Lumipas ang mga araw at tila araw-araw nasa café shop ni Eli si King para bisitahin si Ela. Napapansin niyang mukhang nag-e-enjoy ang dalawa sa arrange dating nila at tila si Eli naman ay nakakaramdam ng panghihinayang pero pilit na lamang niya itong binabalewala.
"Kakaiba pala ang karisma nitong si Ela eh noh, sir Eli? Nagawa niyang panatiliin si sir King dito at hindi lang iyon, araw-araw pa siyang narito para lang mabisita si Ela at ihatid pauwi." pagsingit naman ni Shay kay Eli habang nasa counter sila. Pareho silang nakasulyap kina King at Ela na tila tuwang-tuwa at sweet magkausap.
Pinagmamasdan niyang masaya si King habang kausap si Ela, pero ang hindi niya maunawaan kung bakit parang hindi niya matanggap na masaya rin si Ela ngunit hindi siya ang dahilan.
The way Ela looks at King, he wants that too.
The way Ela laughs with King's jokes and thoughts, he wants that too.
Suddenly he realized that, he also wants to talk to Ela the same way she does with King. Ela really has a captivating and charming smile that any man's stoned heart will melt. And he guesses he was a victim.
Minsan ay naabutan ni Eli na nasa kitchen din si King at tinutulungan si Ela sa pagbe-bake kahit wala naman itong kaalam-alam rito. Tila madaling nagkapalagayan ng loob ang dalawa at pakiramdam ni Eli ay hindi lang atensyon ng kapatid niya ang nawawala sa kanya, pati na rin ang kay Ela.
Wala naman siyang nagawa kung hindi pabayaan ang dalawa dahil una palang ay siya naman ang may gusto nito mangyari.
Ginusto mo naman ito di ba Eli? Bakit ganyan ka ngayon? Baliw ka ba?
ISANG gabi ay hindi na maihahatid ni King si Ela dahil may biglaang lakad ito, sarado na ang shop at papauwi na sana si Ela ng bumuhos ang napakalakas na ulan kaya nanatili pa siya sa gilid ng café shop.
"Kapag medyo minamalas ka nga naman oh? Wala pa naman akong dalang payong. Tss.” pagtantsa pa ni Ela sa lakas ng ulan pero alam niyang hindi niya kakayaning suungin ito kahit pa siya ay naka-bike.
*Beep beep!*
Napatingin siya sa harapan ng shop at nakita ang kotse pa ni Eli na nakahinto doon. "I'll ride you home!" sigaw ni Eli pagkabukas ng window ng kotse niya.
"Huuh?" sigaw din ni Ela na hindi pala siya narinig.
Lumabas na lang ng kotse si Eli at sinundo si Ela. Mabuti't may payong siyang magagamit. Kaagad niyang nilapitan ang dalaga.
"I said, I'll ride you home. Let's go."
"Teka? Paano itong bike ko?"
"Leave it here. I-lock mo na lang diyan sa window bars."
Matapos ay sumama na si Ela kay Eli sa kotse nito at umalis ng café.
"Sa Kashiera Luxury ka di ba?" tanong pa ni Eli kay Ela habang straight ahead lang sa pagda-drive.
"Ah, oo."
"Sa Kaur Highlands lang ako nag-i-stay."
Napatingin naman si Ela sa kanya. "Talaga? Eh iisa lang naman ang may-ari ng mga condominiums na yun eh."
"Yeap. Actually, Khalil Kaur is one of dad's company's highest foreign investor. So, I bought a unit there because it's the most convenient and safest place to live near in my café." paliwanag naman ni Eli rito.
"Oohh. Well, I have no relationship with them I just find their place is beautiful and worth of money to spend and to invest with. Actually, it was my first investment at hindi pa nga tapos."
"Yeah, yeah. Magkatabi lang naman pala tayo ng tinutuluyan. Madalas din sa akin umuuwi si King pero inuuwi ko siya kina mommy at daddy. – So, kapag gusto ko palang kumain ng mga gawa mo, pwede akong sumugod sa unit mo." biro pa ni Eli na hindi niya rin namalayang nasabi niya iyon.
"Ah, huh?” medyo nabiglang sagot na lang ni Ela. "Ah, oo naman." tila nabiglang sagot rin nito at hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan.
Nagkatinginan silang dalawa at nang magtama ang kanilang mga mata, ilang segundo silang napatigil at kaagad namang lumihis ng tingin si Ela, at si Eli naman ay bumalik ang paningin sa daanan.
Isang momentaryo ng katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Tila pati mga paghinga nila ay pigil na pigil sa bawat pagbuga.
Malakas pa rin ang ulan hanggang sa makarating sila sa condo building ni Ela.
"Thanks for the ride sir Eli. Dito na lang ako bababa." naiilang pang pagpapaalam na ni Ela bago pa sana ipasok ni Eli ang sasakyan sa loob ng front yard ng building.
"Are you sure? Here, take my umbrella." inabot naman ni Eli ang payong niya kay Ela bago ito bumaba.
Sinusundan na lamang ng tingin ni Eli ang dalaga sa paglalakad ngunit bago pa man ito makalayo sa kanya ay bumugso ang malakas na hangin at napabaligtad ang payong nitong gamit dahilan upang masira ito at tuluyang mabasa si Ela.
Kapag nga namang minamalas ka oh?
Nakita kaagad ni Eli ang nangyari kaya kaagaran siyang bumaba sa kotse at tinaklob ang malalaki niyang braso sa uluhan ni Ela bago hinawakan ang kamay nito. Ikinabigla naman ng dalaga ang ginawa niya. "Run!"
Nanakbo sila hanggang sa entrance ng building ngunit pareho na silang basang-basa sa ulan.
"Are you alright?" pagaalala pa ni Eli habang hinahawi ang nagkalat na basang buhok ni Ela sa mukha nito. Natulala lang naman si Ela sa ginagawa ni Eli sa kanya dahil makikita talaga sa mukha nito ang pagaalala sa kanya.
Napapaisip si Ela na bakit ganitong bigla ang concern sa kanya ni Eli gayung dati ay hindi siya pinapansin nito.
"O-okay lang ako. Ikaw nga itong basang-basa oh." hinawi naman ni Ela ang kapirasong buhok ni Eli na tumatakip sa mata nito. Natigilan din si Eli sa ginawa ni Ela. Sandali silang nagkatinginan at parehong hindi makapaniwalang natitigan nila ang isa't isa ng ganito kalapit. Tila naakit sila sa bawat isa. Hinaplos ni Eli ang pisngi ni Ela at hindi alam ng dalaga kung bakit tila gusto niya ang pangyayaring ito.
"Tara muna sa unit ko nang makapagpatuyo ka muna." sambit kaagad ni Ela ng matauhan.
"Ahm, hindi na. Okay lang ako. Sa unit ko na ako magpapatuyo." nahihiya pang sagot ni Eli dahil napagtatanto niyang parang hindi tama ang ginagawa niya kay Ela. Hindi dapat siya mapalapit sa dalaga dahil kay King. Kaagad din silang naglayo.
"Come on? I insist. And it’s already dinner time, so better join me instead?" sabay ngiti pa ni Ela na hindi na magawang tumanggi ni Eli sa kanya.