SIMULA NG MAKABALIK na sina Eli at Ela sa tinutuluyan nila, tila nabago na ang lahat sa mga kinikilos ni Eli at pagtingin nito kay Ela. Tila bawat kilos at galaw ni Ela ay binabantayan niya. Pati kung saan man naroon si Ela, ay palihim niyang sinusundan. Aminado naman na si Eli sa nararamdaman at kinikilos pagdating kay Ela. Ngunit hindi lamang siya ang nakakapansin nito, pati na rin si King. "Bakla? Easy-han mo lang ah, wag mong lilingunin kaagad si kuya." bulong ni King habang katabi si Ela na pumipili ng mabibili sa isang souvenir shop. Kasama rin nila sina Nhiki at Eli sa hindi kalayuan. "Oh? Anong lagay?" pasimpleng bulong din nito kay King. "Alam mo, simula nung nakabalik kayo sa pagkaka-stranded sa isla, nagiba na ang kinikilos ni kuya Eli." panimula ni King. "Baka na-trauma?" h

