ILANG SEGUNDO PA bago naglihis sila ng tingin sa isa't isa at tila nagkakailangan na.
"You - you can take shower there, baka kasi magkasakit ka pa."
Walang tanong ay pumasok na si Eli sa banyo at naligo.
Matapos ay may binigay sa kanyang damit pang lalaki si Ela na tila kinakabog ng dibdib niya.
May nakasama na siyang ibang lalaki rito? Pero hindi kay King ang mga damit na ito.
Namumukod tanging tanong sa sarili ni Eli.
"Kasya ba sayo yung damit? Sa kuya ko yan kapag binibisita niya ako dito." saad ni Ela ng makitang lumabas na si Eli sa banyo habang siya ay nagluluto sa kusina.
Tila nabunutan naman ng tinik si Eli sa narinig dito. Mas mabilis nakapaglinis at palit na si Ela sa kanya kaya nakapagumpisa na itong magluto ng hapunan nila.
"Yeah, it fits on me. I thought its King's clothes."
"What? Hindi ko pa nga dinadala yun dito sa unit ko eh, ikaw palang."
Tila kumabog na naman ang dibdib ni Eli sa sagot ni Ela sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi mangiti ngunit tinatago lamang niya ito.
Hindi niya rin inaasahan ang biglang pumasok sa isip niya habang pinapanood si Ela na nakatalikod sa kanya habang nagluluto ito. Napangiti siya na bigla niyang naisip na si Ela ay nagluluto sa kanya bilang asawa niya. Yung tipong pagod siya galing trabaho at si Ela ay pinaghahanda siya ng makakain. Na pareho silang masaya sa buhay nilang magkasama.
Tila napagtanto rin ni Eli ang pumapasok sa isip niya at kaagad na itinigil ito. Hindi niya akalaing maiisip niya ito ni minsan sa buhay niya. Ni kanino man. Ngunit kay Ela lang.
Tila hindi niya rin inaasahan ang ganitong pangyayari sa buhay niya. Hindi siya makapaniwalang nangangarap rin pala siya ng ganoong buhay kasama ang babaeng gusto niya. Mukhang kahibangan ito sa kanya pero aminado siyang gusto niya ang pumapasok sa isip niya. Tila isa bang pangarap.
Matapos magluto ay kaagad din silang kumain na dalawa. Hindi makakailang masarap magluto si Ela at tila ngayon palang nakakain ng ganitong kasarap si Eli kahit pa marunong din siyang magluto kagaya ng kanyang ina.
"You are actually really good at the kitchen." puri pa nito sa dalaga.
"Coz that's where women truly belong, right?" ngiti pa nito at nagkatawanan silang saglit ngunit tuluyan siyang napatutula sa ganda ng dalaga.
She defines her now perfectly amazing. If King is not a gay, he would think that his brother is really a lucky man to have her.
But then suddenly he stops fantasizing everything about Ela, this is way wrong.
"Ahm, how's you and King?” pag-iiba niya ng usapan.
"Well, as you see. We're doing well. He doesn't really look like a gay, as you said." paliwanag pa ni Ela rito.
"Yeah, as I can see. I guess you're doing great."
"King is an amazing person too, he's not hard to be with. We are also sharing same interests just like travelling and foods."
"Oh? Yeah, he likes to travel and try something new. He's adventurous too."
"Yeah, and he's not afraid to take a risk."
Hindi alam ni Eli kung bakit may kirot sa dibdib niya sa bawat papuring sinasabi ni Ela kay King. Tila nakakaramdam siya ng selos ngunit hindi siya sigurado dito.
"Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit hindi mo na lang hayaan si King sa gusto niya."
"That's what I'm doing. I just can't take if our parents wouldn't accept him."
"He's doing nothing wrong. There's nothing wrong of being a gay."
"Look, you don't understand by now why I'm doing this to him, but it's for his sake. I love him that's why I'm supporting him."
"Fine, fine. I'll just make sure he's safe and will not gonna have a relationship with other man. Yeah, I got it!"
"Thank you, Ela."
Nako Eli, kung hindi lang talaga dahil sa'yo, hindi ko gagawin ito!
MATAPOS ng pangyayari sa kanilang dalawa, mas lalong naguluhan ang puso at isip nila para sa isa't isa. Mas lalong hindi na mapigilan ni Eli ang nararamdaman para kay Ela at aminado na siyang gusto niya ang dalaga. Habang si Ela naman ay muling nanunumbalik ang pagtingin kay Eli at kahit pa alam niyang hindi na maaari para kay King.
"Good morning! Welcome to El Deluxe!" bati ni Ela sa bagong pasok na customer. Siya muna ang tumao sa counter dahil naghuhugas ng mga utensils at iba pang kagamitan si Shay at si Eli naman ay may importanteng kausap pa sa office nito. Tapos na rin naman siya sa ginagawa kaya siya muna ang nasa café counter.
Nilagpasan lang siya ng babaeng customer at naupo lang sa isang bakanteng table sa tapat ng counter.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Eli at lumapit sa kanya sa counter. Hindi niya talagang maiwasang mapatitig sa binata dahil napakagwapo nito kahit pa nakasuot ng apron.
"Okay ka lang ba dito?" bati naman ni Eli sa kanya.
Tumango lang si Ela sa binata. "Ako ng bahala dito sa coun --" biglang tumunog ang cellphone ni Eli sa bulsa at kinuha na naman niya kaagad ito.
Nang makita kung sino ang tumatawag kaagad siyang lumayo kay Ela. "Excuse me lang ulit."
Nang makalayo ulit kay Ela at saka niya sinagot ang phone. "Hello Nhi --"
"Eli! Baby!"
Sa lakas ng pagkakasigaw nito, nadinig ng ibang nasa café iyon at napatingin kina Eli. Lalong-lalo na ni Ela.
Napatameme ito ng makita kung sino ang sumigaw at kung bakit niya tinawag ng ganun si Eli. Nilingon niya ang mga ito at halos napako na ang mga paa niya sa kinakatayuan. Wala siyang ibang maramdaman sa nasaksihan kung hindi pagkabigla.
"Eli! Baby!!!"
"Nhiki? Hey?" tila hindi naman malaman ni Eli ang sasabihin pa o gagawin ng biglang nanakbo at yumakap sa kanya si Nhiki.
"I missed you baby! I've been calling you but seems you didn't answer any of my calls, I thought there's something happened on you.” saad pa nito habang nagpapa-cute kay Eli pero hindi pa rin bumibitaw ng kapit sa leeg ng binata.
Napalingon naman si Eli kay Ela sa may counter at nakita niyang nakatutula lang ang dalaga sa kanya. Parang gusto niyang sapakin ang sarili dahil nakikita ni Ela ngayon kung papaano siya lambingin ni Nhiki. Ang fiancé niya.