Chapter 7

1068 Words
MAY TAO NA sa counter pero hindi pa rin ito naiintindi ni Ela sa pagkatulala at biglang nasasaksihan. Hindi siya makapaniwalang may girlfriend pala ang lalaking kanyang pinapantasya. Kaya siguro hindi siya pinapansin nito noon pa dahil may ibang babae na palang nakakapagpatibok ng puso niya. "Ahm excuse me miss? Okay ka lang ba? Kanina pa ako dito eh.” sita naman na ng customer na nakatapat sa kanya at saka palang siya natauhan. Tinuon na niya ang pansin sa customer ngunit ang pagiisip niya ay na kay Eli pa rin at sa babaeng kaninang pumasok sa café. "Nhiki? What are you doing here?” walang emosyong tanong ni Eli. Ang totoo ay naiinis na siya sa sarili lalo't kung kailan malinaw na ang nararamdaman niya para kay Ela, mukhang may hahadlang pa. "Why are you saying that? Aren't you glad to see me?” pagpapa-cute pa nito. Hindi! Hinding-hindi! "It's not like that, but you know I'm busy here." "I don't care. I'll just wait you to get finish!” niyakap pa ni Nhiki si Eli kahit pa gusto ng itulak siya ng binata. Nakatingin lang si Eli kay Ela na minsan ay patagong sumusulyap sa kanila. "Nako, nandito na naman pala yung maingay na fiancé ni sir Eli.” bungad ni Shay kay Ela na nakatayo lang sa may pantry at pinagmamasdan sina Eli at Nhiki sa katapat na table. "Ano? Fiancé?!” hindi malaman ni Ela pero parang nahulugan siya ng maso sa ulo sa nalaman. "Oo daw eh." Tiningnan ni Ela si Nhiki mula paa hanggang ulo. Sexy naman siya, napakabalingkinitan. Maputi pero medyo maliit. Bongga pumorma, parang laging may fashion show na pupuntahan. At yung make up? Nako! Parang may lamay sa kapal! I wonder ilang kilo yang sinalipakpak niyang make up sa mukha! In short, HIPON siya! HIPON! Sa isip-isip nila pero hindi pa rin niyang magawang mangiti. Ganyan pala ang mga type ni Eli. Yung parang model. Yung palaging nakaayos at pustura. Samantalang siya ay parang matandang dalaga na hindi na sinipag mag-ayos lalo kapag nasa bahay o trabaho din. Hindi niya kasi ito hilig. Maganda naman na kasi ako kaya hindi na kailangang mag-effort! "Alam mo, mas maganda ka. Unang tingin palang, walang panama sayo yang fiancé ni sir Eli. Kung ako papipiliin, mas okay ka.” saad pa ni Shay habang nagpupunas ng baso. See? Boto sa akin si Shay oh? "Sus? Ano namang paki ko diyan? Eh sa mala-Mystica pala ang type niya eh, may magagawa ba ako?" biro pa nito at hindi nila napigilan ni Shay na mapatawa ng malakas. Halos nakuha nito ang atensyon ni Eli kaya napatingin ito sa kanila. "Eli? Baby, are you listening to me?” pagsita naman ni Nhiki kay Eli. "Ah, yeah. Yeah. What is it again?" "I said, my mom called the famous wedding gown designers! I'm still choosing between The Heiress or Athena David's designs. Hays, I'm so excited to our wedding! Aren't you?" "Uh, huh?” tila walang namang naintindihan si Eli sa mga pinagsasasabi ni Nhiki dahil nakatuon lang ito kina Ela at Shay na nagtatawanan pa rin. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay kailangan niyang magpaliwanag kay Ela. "Ako na bang lalapit sa kanila?" "Ako na! Diyan ka na lang.” biro pa ni Ela at papunta na siya sa table nila Eli at Nhiki. "Hi sir, mam, do you want something to drink?” nakangiting bati pa nito sa dalawa na parang wala siyang nararamdamang sakit. "Hmm I didn't know you hired a waitress?” maarte pang saad nito habang tinitingnan si Ela from head to toes. "Ah, Nhiki this is Ela, my new pastry chef.” pagpapakilala naman ni Eli kay Ela pero naiilang siyang tumingin sa dalaga. "A pastry chef? Oh wait! You! Baka pwede siya ang mag-bake ng wedding cake natin?! What do you think baby?" "Huh?” nawiwindang na reaksyon lang ni Eli. "Wedding cake?” takang tanong naman ni Ela. "Yes! But I need to taste her pastries and cakes para masubukan natin siya di ba? Don't worry girl, we will pay you big! Just name your price!” pagiinarte pa ni Nhiki at tila kinapipikon na ni Ela. "So well ma’am, anything you want?” mariin niyang tanong habang kunwari ay maglilista. "Ahm, I want something that there is no sugar, no calories, no fats, no carbohydrates, no sodium, no oil, no trans-fat and no acidic content.” sarcastic pang sagot nito. "You know, to maintain my figure." "You mean water?” sarcastic ding sagot ni Ela at napa-face palm na lang si Eli sa kulit ng dalawa. Nahihiya kasi siya kay Ela para kay Nhiki. "Ahm, well anything else?" "Air. We also have air." sagot naman ni Ela sabay arte pang lumalanghap ng hangin. "Ah, hahaha ang funny ng bagong pastry chef mo baby ah. I like her na!” pa-cool pang saad ni Nhiki dahil mukhang napapahiya siya kay Ela. Hindi alam ni Nhiki na isang daang beses na siyang pinapatay ni Ela sa isip nito kahit pa panay lang ang ngiti pero panay din ang irap nito bilang pagtitimpi. Nagkakatinginan naman sina Ela at Eli na mukhang alam na ang nararamdaman ng bawat isa. MATAPOS ang pangyayari na iyon ay madalas na si Nhiki sa café ni Eli at ngayo'y nagpangabot na rin sila ni King roon. "I - I never expected you to be here Nhiks.” nagugulantang ding saad nito ng makita si Nhiki na pumasok ng shop at lumapit sa kanya sa table habang iniintay niya ang kinukuhang pagkain ni Ela. "Bakit parehas kayo ni Eli ng reaksyon ng makita ako? May nagbago ba?” pag-iinarte pa nito at naupo sa tapat niya. "Ah, wala naman. Hehe. Kamusta ka?” pasimpleng tanong na lang ni King. Ako na bibigatan sa mukha nito eh. "Hmm okay naman. You know naman kasi kung gaano na kami minamadali ng mga daddy natin na makapagpakasal kami ni Eli di ba?" Tila naagaw naman ang atensyon nila sa hindi kalayuan dahil sa tunog ng mga kamuntik ng malaglag na mga plato at kurbyertos na dala ni Ela. "Oh hi Ela, nandiyan ka pala.” Nhiki said. "Ah, sorry." Tumayo kaagad si King para tulungan si Ela sa dalang tray. "True nga girl! Narito si Madam Auring! Dapat tinapon mo sa ito sa kanya eh.” pasimpleng bulong lang ni King kay Ela. "Loka ka talaga!"                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD