“OH ME, ME! I want to try!” pagpresinta na ni Nhiki at sabay tayo para kumuha ng bola.
Naupo naman na din si Ela sa tabi ni King.
“Hindi mo ba aalalayan si Nhiki dun kuya? Naka-heels pa naman oh.” nakatingin naman silang lahat kay Nhiki na mukhang hirap maglakad dahil madulas ang floor ng bowling alley.
“She – she’s good.” sagot lang ni Eli ng nakatingin kay Nhiki.
Lumapit na ito sa labasan ng bola at kumuha. “Oh? So heavy ah?” nagbitbit siya ng bola gamit ang dalawang kamay na tila bigat na bigat nga rito.
“Be careful Nhiks!” sigaw pa ni King.
Lumapit na si Nhiki sa alley na halos madulas-dulas na dahil na rin sa bigat ng dala niya. Napapailing naman silang tatlo dahil kamuntik na itong madulas.
“Oh?!”
Sabay-sabay pa nilang tatlong reaksyon ng makitang muntik na naman ma-out of balance si Nhiki pero hindi naman natumba ng tuluyan.
“I’m fine! I’m fine.” pagsiguro naman nito sa kanila.
“Geez?”
Dahan-dahan naman sinubukan ni Nhiki tumira ng bola pero halos matangay siya nito dahil dumausdos siya at halos madapa na. Mabuti na lang talaga ay sanay siyang naka-heels kaya nakokontrol niya ang balanse niya at hindi natutumba. Nakatayo naman siya ulit ng maayos na para bang hindi inda ang pagkakadulas niya.
Ngunit ang bola ay sa gilid lang napunta at halos walang tinamaan ito. Pero nagpalakpakan ang tatlo hindi dahil wala siyang tinamaan kundi dahil sa galing niyang magbalanse sa sarili niya at hindi siya natutumba kahit pa mataas ang heels niya.
“Grabe? Parang na-train siya ng konduktor sa galing magbalanse.” saad ni King at halos hindi malaman ni Ela kung paano magpipigil ng tawa.
Napatingin naman si Ela kay Eli at hindi niya inaasahang tumatawa na pala ito kahit pa halatang nagpipigil rin. Napapayuko na lang ito at iling dahil sa pagtawa. Napatulala naman si Ela sa kanya.
“Pst! Matunaw yern.” bulong ni King kay Ela kaya natauhan na ito at tumingin na ulit kay Nhiki.
“Nice balance!” bati naman ni King kay Nhiki.
“Oh gosh! Nakakaloka rito ah? Napakadulas ng floor!” paghawi pa nito sa buhok niya bago naupo sa tabi ni Eli.
“My turn!” pagtayo sana na ni King ngunit biglang tumunog na naman ang phone niya kaya tila natigilan siya at gayun na rin sina Ela at Eli.
“Ahm – yan ba yung sa reservation natin sa resort?” tanong ni Ela kay King na tila nahalata naman nito ang pagpapalusot niya kaya sinakyan na lamang niya.
“Ah, eh – oo ito nga. Nagtatanong lang sila ng details natin.” sagot lang din ni King.
“Resort? Are you planning an out of town?” tila taking tanong pa ni Eli at napatameme naman sina Ela at King.
“Wait, gonna take this call.” palusot na ni King para makaiwas na rin sa tanong ng kapatid.
“Ah – eh, oo?”
“Really? Why you didn’t – tell me?” pagusisa pa ni Eli.
“Ahm – hindi pa naman kasi finalized.”
“At kayong dalawa lang? Are you serious?”
“Wa – why not?” lumapit kaunti si Ela kay Eli para mabulungan ito. “Eh di ba ito naman gusto mo? Yung mapalapit kami ni King?”
“But are you serious na mag-vacation na talaga kayo together?” bakas sa tinig ni Eli ang hindi pagsangayon sa nalaman.
Hindi naman malaman ni Ela kung papaano pa ito ipapaliwanag kay Eli. Dahil ang totoo kaya mag-out of town sila ni King dahil may gusto itong ipakilala daw sa kanya.
“Ahm – “
“Sasama ako.” saad bigla ni Eli kaya napatingin sa kanya si Ela.
“What? No! – I mean –‘
“What? Why not?”
Napabagsak balikat na lang siya at mukhang walang magagawa dahil wala naman sila ibang rason para hindi ito sumama sa kanila.
“What are you guys talking about?” tanong pa ni Nhiki habang umiinom ng drinks nito.
Napabaling naman si Ela kay Nhiki.
“Ahm –“
“Nothing. About lang sa café.” sabat naman ni Eli na kaya hindi nagsalita ulit si Ela.
“Oh? Baby, we’re outside na. Don’t talk about work here.” maarteng saad pa nito at panay hawi ng buhok niya.
Pagkabalik ni King ay nagsimula silang maglaro ulit ng bowling. Paramihan sila ng nagiging strike at kahit mukhang magtulungan pa ang magkapatid ay hindi nila matalo si Ela na halos palaging perfect score.
“Yehey! You go baby!” pag-cheer pa ni Nhiki rito ng sabay sila ni Ela na naghagis ng bola ngunit may naiwang isa kay Eli at strike na naman kay Ela.
“You’re good at this, huh?” saad pa ni Eli habang naglalakad sila ni Ela pabalik sa table nila.
“Dapat may bonus ako kapag natalo kita.” biro pa ni Ela at nangiti na lang din si Eli rito.
“Nice!” pag-apir ulit ni King kay Ela at inapiran din nito ang kapatid. “Suko na ko! Masyadong magaling si Ela rito.” dagdag pa niya.
Napaupo naman na sila Ela at Eli sa kanilang designated seats.
“I’m so tired na. Eli baby, can we go home na?” saad naman ni Nhiki kay Eli at napatingin naman ito kina Ela at King.
“Sure, mahaba na rin masyado ang araw natin eh.” sagot naman ni Ela.
“Great! Kaso – nasa café pa yung car ko eh.”
“We’ll drop you off there na lang.” sagot pa ni Eli.
“Ahm, ako rin kuya. May pupuntahan pa kasi ako eh.” napatingin naman si Eli sa kapatid.
“Saan? Ihatid na kita roon.”
“Ah, hindi na. Get together lang yun ng mga classmate ko nung college.” sagot pa ni King. “Maybe – can you please take Ela home na lang?” dagdag pa nito at napatingin naman si Ela sa kanya.
“Ahm, no – It’s okay. Nasa café din kasi yung bike ko. Drop me off there na lang din.” sagot pa ni Ela.
“Oh, come on? Gusto kong sure kang makauwing ligtas, okay? Pahatid ka na lang ulit kay Kuya.”
“Ulit? Why? Hinatid mo na si Ela before?” pagsita naman ni Nhiki.
“Ahm – yes. It was pouring by that night kaya hinatid ko na siya.” napatingin naman si Ela sa kanya na tila naalala nila ang mga nangyari sa kanila noon unang beses na naihatid siya ni Eli sa condo unit niya.
Napansin naman ni Nhiki ang tinginan nila Eli at Ela kaya tila nagisip siya ng maaring sabihin para ma-distract ang mga ito.