PAPALAPIT NA ANG mga labi nila sa isa’t isa ngunit biglang tila natauhan si Ela at napayuko. Natigilan naman din si Eli sa ginagawa. Kaagad siyang napabitiw kay Ela at napagtanto ang ginagawa.
“Hi – hinahanap na siguro nila tayo.” saad naman ni Ela at umalis rin kaagad sa kinakatayuan niya. Sinundan naman siya ni Eli ng tingin muna bago sumunod sa paglakad.
Damn you, Eli! Why would you want to kiss her?
Sa isip-isip na lang ni Eli na halos hindi na siya makapagpigil.
Matapos ng kanilang bisita sa museo, dumiretos na rin sila sa isang golf course club malapit roon. Member na roon sina Eli at King dahil madalas silang maglaro kasama ang ama nila at ilang mga business partners nila including Nhiki’s father.
Nasa taas lang sila ng tila corridor para makapag-practice sina Ela at Nhiki dahil hindi pa nakakasubok ang ito na mag-golf.
“Ganito ba? Ugh!” tila nahihirapan naman si Nhiki na pumuwesto sa pagpalo. Ilang beses na itong sumubok ngunit hindi niya matamaan ng tama ang bola, kung tamaan man niya ay palaging palihis o mahina lamang.
Inalalayan naman siya ni Eli mula sa likuran niya at tinuturuan ng tama posisyon sa pagpalo sa golf.
Habang sa harapan naman nila Eli sina Ela at King na ganun rin ang ginagawa. Nakaharap ito sa kanila kaya kitang-kita niya ang ginagawa ng dalawa. Nasa likuran rin ni Ela si King na mukhang masayang tinuturuan ni King sa paglalaro. Tila mas mabilis naturuan ni King si Ela kaya nakakatama na ito sa pagpalo.
“Pagod na ko! Bakit kasi ang liit liit ng bolang papaluin eh! Hindi ko tuloy matamaan.” reklamos na ni Nhiki dahil sa nakalipas na ilang minuto ay tumigil na ito sa paglalaro. Nagpigil naman ng tawa si King kaya halos masamid siya sa iniinom na tubig.
Napansin ito ni Eli na parang kanina pa nga pinagkakatuwaan ni King at ni Ela si Nhiki pero ayaw na lang niyang sitahin dahil kahit siya ay hindi niya ito makantyawan. Tumayo na lamang si Eli at bumalik sa corridor area at nagsimulang maglaro mag-isa.
Napasunod lang ng tingin si Ela kay Eli na hanggang sa ngayon ay hindi makapaniwala sa nangyari sa kanila kanina.
Gusto niya akong halikan? Pero bakit?
Tila Malaki bigla ang gumugulo sa isip ni Ela at hindi niya alam kung dapat ba niya itong sabihin kay King lalo’t alam niyang tutuksuhin siya nito.
*Riiing… riiing… riiing!
Sabay pang nagkatinginan sina Ela at King na marinig nila ang pagtunog ng phone ni King. Napatingin naman si Ela sa kanya ng seryoso.
“Saglit lang ulit.” palusot pa ni King at lumayo na ulit para sagutin ang tawag.
Napatingin naman si Ela kay Nhiki na tila busy na rin sa phone habang nakaupo sa VIP coach nila.
Naguguluhan man bumalik na lang si Ela sa may corridor area ng golf at kumuha rin ito ng stick para makapaglaro ng golf. Sinusubukan niyang ulit ang lahat ng tinuro ni King ngunit parang hindi na niya ito magawa ulit. Halos tatlong unit ang pagitan nila ni Eli na nakita niyang swabe lang ang pagpalo at hampas nito ay tinatamaan ang bola at napupunta sa malayo.
Napaangat na ng tingin si Eli at nasaktuhang nakita niya si Ela na nakatingin sa kanya ngunit kaagad nitong inalis ang paningin sa binata at nagsimula ulit magsanay.
Napansin ni Eli na tila nagmamadali ang kilos ni Ela kaya hindi nito matamaan na ang bola.
“Stand still – hands straight.”
Tila halos mapabalikwas si Ela sa pagkagulat ng marinig si Eli na malapit na pala sa kanya. Inaakala niyang nasa harapan niya lang ito.
Ginawa naman ni Ela ang sinabi ni Eli at susubukan ulit pumalo pero pinigilan siya nito.
“Bend a little your elbow at the back side before you swing.” paalala pa ni Eli at gayun naman din ang ginawa ni Ela ngunit sa paghampas niya ay hindi niya natamaan ang bola. “Here..”
Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ni Ela at nagtaasan ang mga balahibo niya sa likuran ng lumapit sa kanya si Eli na tila pumayakap kagaya ng ginawa sa kanya ni King. Ngunit may kakaibang kaba ang nararamdaman niya ngayon at tingin niya ay hindi siya makapag-focus na.
Humawak din si Eli sa kamay ni Ela na tila inaalalayan ito, alam niyang malapit ang mukha nito sa balikat niya kahit pa mas matangkad ito sa kanya ng ilang inches. Ramdam niya ang lapit ng ulo niya kay Eli ngunit pilit niyang inililihis ang atensyon roon at tumutuun sa pagpalo sa bola ng golf.
“And sway!” pagturo pa ni Eli at natamaan nga ni Ela ang bola kung saan malapit pa itong mapunta sa goal na butas.
“Woah! Nice!” hindi rin makapaniwala si Ela nagawa nila iyon ni Eli pero patuloy pa rin ang pagkapit ni Eli sa kanya mula sa likuran niya.
“Mas magaling na ba ko magturo kaysa kay King?” biro pa ni Eli.
“Hmm, I don’t think so. Kasi hindi pa nakakatama si Nhiki.” biro rin ni Ela at napatawa sila saglit.
“That’s not fair.”
“Fast learner lang siguro talaga ako.” pag-walkout pa ni Ela rito at napasunod na lang si Eli ng tingin sa dalaga habang hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya.
Susko Ela! Maghunos dili ka! Iwasan ang temptasyon ni Eli!
Sa isip-isip ni Ela dahil ramdam niyang tila nagiging malapit si Eli sa kanya na.
Naglalakad na si King pabalik sa coach nila kanina ng makasalubong siya ni Ela at hinatak nito bahagya ang braso.
“Yung kuya mo mukhang nakakahalata na dyan sa patawag-tawag mo. Baka isipin nun –“
“Eh ano naman?”
“Loka ka! Syempre ako mayayari sa kanya. Mukhang paniwalang-paniwala siya sa arte natin.”
Umirap naman lang si King. “Chillax girl, ikaw ng may sabi, paniwalang-paniwala naman siyang nagdi-date na talaga tayo.”
“Oo nga, eh paano kung makahalata siya dahil sa ginagawa mo?”
“Chill! Hindi yan noh.”
NAGKAAYAAN na rin sila at dumiretso na sa isang mall kung saan may bowling alley. At dahil marunong naman si Ela nito, nauna na siyang sumubok muna ng laro.
Unang bola palang ay strike na kaagad si Ela.
“Wow! Nice one babe!” bati pa ni King rito at nag-apir sila ni Ela ng makalapit ito sa kanila pero dumiretso si Ela sa may kuhaan ng bola at binalik ang gloves na ginamit.
“Babe?” tila pasaring na tanong ni Eli kay King.
“What?” pagkibit balikat pa ni King bilang tugon.
My endearment na kaagad sila?