang tungkol sa relasyon natin–"
Natigilan siya. Relasyon. May relasyon na sila ni Cross. So, boyfriend na niya ito at girlfriend na siya nito. Bumilis ang tahip ng dibdib niya. Hindi niya maiwasan na hindi kiligin sa kaalaman may namamagitan na sa kanila ni Cross.
For the first time in her life, she felt such intense joy. Buong buhay niya, lumaki siyang nag iisa, malayo sa kanyang Daddy dahil sa kaliwa't kanan na kalaban nito sa negosyo. Natuto siyang kontrolin ang kaniya emosiyon, sinikap niyang maging matapang at walang takot sa lahat tulad ng kaniya Daddy.
Kinailangan din niyang aralin kung anong klaseng negosyo o mundo ang mayroon ang pamilya nila nang sa gayon susunod siya sa yapak ng kaniyang Daddy.
Kaya ang matutong magmahal sa isang lalaki ay sobrang bago sa kaniya. Hindi na niya iniisip kung ano man ang magiging reaksyon ni Daddy kung sakaling malaman nito ang tungkol sa kanila ni Cross.
Nagkibit balikat siya. "Don't worry about my Dad. Mabait si Daddy kaya hahayaan niya ako sa gusto ko," kalmadong sagot niya kay Cross.
Tumango tango lang ang binata. Walang reaksyon ang mukha nito. Marahil, napapaisip ito sa magiging reaksyon ni Daddy sa relasyon nila.
Marahan niyang kinurot ang baba nito sabay ngiti.
"Wag mo muna isipin ang sasabihin ni Dad, mag enjoy muna tayo, okay?–"
Matiim muna siyang tinitigan ni Cross bago gumanti ng ngiti sa kanya.
"Right. Nandito tayo para mag enjoy, ready ka na ba, mag swimming?" lumitaw ang pilyong ngiti nito.
Buti na lang naka two piece bikini siya. Hindi niya maaaring sayangin ang napakagandang pagkakataon na makapag-swimming sa ma-ala-crystal clear na tubig dagat sa Twin Lagoons.
"I'm so ready !" bulalas niya at abot tenga ang ngiti.
Unang ginawa nila ay nag-snorkeling, nag-rent sila ng kayaks para makapag-kayaking patungo sa entrada ng Lagoons at mag-swimming nang mag-swimming maghapon. Pagabi na ng maisipan nila umuwi, balak pa sana nilang kumain sa isang restaurant ng may humarang sa kanila na isang kulay itim na Mercedes-Benz.
Subalit, hindi lang iisa, dalawa o tatlo kun'di apat na itim na Mercedes-Benz ang mabilis na huminto sa harapan nila ni Cross habang magkasiklop ang mga kamay nila.
Bumaba ang mga lalaking naka-black suit, sa tingin niya mahigit singkwentang bodyguard iyon. Bumaba rin sa Mercedes-Benz ang Daddy niya na nakasuot naman ng kulay dark blue na tuxedo.
"Daddy–" usal niya.
Ngunit bago pa niya maituloy ang nais sabihin, hinawakan kaagad ng mga tauhan ni Daddy si Cross at walang pakundangan binugbog. Napasinghap siya sa gulat. Nahindik siya saka matalim na tumingin sa kanyang Daddy.
"Stop ! Stop it ! I said stop hurting him !–" sigaw niya. Lalapitan sana niya si Cross upang tigilan ito ng mga tauhan ni Daddy pero may humawak na sa braso niya at sapilitan siyang isinakay sa sasakyan.
"W-What the héll, Dad?! Stop hurting him ! He's my boyfriend, goddamn it !!" gigil na himutok niya habang pumapalag sa dalawang tauhan nakahawak sa mga braso niya. "I said stop it–!"
"Boyfriend? Hindi mo alam ang sinasabi mo, baby girl. Inuuto ka lang ng gagóng 'yan–" matigas na tugon ni Daddy sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. Sinapak niya ang dalawang lalaking humahawak sa braso niya, at dahil may alam din siya sa pakikipaglaban madali siyang nakawala sa mga ito.
"Hindi niya ako inuuto, Dad ! He loves me and I love him, for godsake !!"
"You love that morón? Really ?! Paano mo nasabing mahal ka niya? Hindi siya ang gusto ko para sayo at–"
"Pero siya ang gusto ko!" bulyaw niya at patakbong nilapitan si Cross. Pinagsusuntok at sipa niya ang mga tauhan bumubugbog sa binata. Ginawa niya ang lahat para makalapit siya kay Cross na ngayon ay nakalugmok sa lupa at duguan ang mukha.
"C-Cross–" paanas niya at walang sabi-sabing niyakap ang binata.
Nakita niyang sumenyas ang Daddy niya sa mga tauhan nito at marahan lumapit sa gawi nila ni Cross. Mababakas ang pagkasuya sa mukha ni Daddy habang nakatingin sa kanila.
"Isa siyang bastardong lumaking mas mahirap pa sa daga. Hindi siya ang lalaking gusto ko para sayo, Amber. Kung ano man ang pang uutong ginawa niya sayo ay kalimutan mo na," maawtoridad na wika ni Daddy at inilabas ang baril nito saka itinutok iyon kay Cross.
"D-Dad– No, please !" hiyaw niya at mas lalong niyakap ang binata upang iharang ang katawan niya.
"P-Please, Dad– don't kíll him !" pagmamakaawa niya.
Subalit imbes makinig sa kaniya, anim na tauhan o higit pa ang nagtulong-tulong upang hatakin siya palayo kay Cross. Kahit anong lakas niya sa pagpalag ay naging walang silbi dahil sa dami ng mga tauhan ni Daddy.
"Why are you doing this to me, Dad ?! Akala ko bibigay mo ang lahat ng gusto ko! Gusto ko siya ! Gusto ko si Cross ! I want him to be mine ! Mine !" pagpupumilit pa rin na sigaw niya habang pinagtutulungan siyang isakay sa sasakyan.
Umiling si Daddy. "No, baby girl. Kaya kong ibigay ang lahat lahat para sayo but not him.... hindi siya ang lalaki para sayo. Hindi siya ang gusto ko para sayo. He's just a nobody," seryosong saad ni Daddy.
Hindi na siya nakasagot pa dahil naramdaman na lang niya ang pagsapok sa batok niya dahilan upang tuluyan siyang mawalan ng malay.